PLEASE COME HOME, MY HOME

36 2 0
                                    

Isang beses na request, buong buhay na pagdurusa't sakit.

Isang beses na request, buong buhay na pagdurusa't sakit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Malamlam at walang buhay nang libutin ng tingin ni Justin ang apat na sulok ng bahay. Halintulad sa kanyang pagkataong tinakasan ng kaluluwa. Sa bawat paglibot ng tingin, lalong bumibigat ang pakiramdam. Lalo na't nasa iisang lugar lamang sila ng lalaking lubos na kinasasabikan.

Sinulyapan niya itong abala sa paghahanda ng panulak at itutulak. Hindi naunawaan at napako na ang paningin doon. Hindi na niya sinubukang alisin pa baka kasi ito na ang huli. Susulitin lamang niya. Kung hindi man ito ang huli, susulitin pa rin ito ng kanyang mga mata.

"Paano mo nalamang dito ako tumutuloy?" Bahagyang ikinagulat ang biglaang pagtatanong, na ikinaiwas tingin nang balingan siya nito ng sulyap. Ang puso'y biglang kumabog. Hindi na ito nakakapagtaka dahil mula noon, iisang tao lang ang kayang magpaganito sa kanya. "Oo nga pala. De Dios ka. Ofcourse! You know everything." Hindi pa man naibubuka ang bibig, hinayaan na lang ang isa ang sumagot sa sariling tanong. Wala rin namang mali sa mga nasambit nito. Dahil isa siyang De Dios.

Muli niyang sinulyapan ang isa nang mapakalma ang kalooban sa pagwawala. Nakita na lamang niyang naglalakad na ito palapit sa kanyang kinauupuan. Bitbit ang plastic tray na naglalaman ng malamig na inumin at mga cookies. Sinundan lamang niya ito ng tingin hanggang sa makalapit at maingat na ibinaba ang hawak nitong tray sa lamesitang namamagitan sa kanila.

"Snacks ka muna. Pasensya na. Hindi ko napaghandaan. Hindi ko kasi alam." Casual na pag-aalok nito. Ni hindi man lang bumakas sa tinig ang kanilang nakaraan. Ito'y ikinalungkot ng kanyang kalooban. "Bakit ka nga pala nagpunta?" Dagdag nito bago inukupahan ang upuan.

Bakit nga ba ako nagpunta? Ano bang sadya ko? Hindi ko alam, hindi ko na rin talaga naisip. Basta I want to see him, I want to hear his voice. Yun lang, okay na. Tinanong ang sariling isipan. Na naging mitsa sa kahimasmasan ng kagustuhan. Subalit kahit napagtantong mali ang pumunta, hindi naman mali ang ipinunta. Sinubukang basahin ang mga matang nakatitig. Sinubukang hanapin ang sagot sa tanong. Ngunit sariling isipan pa rin ang nakakaalam. Lagi naman. Lagi naman akong nakasulyap sa'yo, Stell mula sa malayo. Pero ngayon, sumubok ako. Sumubok akong magpakita sa'yo dahil miss na miss na kita, sobra.

Hinugot nito ang pinakamalalim na paghinga bago ibinaling ang atensyon sa mga kumakaway na cookies. "Para dito." Pinilit gawing masaya't masigla ang tinig kasabay ang pagkuha ng piraso. "Namiss ko tong cookies mo eh. Alam mo namang mga baked cookies mo lang yung tinatanggap ng sikmura ko." Kumagat ito ng kapiraso't nilasap ang malasang pagkain.

Subalit unti-unting bumabagal ang pagnguya nang makitang umiling ito sa kanyang nasambit. "Hindi ko gawa yan, Jah. Binili ko lang yan." At tuluyang tumigil ang bibig sa pagnguya. Pinilit na lamang lunukin kasunod ang pagbalik sa natirang bahagi ng cookies sa plato. "At isa pa, Jah. Sinabihan na kita. Wag kang magdadrive ng lasing."

"Sorry, Stell. Nakainom lang naman ako. Sorry." Paghingi nito ng paumanhin habang ang mga mata'y hindi maalis sa pagkaing kinagatan. Subalit makulit ang mga mata't nagpupumilit na sulyapan ang nasa harapan. Ito ang paboritong view sa lahat. Ito rin ang unang pagkakataong nakita niya ang mukha nito sa malapitan. Tatlong buwan lamang ngunit pakiramdam ni Justin, tatlong taong pangungulila.

"Jah, nag-usap na tayo tungkol dito." Panimula pa lamang ito ngunit animo'y katapusan na para kay Justin. "Bibigyan na'tin ng space yung relasyon na'tin. Aayusin na'tin ng magkahiwalay... Space lang. Space lang ang nag-iisang bagay na hiningi ko sa'yo mula nang naging tayo, Jah." Taimtim na pinapakinggan ang mga salitang gustong itatak sa isipan upang sa susunod na pagtatangka, maaari nang mapigilan ang sarili. "Wala akong hiningi sa'yong iba kundi space. Space lang para mas maintindihan ko. Para mas maunawaan ko. Para sa'tin naman tong ginagawa ko. Para sa future na'tin."

Nangibabaw ang tunog ng orasang tumatakbo nang itinikom na ni Stell ang kanyang bibig. Piniling pagmasdan ang mga matang nag-aasam at nakikiusap. Walang patutunguhan ang usaping ito nang dumaan pa ang mga sandaling parehong tikom ang mga bibig. Kaya't pinagpasyahan na lamang muling simulan ang naudlot na pag-uusapan. "Yung future ba na'tin na sinasabi mo ay yung same future na alam ko?"

Please, Stell. Same future, diba? Tell me, please. Please, Stell. Habang naghihintay ng sagot, hindi magkandaugaga ang isipan sa pakiusap. Hindi mapigilang mamuo ang mga butil sa gilid ng mata habang pinagmamasdan ang mga mata nitong pilit na iniiwas.

Sa pag-iwas ng mga mata ni Stell, mabilis na itinuon sa basong namamawis. Kinuha't lumagok. Mapahupa lamang ang tuyot at nahihirapang lalamunan. Subalit halos hindi na malagok nang makitang tumayo si Justin at biglang ibinagsak ang mga tuhod sa matigas at malamig na sahig. Mabuti na lamang at sinapo ng manipis na carpet. Kahit papano'y maiibsan ang sakit ng pagtama.

Mabilis na ibinaba ang hawak na baso at tutulungan tumayo ang isa, pinili pa rin ng katawan at isipang gawin ang tama. Subalit hindi pa man naidadampi ang palad sa balikat, huminto na ito sa kalagitnaan. Nang makita ang pagpatak ng mga butil sa pulang carpet.

Naistatwa't dumikit ang mga paa sa kinatatayuan nang klarong masilayan ang likidong nagpapatianod sa malambot na mga pisngi. Dinagdagan pa ng mga matang pagod na. Mata na ang nagpapakita ng totoong nararamdam nito.

"Stell... bakit ang hirap? Bakit ang hirap ng bagay na hinihingi mo?!" Wika nitong gumagaralgal na ang tinig. Habang sapo-sapo ang dibdib. Pakiramdam niya'y sasabog na ito sa anomang sandali. Kaya kinukuyom ang palad upang mapigilan ang natitirang sarili bago pa malunod ng tuluyan. Habang isang kamay ay abalang pinapatahan ang sarili.

Sa paulit-ulit na pagpunas, ni kahit katiting man lang, hindi naibsan ang sakit. Mas lalo lamang itong nanunuot sa kalooban nang hindi man lang nakakuha ng sagot. Nagsimula na ring mangatog ang lalamunan. Nagsimula na ring mahirapang makalunok. Nagsimula na ring mahirapan ang kalooban nang magsimulang lumapit si Justin at dahan-dahan inihahakbang ang mga tuhod.

"Jah.. wag naman na'tin pahirapan 'yung mga sari-----" Hindi na naituloy nang maramdaman ang basang mga palad sa palapulsuan.

"Bumalik ka na sa'kin, Stell. Mahal, please. Balikan mo na ako. Ang sakit-sakit na kasi. Ang hirap-hirap na." Garalgal niyang wika habang hinahampas-hampas ang dibdib upang maibsan ang kirot at sakit na nagpapahirap sa kanyang kalooban.


* * * * *

AUTHOR'S NOTE

Thank you for reading Please Come Home, My Home!
Suggestions, comments, and feedbacks are well appreciated.


















J A H S T E L L I S T O R Y A [on going]Where stories live. Discover now