OUR LOVE CANNOT MEET HALFWAY

105 1 0
                                    

Masakit maghintay sa taong hindi naman nagpapahintay.

Masakit maghintay sa taong hindi naman nagpapahintay

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


Marahang ipinatong ang bagong hangong mga cupcake sa mesa. Malambot at tama lamang ang pagkakaluto na nagpakurba ng labing sabik sa lasa ng mga matatamis na pagkain. Masayang hinubad ang kulay asul na pot holder. "Mukhang may kulang pa." wika sa hangin. Habang inihahanda ang gagamitin para sa paglalagay ng dekorasyon. Ngunit hindi pa man nauumpisahang mabigyan ng buhay ang chocolate cupcake, mga katok sa pinto ang bumulahaw sa nananahimik na unit. Malalim ang pinakawalang buntonghininga bago inihakbang ang mga paa tungo sa direksyon ng pinto.

Lumalakas ang mga katok sa bawat minutong tagal. Hindi na nasopresa sa bumungad ng buksan ito. Ang ngiti nito'y nakakaloko na naging dahilan ng pagkunot-noo ng isa. "Nakainom ka na naman, Jah." pagsita nito. Ngunit bahagya pa ring gumilid upang mabigyan ng kaunting daan.

Kumapit ang hindi kanais-nais na amoy sa ilong ng lumakad ito sa kanyang harapan. Hindi nagustuhan ang tapang at napangiwi na lamang. Nagkibit-balikat nang hindi man lang siya binigyan ng kahit na anong tugon. Maliban sa isang bagay, ang hindi pagpansin sa kanyng presensya sa mga sandaling ito. Bago sinundan, isinara muna ang pinto't siniguradong nakalock.

Binalikan ang naiwang gawain sa kusina. Muling hahawakan ang icing piping subalit may kung anong sumagi sa isipan at napahinto sa balak. Ilang sandali lamang at ang mga tingin ay napunta sa binatang nakaupo sa sala. Nakalapat ang katawan sa sandalan habang nakapikit at himas-himas ang batok.

Tumambad sa mga mata ang kanina pang naghihinatay na mga cupcake nang maisipang ituon na ang atensyon sa mga ito. Nawalan na ng ganang ituloy ngunit ang malambot na tekstura nito'y nagpapakonsensyang hindi man lang malagyan ng dekorasyong nararapat.

"Dito ako matutulog ha, Stell."

Muling tiningnan at ngayo'y naglalakad na itong palapit sa kanyang kinaroroonan. Kakarampot na pagkabigla ang umukit sa mukha subalit hindi ito halata. Inayos ang tindig at sarili para iharap sa lalaking inukopahan ang silya sa kabilang bahagi ng lamesa.

"Mas malaki at malawak ang bahay niyo pero ang hilig mo dito makitulog." Tinangkang ipagpatuloy ang nasimulan. Dinampot ang icing piping at sinimulang lagyang ng iba't-ibang disenyo ang nilalamig na mga cupcake.

"Nangako kang aalagaan ako, diba Stell?" Dumampot ng isa sa mga cupcake. Ikinatuwa ang reaksyong natanggap mula sa lalaking abala lamang kanina at ngayo'y nakatuon na ang atensyong titig sa kanya. Ang mga linyang umukit sa noo'y naging mitsa ng nakakalokong ngiti. "Paano mo ako aalagaan kung hindi ako uuwi dito, tama?"

Naglaho ang pagkakunot-noo sa mga katagang narinig. Ang mga salitang pahintulot sa kanyang nais gawin. Alagaan ang binata. "Alagaan? Ni hindi ka nga nakikinig sa'kin, Jah," wika nitong may halong lungkot, "nakausap ko si Josh. Hindi ka na naman pumasok sa school. Ano bang balak mo, Jah? Sisirain mo lang ang buhay mo dahil sa iniwan ka niya? Babalik ba siya sa mga pinaggagawa mo? Hindi naman, diba? Nagsasayang ka lang ng oras at panahon."

J A H S T E L L I S T O R Y A [on going]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن