Baozi Overload

5 0 0
                                    


Baozi Overload

Last day na yata ng visitor ko ngayon, kaya hindi na gaanong masakit. Thanks to Lay, nakakasali na ako sa kulitan ng boys. Nandito kami ngayon sa pool area, kasama ko ang EXO-M. Yung EXO-K kasi may shooting yata. Katabi ko ngayon si Minseok at kumakain kami ng snacks, yung iba naman naglalaro. Sila Luhan, Chen, and Tao ay nasa may pool. Si Yixing nagbabasa ng magazine habang kumakain ng junk foods doon sa hammock.

"Tao!" tawag ni Xiumin.

"Bakit, Gege?" tanong ni Tao.

"Pakuha nga nung mga siopao ko sa kitchen," utos ni Xiumin.

"Walang tao doon!" Umiling si Tao. "Ayoko nga!"

"Hay... Tawagin mo na lang si Luhan, ipasama mo na rin sila Lay and Chen."

"Parang narinig ko yata name ko ah?" sabi ng kakarating lang na si Luhan.

"Pakuha ng meryenda ko at takot pumunta si Tao," sabi ni Xiumin.

"Sige na nga, tutal manly naman ako eh," sabi ni Luhan. "Diba, Y/n?" sabi nya sa akin at nag-flex.

"Oo na, sige, shoo!" sabi ni Xiumin. Kumindat naman si Luhan bago sila umalis na tatlo. Nakiupo naman sa kaharap namin si Tao.

"Loko-loko talaga 'yung usang yun," sabi ni Xiumin.

"Hindi naman, he's actually cute."

"Mwo? Mas cute pa siya sa akin?" He pouted.

"A-Ano, hindi!" depensa ko. "Syempre mas cute ka."

"Anong cute dyan?" bulong ni Tao.

"Manahimik ka nga," sabi lang ni Xiumin sa kanya at binalik ulit ang attention sa akin. "Talaga?" sabi niya ng nakangiti.

Tumango naman ako.

"Sige nga, selca tayo!" sabi nya at lumapit sa akin.

Hindi agad ako nakapag-react, nakatitig lang ako sa kanya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa!

"Hey, are you okay?" tanong niya.

"Natakot na yata sa face mo," sabi ni Tao at tinulak siya palayo ng konti.

"Shut up... Uy, andito na pala ang baozi ko, yey!" pag-cheer ni Xiumin at naupo na sa dati niyang upuan at nagsimula na kumain ng siopao.

"Tsk, kung makadikit," comment ni Tao at lumipat sa tabi ko.

Sila Luhan at Chen ay bumalik sa pool at naglaro ulit. Buti hindi sila nilalamig. Ang lamig kaya dito sa Seoul.

"Y/n, sali ka sa amin!" tawag ni Chen.

"Turuan kita lumangoy." Ngumiti si Tao at in-offer ang hand niya.

"Bawal nga siya, diba?" sabi naman ni Yixing na malapit na antukin sa binabasang magazine.

"Next time then." Nag-pout si Tao.

"Y/n."

Napatingin ako kay Minseok nang tawagin niya ako.

"Wae?"

"Gusto mo?" sabi niya at inalok ako ng baozi. Tinanggap ko naman iyon.

"Gomawo!"

"Ako rin!" hingi ni Tao.

"Oo na, kumuha ka na lang." Tinuro ni Xiumin ang platter at binalik ang attention sa akin na nakahanda ang camera. "Tara selca na tayo now."

"Na naman?" Simangot ni Tao.

"Shush, busy kami. Kimchi~" sabi niya at ngumiti at nag-peace sign.

"Peace!" Ginaya ko din siya.

"Isa pa, dali!" sabi ulit ni Xiumin. This time sabay naman kaming nakanguso. Duck face!

"'Di pa tapos?" tanong ni Tao at nakisilip.

"Last one," sabi niya at hindi ko alam kung anong pose niya kasi yung pose ko nakapikit na naka-scrunch yung nose tapos naka-peace sign, ramdam ko lang na bigla siyang umakbay.

"Yah! Sali kami!" sabi ni Chen at umahon sila para maki-selca.

"Ako din. Peace!" sigaw ni Yixing at nag-pose na ang lahat maliban kay Tao na biglang walang reaction na nakatingin sa shoulder ko.

"Hoy, bata! Mag-pose ka," sabi ni Chen.

Natanggal tingin ni Tao sa akin at humarap na sa camera.

"Smile!" sabi naman ni Luhan at nag-pose ulit kaming lahat, maliban lang kay Tao.

"Ano ba 'yang eyebags mo kung maka-glare," Chen frustratedly said.

"Oo nga. Ano bang sinisimangutan mo?" Tinaasan siya ng kilay ni Luhan.

Tinanggal na ni Xiumin ang pagkaakbay sa akin at nag-cross arms sabay tango-tango with Yixing to agree with Luhan.

"Wala na." Biglang nag-clear ang face ni Tao at lumapit sa akin ng konti with a smile. "Peace!" sabi niya at nag-pose kaming lahat.

Kasalukuyan nilang tinitignan ang mga pictures namin.

"Gege, send it to me ah?" sabi ni Tao.

"Ehem, naka-crop na kami mamaya, ehem!" paubo-ubo pa si Chen.

"Why naman? 'Di ba kasya sa screen niya?" tanong ni Lay.

"Hindi. Magaganda lang daw kasi pwede," tawa ni Luhan.

"Wait..." Napangisi si Minseok kay Tao. "Ah, ganun pala ha?"

"Ah! So si Y/n lang maga-appear sa phone niya?" Napatango si Lay sa sarili.

Bigla namang tumabi si Chen kay Tao at tinulak-tulak ito. "Does that mean nagagandahan mo si Cutie? Yie~"

"A-Ano ba?" Nag-blush si Tao.

"Kaya pala kung makasimangot ka kanina, ha?" asar ni Xiumin.

Naramdaman ko na nag-init ang face ko sa pang-aasar nila kay Tao. Ang issue naman!

"B-Bakit? Totoo naman!" depensa niya.

"Anong true?" sabay na tanong ni Lay at Luhan.

"Noona is so pretty!" utal na sabi ni Tao habang nakaiwas ng tingin, his face is so red.

Bakit ganito? Bigla na lang tumibok nang malakas 'yung puso ko... Hala.

My Boys Next Door (EXO)Where stories live. Discover now