MY HOME, MY STELL

59 1 0
                                    

Ikaw ang tahanang uuwi-uwian.

Ikaw ang tahanang uuwi-uwian

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




At De Dios' Company

Lumalabo ng lumalabo ang paligid. Umabot sa puntong ang anghel na nagsasalita sa harap na lamang ang klaro sa paningin. Naaakit ang mga mata't itinuon ang tingin sa labing walang humpay sa pagsasalita. Nais maangkin. Ganyan ang nais gawin sa mga sandaling mas pinagtuunan ng pansin ito kaysa sa mga salitang lumalabas.

"Nagegets mo ba ako, Mr. De Dios?" Ito lamang ang klaro para sa kanya. Ito rin ang nagpasanib ng katauhan sa reyalidad. Sa reyalidad na nais talagang angkinin ang labi. "Mr. De Dios?"

Hindi naunawaan ang sariling kinilos nang bigla na lamang niyang ipinulupot ang bisig sa beywang nito't hinila palapit sa kanya. Mas malapit, mas gusto ng puso't kalooban.

"Hoy! Jah!" Pilit na ipinantutulak ang kamay sa katawang unti-unting lumalapit. "Nasa work tayo. Wala tayo sa bahay." Reklamo nito habang buong lakas na pinipigilan ang nais gawin ng isa.

Sa isang iglap, ang kagustuhang maangkin ay nabigo. Piniling tumigil sa kalagitnaan at inilipat ang direksyon ng tingin.

Isang matamis at malambing na halik sa noo na lamang ang ginawa bago dahan-dahang binitawan si Stell.

"I'm sorry, mahal. Can I hug you instead?" Sa isang pitik, naglaho ang aggresibong Justin na gustong maangkin ang isa. Ngayo'y isang batang nakikiusap sa isang mahigpit na yakap.

"Mahal naman. Nasa work po tayo." Isang maayos na pagtanggi. Hindi naman sa hindi nais. Sadyang hindi pa tapos ang office hours. Unprofessional behavior naman bilang boss at secretary ng kompanya.

Lumingon si Justin sa paligid. Kaliwa't kanang walang ibang tao kundi sila lamang sa lugar na iyon. Bago muling binalingan ng tingin ang kaharap. "Wala namang tao sa paligid, mahal. Pwede ba? Kahit 5 minutes lang. Gusto kong magcharge. Please?"

Sa pakiusap at nangungusap na mga mata, walang nagawa kundi ilahad ang mga bisig. Na mabilis namang tinutugunan ng isa.

"5 minutes lang ah." Pagpapaalala nito bago idinampi ang palad sa ulo't buhok ng kasintahan. Paulit-ulit na dinadampian.

"Yes. 5 minutes only. Gusto ko lang magrecharge. Natakot ako kanina. Natakot ako sa meeting. Natakot ako na baka sa konting mali ko, lahat ng 'to mawala sa'kin." Paliwanag nito.

"I know, mahal. I know." Kilalang-kilala nga talaga niya ang minamahal. Alam niyang hindi ito makikiusap ng isang yakap nang walang maayos na dahilan. "Kapag natakot ka ulit, tingnan mo lang ako. I am always at your side, Jah." Wika nito bilang kasiguraduhan na sa mundong mayroon sila, mayroong Stellvester Ajero ang isang Justin De Dios.

Hinigpitan ang pagyakap. Higpit na hindi na papakawalan pa. Higpit na sinisiguradong kanya ang binatang ito. "Uwi na tayo, mahal." Paglalambing nito habang sinusubsob ang mukha sa pagitan ang leeg at balikat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

J A H S T E L L I S T O R Y A [on going]Where stories live. Discover now