Chapter 36

56 2 0
                                    

Nang matapos nang mananghalian ang lahat ay nagpasiya na sina Hanamichi at Dave na magtung sa Basketball Gym gayon din sina Haruko at Rica.

Sasama nuna ako sa inyo dahil maaga pa naman!" Wika ni Mira sa tatlo. Napatango naman ang mga ito sa kanya. Habang naglalakad ang lima ay biglang umakbay  si Mira sa kanyang kapatid habang si Haruko naman ay humawak sa kanang braso ni Sakuragi. Sina Rica at Dave naman ay nasa likuran lang nina Mira, Sakuragi, at Haruko. Nang makarating na ang lima sa Basketball Gym ay nagulat ang lahat sapagkst hanggang sa pagpasok nina Sakuragi, Mira, Haruko, Dave, at Rica ay nakaakbay pa rin si Mira kay Hanamichi.

"Wow pre! Sino 'yang matangkad na babae na nakaakbay sa iyo? Chiks mo ba iyan pre?" Napapangising tanong ni Kiyota kay  Sakuragi.

"Ate ko siya Kiyota! Siya ang nakakatanda kong kapatid!" Tugon naman ni Sakuragi kay Kiyota. Inakala naman ng lahat na nagbibiro si Hanamichi.

"Huwag mo nga kaming ginugood time gunggong!!" Pang-aasar naman ni Rukawa kay Sajuragi.

"Hindi siya nagbibiro Mr. Rukawa.... Kapatid ko talaga si Sakuragi..." Seryosong tugon naman ni Mira kay Rukawa. Lalo namang nagulat ang lahst sa sinabi ng dalaga.

"Hindi ko na talaga kinakaya ang mga rebelasyon sa buhay ni Sakuragi!" Wika naman ni Zen habang ineensayo nito ang 3 Point shooting. Mayamaya ay dumating si Inami kasama ang iba pang players ng Kanagawa Rising Star, ang women's Basketball Team ng Kanagawa.

"Ate Rica, makakasama ka po ba sa unang practice natin ngayon?" Tanong ni Inami kay Rica. Oo naman! At saka ngayon ko rin ipapakilala sa team ang bago nating Head Coach!" Tugon naman ni Rica kay Inami. Mayamaya ay kumalas na si Mira sa pagkaakbay kay Sakuragi at nilapitan nito sina Inami at ang buong team ng Kanagawa Rising Star.

"Girls, ipinapakilala ko sa inyo ang magiging bagong Head Coach ng Kanagawa Rising Star, si Mis Mira Sakuragi!" Wika naman ni Rica sa kanyang mga kasama. Nabighani naman si Fujima sa kagandahan ni Mira, at hindi nito napansin na nasa harapan na niya si Rica at kinakausap siya nito.

"Kuya Fujima?" Pagtawag ni Rica kay Fujima ngunit hindi ito sumasagot sapagkat nakatingin pa rin ito kay Mira. Mayamaya ay hinampas na ni Rica si Fujima ng pamaypay sa braso, at doon lamang napansin ni Fujima na nasa harapan na niya si Rica.

"Kuya Fujima, nagchat sa akin kanina si Coach Osaka. Hindi raw siya makakasama sa game mamaya dahil ipapacheck-up niya yung bunsong anak niya kaya ikaw na daw po munang bahala sa team mamaya!" Muling wika ni Rica kay Fujima.

"Siya nga pala kuya Fujima, hindi rin ako makakasama sa game mamaya dahil ngayong araw na ito ang unang practice namin para paghandaan ang College Matches (Women's Basketball) kaya si Haruko muna ang bahala sa team mamaya!" Dugtong pa ni Rica sa kayang sinabi.

"Gano'n ba?..  Sige, good luck sa practice ninyo mamaya! At huwag ksyong mag-alala dahil ipapanalo namin ang ika-apat na laban natin mamaya!" Wika naman ni Fujima kay Rica. Napangiti naman si Rica sa sinabi ni Fujima. Mayamaya ay sinenyasan ni Mira si Rica na lumayo nang kaunti kay Fijima sapagkat lalapitan nito ang binata, hanggang sa naglakad na nga si Mira papalapit kay Fujima. Kinabahan naman si Fujima dahil hindi inaalis ni Mira ang tingin nito sa kanya. Nang makalapit na si Mira kay Fujima ay hinawaka nito ang magkabilang pisngi ng binata.

"So ikaw pala ang Assistant Coach ng Kanagawa Rising Sun na si Mr. Kenji Fujima!... Hmmmmmmm..... Tulad ng sinabi sa akin noon ni Rica ay huwapo ka ngang talaga! At saka yung mga tingin mo sa akin kanina ay yun ang mga tingin na hinahanap ko sa isang lalaki, dahil ang tingin na iyon ay ang tingin na nagsasabi ng totoo..." Wika ni Mira kay Fujima. Mayamaya magsasalita pa sana si Fujima ngunit isang madiin na halik sa labi ang natanggap niya mula kay Mira. Nagulat naman ang lahat sa kanilang nasaksihan.

"Ang suwerte naman ni Fujima! Babae na mismo ang nagfirst move!" Napapangising wika ni Sendoh.

"Matagal na kaseng may gusto si ate Mira kay kuya Fujima mula pa noong nasa America kami!... Sinususubaybayan na talaga ni ate Mira ang laro ni kuya Fujima!" Tugon naman ni Rica kay Sendoh.

"Kung ako sa iyo Fujima ay huwag kang babagal-bagal... Sige ka, baka maunahan ka pa ng iba?" Muling wika ni Mira kay Fujima matapos nitong halikan sa labi si Fujima. Ilang sandali pa ang lumipas ay lumayo na si Mira kay Fujima at nilapitan nitong muli ang mga player ng Kanagawa Rising Star samantalang si Fujima naman ay hindi pa rin makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

"Mukha yatang naisahan ka ng babae ah Fujima?" Wika ni Sendoh kay Fujima.

"Alam mo kuya Fujima? Hindi pa diyan natatapos ang lahat dahil hangga't alam ni ate Mira na may gusto ka sa kanya ay di ka niyan titigilan. At wala siyang pakialam kahit Teacher pa siya at estudyante ang nagugustuhan niya. Kilalang-kilala ko na iyan si ate Mira, kapag nagbigay siya ng motibo ay hindi ka na niya papakawalan... At saks sorry ka nalang kuya Fujima dahil magaling bumasa ng mga galaw iyang si ate Mira! At kapag nakipagtitigan sa kanya ang isang tao ay malalaman niya kung may gusto ito sa kanya..." Paliwanag ni Rica kay Fujima. Napangiti nalang si Fujima sa sinabi ng dalaga at hindi na umimik pa.

"Jackpot ka ngayon ah Fujibu!" Biro naman ni Sakuraginkay Fujima. Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Sakuragi samantalang si Fujima naman ay hindi na makapagsakita dahil sa sobrang hiya na nararamdaman nito kay Mira at sa kanyang mga mga kasama.

Samantala....

Sa Tokyo International University naman ay naghahanda na ang mga player ng Tikyo Brave Warriors.

"Humanda ka Sakuragi dahil pababagsakin kita ang team ninyo dahil mahina lang at bulok ang Team ng Kanagawa Rising Sun!!! Humanda ka dahil ito na ang huling araw ng paglalaro mo ng basketball!!! Sisirain ko ang Basketball Career mo Hanamichi Sakuragi!!!!!" Wika ni Heroshi Moroshige habang nagpapractice ito ng Shooting.....

TO BE CONTINUE.....

Slam Dunk Fan Made Book 1 - College BasketballWhere stories live. Discover now