35: Ang Piging

2.6K 12 0
                                    

Ikapito ng gabi nang simulang dumating ang mga bisita sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan naroon ang piging para sa ikinasal.

Unang dumating ang maliliit na tao hanggang sa may malaking katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ng mga bisita ay pinagpupugayan ni Don Timoteo.

Dumating na rin ang bagong kasal kasama si Donya Victorina. Si Padre Salvi ay naroon na ngunit wala pa ang Heneral.

Pupunta sana sa palikuran si Don Timoteo ngunit 'di siya makaalis dahil wala pa ang Heneral.

Mayroong pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit ang Don at sinabing iyon daw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila. Kinabukasa'y sisingilin daw niya ang utang ng pumintas.

Dumating na rin ang Heneral. Nawala ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. Si Basilio naman ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan.

Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon kaya naisip niyang bigyan sila ng babala.

Ngunit ng makita niya sina Padre Salvi at Padre Irene ay nagbago ang kanyang isip.

Nakita rin ni Basilio si Simoun na dala ang ilawan. Kakila-kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy at parang nag-aalinlangan din ito sa pagpanhik.

Ngunit nang magtuloy ay sandali niyang kinausap ang Heneral at iba pang mga bisita. Saka siya nawala sa paningin ni Basilio.

Nalimot na naman ni Basilio ang kapighatiang dinanas ng kanyang ina, kapatid, at ni Juli.

Namayani ang kanyang kabutihang loob at ninais na iligtas ang mga nasa bahay ngunit siya'y hinadlangan ng mga tanod dahil sa marusing niyang anyo.

Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa kanya.

Ang mukha niya'y tila nagsasabi na tumuloy sa sasakyan at nag-utos na, "Sa Eskolta. Matulin!"

Mabilis na lumayo si Basilio ngunit may nakita siyang lalaki na nakatanaw sa bahay.

Si Isagani pala iyon kaya niyaya niya itong lumayo. Ipinaliwanag niya ang tungkol sa ilawan saka hinila si Isagani.

Ngunit mabilis na nagpasya ang binata ng makitang nagpupuntahan na sa kainan ang mga bisita. Naisip niya na kasamang sasabog sa bahay si Paulita.

Sa loob ng bahay ay may nakita ang mga nagpipiging na isang kaputol na papel na ganito ang nakasulat.

MANE THACEL PHARES

JUAN CRISOSTOMO IBARRA

Ani Don Custodio ay isang biro lamang iyon dahil matagal nang patay si Crisostomo Ibarra.

Ngunit ng Makita ni Padre Salvi ang papel at ang nakasulat doon ay namutla ito.

Lagda daw iyon ni Ibarra kaya napahilig siya sa sandigan ng silya saka nanlambot sa takot.

Magpapatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral ngunit ng walang makita kundi mga utusan na hindi niya naman kilala ay sinabi na lamang nito na magpatuloy sa pagkain at 'wag intindihin ang ganoong klaseng pagbibiro.

Ngunit ang Heneral ay nagkunwari lamang na hindi takot kahit pa ang lahat sa loob ng bahay ay takot na takot sa nasaksihan.

Maya-maya'y nagsalita si Don Custodio. Sa wari daw niya'y ang kahulugan ng sulat ay papatayin silang lahat noong gabing iyon.

Hindi sila lahat nakakibo. May nagsabi na baka lasunin sila kaya binitawan ang mga hawak na kubyertos. Siya namang paglabo ng ilawan.

Anang Kapitan Heneral kay Padre Irene ay itaas nito ang mitsa ng ilawan.

Bigla namang may mabilis na pumasok, tinabig ang utusang humadlang dito, saka kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea, at itinapon sa ilog.

May nagsabing magnanakaw daw iyon at may nanghingi pa ng rebolber.

Ang anino naman na kumuha sa ilawan ay tumalon rin sa ilog.

Talasalitaan:Lumagpak – bumagsak, nahulogNagbabantulot – nag-aalinlanganNagbuwal -nabagsakPanibugho – inggit, selosPumanhik – umakyat

El filibusterismoWhere stories live. Discover now