Chapter 11

76 4 0
                                    

Sa Kanagawa Gymnasium.....

Sa pagpapatuloy ng laro ay nasa panig nang muli ng Akita Dragons ang Baal Possession, at hawak na ni Fukatsu ang bola. Habang idinidribble ni Fukatsu ang bola ay nagtaka ito kung bakit hindi siya binabantayan ni Hanamichi. Ngunit gano'n pa man ay sinamantala ni Fukatsu ang pagkakataon sa pag-aakalang walang pinaplano si Sakuragi. Mabilis na nagdribble si Fukatsu patungo sa ilalim ng ring. Pagkarating nga ni Fukatsu sa ilalim ng ring sy hindi na ito nag-alinlangang tumira ng Slam Dunk, ngunit isang malutong na block ni Sakuragi ang sumalubong kay Fukatsu dahilan para lumutang paitaas ang bola. Sa pagkakataong iyon ay bumwelo ng talon si Dave at dinukot ang bola sa ere pagkatapos ay ipinas nito kaagad ang bola kay Rukawa.

"Wala ka pala Masashi!.. Mahinang nilalang!" Napapangising wika ni Dave kay Masashi.

"Buhaya ka Fukatsu!" Pang-iinsulto naman ni Sakuragi kay Fukatsu. Ikinainis naman nina Fukatsu at Masashi ang sinabi nina Dave at Sakuragi.

"Hoy Zoro, Sawakita, Jin, magpapahinga muna ako dahil nakakawalang ganang kalaban ang mga kutong-lupa na ito!.. Si lolo na muna ang bahsla sa natitirang minuto ng laro!" Wika ni Sakuragi kina Rukawa, Sawakita, at Jin pagkatapos ay tumingin ito kay Maki.

"Gunggong talaga!" Wika naman nina Sawakita, Rukawa, at Jin habang patungo sa kanilang Court. Pagkarating nga ni Rukawa sa Shaded Area ay harap-harapan nitong tinirahan ng Jump Shot si Midoroshi at hindi iyon inaasahan ni Midoroshi. At dahil sa malayang naitira ni Rukawa ang hola ay pumasok ito nang hindi manlang sumasayad sa bunganga ng ring sa halip ay dumiretso ito sa net kung kaya't dagdag puntos muli para sa kopunan ng Kanagawa Rising Sun. Ang Score ay 12 - 3. 6 minutes and 50 seconds nalang ang nalalabing oras sa First Quarter. Maysmaya ay tumawag ng Substitution si Coach Osaka.

"Substition, Sinichi Maki for Hanamichi Sakuragi!" Wika ng referee habang sumisenyas ito. Agad namang tumayo si Maki sa kanyang kinauupuan at nagtungo sa loob ng Court samantalang si Sakuragi naman ay nagtungo na sa kanilang Bench Area upang magpahinga.

"Nice game Sakuragi!" Wika ni Rica sabsy abot nito ng panyo at mineral water kay Sakuragi. Napangiti naman si Sakuragi sa sinabi ni Rica. At sa pagpapatuloy ng laro ay unri-unti nang nakaka-score ang Team Akita ngunit hindi pa rin nila magawang mahabol at maibaba manlang ang kalamangan ng Kanagawa Rising Sun. At sa pagkakataong iyon ay lalong uminit sa opensa sina Rukawa, Sawakita, Jin, at Maki samantalang si Dave Ishida naman ay mala-halimaw sa ilalim sapagkat lagi nitong nabablock ang mga shot attempt ni Masashi. At sa natitirang dalawang minuto ay biglang nag-init si Jin sa 3 Point Territory kung kaya't lalong lumaki ang kalamangan ng Kanagawa Rising Sun sa score na 28 - 14. At sa natitirang isang minuto ay nakagawa ng sunud-sund na puntos ang Team ng Akita ngunit hindi iyon naging sapat para maibaba nila sa Single Digit ang kalamangn ng Kanagawa. At natapos na nga ang First Quarter sa score na 35 - 20 in favor of team Kanagawa Rising Sun.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nagtungo na ang magkabilang kopunan sa kani-kabilang Bench upang maupo at makapagpahinga.

"Nice game mga pre!" Nakangitibg wika ni Kiyota kina Maki, Jin, Sawakita, Rukawa, at Dave. Napangiti naman ang lima sa sinabi ni Kiyota.

"Nice game Team! Ipagpatuloy nyo lang ang ganyang performance at higpitan nyo pa lalo ang dipensa. At iwasan nyo rin ang mga errors at Foul Trouble para walang mafoul-out sa inyo at para na rin makaiwas tayo sa Penalty Situation!" Paliwanag naman ni Coach Osaka sa kanyang mga manlalaro. Sumang ayon naman ang lahat sa sinabi ng kanilang Coach.

Sa Bench naman ng Team Akita ay labis na kaba na ang nararamdaman ng buong team sapagkat hindi nila alam kung paano pipigilan ang mainit na opensa ng Team Kanagawa.

"Hindi ko akalain na lalakas nang gano'n gano'n nalang ang Kagawa. Hindi na sila yung Kanagawa na nakaharap natin noong nakaraang taon!!" Kinakabahabg wika ni Masahiro habang nakaupo sa Bench.

"Kung bakit pa kase bumalik pa si Sakuragi sa Japan at kung bakit pa kase napili pang mag-enrol ni Sawakita sa Kanagawa University??!!!" Naiinis namang wika ni Mikio habang nakatingin sa gitna ng Court.

"Team, huwag kayong mawalan ng pag-asa! Alam kong makakaya ninyong mahabol ang lamang ng kalaban basta huwag lang kayong aasa sa sarili nyong kakayahan. At saka kapag hindi kyo kayang lusutan ang dipensa ng kalaban ay ipasa nyo ang bola sa kakampi nyo!" Wika ni Coach Mazaki sa kanyang mga manlalaro.

"Opo Coach!" Tugon naman ng mga player kay Coach Mazaki.

"Sakuragi, maghanda ka na ulit dahil papalitan mo muna si Ishida! Ikaw na muna ang tumayong Center ng team sa buong second Quarter!..." Wika ni Coach Osaka kay Sakuragi.

"Sige Coach! Naiintindihan ko!" Tugon naman ni Sakuragi kay Coach Mazaki.

"Harikawa, ikaw na nuna ang pansamantalang papalit kay Jin. Sendoh, ikaw na muna ang papalit kay Sawakita para makapagpahinga ito. At ikaw naman Kiyota, ikaw na muna ang papalit kay Rukawa. Mas-okay nang nakakapaglaro ang lahat para naman hindi mapgod ang ibang player. At saka ako yung tipo ng Coach na walang Favoritism sa team dahil lahat kayo ay mahalaga at lahat kayo ay magiging susi sa panalo ng ating team!" Paliwanag naman ni Coach Osaka kina Harikawa, Sendoh, at Kiyota pati na sa buong team ng Kanagawa Rising Sun. Napangiti naman si Sawakita sa sinabi ni Coach Osaka.

"Tama lang pala ang desisyon ko na dito mag-aral sa Kanagawa University at maglaro sa Kanagawa Rising Sun dahil may Teamwork ang team na ito! At saka yung mga dati kong kateam sa Sannoh High School ay nagbago na ang mga ugali. Naging mayabang na sila mula nang mag-aral sa Akita University at naglaro sa Team ng Akita Dragons!" Wika naman ni Sawakita sa kanyang isipan habang nakaupo at nakatingin sa team ng Akita Dragons.....

TO BE CONTINUE.....

Slam Dunk Fan Made Book 1 - College BasketballOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz