CHAPTER 3

4 0 0
                                    

Hindi ko mabuksan ang message sakin ni Michael dahil hindi ko alam kung anong irereply ko sakanya, grabe yung hiya ko ng mabasa ko ang message niya sakin. Naisipan ko nalang na mangpanggap na hindi ko alam sinasabi niya.


loisavenizeg: What do you mean?


Eto lang ang naisip kong sabihin sakanya.


michaelsdechavez: Naview yung story ko at nilike agad yung post ko bago ako finollow, stalker ang tawag don right?


loisavenizeg: left:)


michaelsdechavez: Corny.


loisavenizeg: Eto naman hindi mabiro, thank you nga pala kagabi bawi nalang ako sa sunod


michaelsdechavez: No need, alam ko namang mabait ako.


loisavenizeg: Yabang.





Nagseen lang siya at hindi na nagreply kaya hindi narin ako nagchat sakanya after ng conversation namin at nanood nalang sa Netflix.





...





Naisipan nina Vanessa at Margarett na magpunta dito sa bahay dahil boring daw kaya pumayag na ako dahil wala din akong magawa dito sa bahay. Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila dito sa bahay.





"Hi po tita,tito" bati ng dalawa kong kaibigan kay Mom at Dad.





"Hi mga ija pasok na kayo andon lang si Loisa sa kwarto niya punatahan niyo nalang siya" sagot ni Mom sa dalawa kong kaibigan.





"Hi beshiwaps!" nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko yung mga kaibigan ko pala bigla bigla nalang nila binuksan ang pinto ko at hindi man lang naisipang kumatok.





"Uso kumatok" mataray kong sabi dirediretsyo lang silang pumasok sa kwarto ko habang tumatawa at naupo dun sa couch.





"Ano bes kamusta naman kayo kagabi ni Michael?" natigilan ako ng biglang nagsalita sa Margarett.





"Ang issue niyo hinatid lang ako nung tao kase mga lasing kayo kagabi" sagot ko sakanila tumawa lang sila.





"Eh ikaw Vanessa? kamusta kayo ni Kiell, bigla nalang kayo naging close nung bithday mo ah" pagbalik ko sakanya ng tinanong sakin kanina ni Margarett.





"Friends na kami nireject ako eh" sagot niya sakin.





"Desurvv" natatawang sabi ni Margarett at nagtawanan lang kaming tatlo.





Nakaramda na ng gutom itong dalawa kong kaibigan at naisipan nalang naming mag-order online para hindi na namin maistorbo si Mom katatapos niya lang din kaseng maglinis ng bahay kaya for sure pagod siya.





...





Dumating na ang inorger naming pagkain idinamay ko na din si Mom at Dad pati ang kapatid ko dahil lunch time nadin naman. Nagsimula na kaming kumain habang nag-uusap.

--

Monday na ngayon at may pasok na ulit kami, bumangon na ako at dumeretsyo sa cr para makaligo na. Nagblower lang ako ng buhok ko at nagbihis na ng uniform ko pagkatapos ay naglagay lang ako ng light makeup para hindi ako mag mukang haggard kapag pumasok. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako para makapag-amusal na, nadatnan kona si Mom na naghahanda ng breakfast.





Right Time ComesWhere stories live. Discover now