19: Ang Mitsa

4.3K 26 0
                                    

Galit na galit na lumabas sa klase si Placido Penitente. Halos hindi na siya makapagtimpi at nais na gumawa ng isang libo't isang paghihiganti.

Nakita niyang nagdaan lulan ng isang sasakyan si Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog.

Nang mapadaan naman sa Escolta ay may nadaanan siyang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig niya sanang pag-uundayan ng suntok ang mga ito ngunit nagpigil si Placido.

Nadaanan din niya ang dalawang kadete na nakikipag-usap sa isang kawani saka sinagasa mga ito.

Sa kanyang tinutuluyan ay dumating si Kabesang Andang na kanyang inang taga-Batangas. Naghinagpis ang ina nang magpaalam si Placido na hindi na mag-aaral.

Ilang sandali pa ay umalis na si Placido at nilibot ang Sibakong, Tundo, San Nicolas, at Sto. Kristo.

Mainit ang ulo ni Placido. Maya-maya'y nakaramdam siya ng gutom at naisipang umuwi. Inisip niya na wala na sa kanyang tinutuluyan ang ina at nagtungo na sa kapitbahay upang makipangginggi. Ngunit mali siya ng akala dahil naroon pa ang ina at naghihintay sa kanya.

Pinakiusapan daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ngunit matigas si Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli.

Muling nagsermon ang ina tungkol sa pagtitiis. Hindi na lang kumain si Placido at saka muling umalis. Pumunta siya sa daungan ng bapor. Doon ay naisip niya na magpunta ng Hongkong upang magpayaman at kalabin ang mga pari sa kanyang pagbabalik.

Gabi na at dahil sa walang natagpuang kaibigan ay nagtungo siya sa perya. Doon niya nakita si Simoun. Ikinuwento niya dito ang nangyari sa kanya at ang planong magpunta sa Hongkong.

Isinama ni Simoun Placido sa kanyang karwahe. Nakita nila sina Isagani at Paulita na magkasama. Nainggit naman si Placido kina Isagani at Simoun.

Pagkaraan ay muling nagpatuloy sa paglalakbay ang dalawa. Nakarating sila sa isang bahay na pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego.

Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang Tales. Anang guro ay di pa sila handa.

Ngunit ayon kay Simoun ay sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal dahil kung ipagpapaliban pa raw nila ang plano ay baka patay na si Maria Clara.

Dalawang oras din na nag-usap sa bahay ni Simoun at ang binata bago umuwi sa kaserahan si Placido.

Kinabukasan ay nakikinig na sa pangaral ng kanyang ina si Placido. Hindi na rin siya tumutol sa mga payo nito. Pagkaraan ay pinauwi na niya ang ina sa Batangas dahil baka malaman pa daw ng prokurador na naroon siya at hihingian pa ito ng regalo at pamisa.

Talasalitaan:Arabal – hangganan ng bayanBasar – tindahanCandelabra – mahabang tubo na may kandila sa duloCiriales – mahabang tubo na may krus sa duloFenix – isang mahimalang ibon na nabubuhay ng limandaang taonIginugupo – pinaghihinaKabuluhan – may kapupuntahan, may katutururanKarabinero – isang kawal na armado ng karabinKastilyero – tagagawa ng mga paputokKinatitirikan – kinatatayuanLipakin – hamakinMalamlam – mapanglawMitsa – isang parte ng bomba na sinisindihan para ito'y pumutok; nagsisilbi rin itong orasan kung iilan nalang na oras ang bibilangin bago pumutok ang bombaNagngingitngit – labis na galitNakaririmrim – nakapandidiriPlatero – tagapanday ng pilakProcurador – pinuno ng isang relihiyosong korporasyonPromotor piskal – pinunong abogado ng isang distrito

El filibusterismoWhere stories live. Discover now