Chapter 44: Sign and Resign

1K 109 22
                                    

"Kakain kami ni Wuwan ng gulaaay . . ." pagkanta ko habang naglalakad kami.

"Kakain Wuwan guwaaaay . . ."

"Gulay," pagtama ko.

"Gooowaaaay."

"Anong goway? Se Wowan, bolol."

Nakakapit lang si Luan sa pantalon ko. Si Sabrina naman ang hawak ko sa kamay. Gusto kong palakarin nang palakarin si Luan para hindi nasasanay na kinakarga kapag namamasyal. Si Eugene, bihira ko lang ding kargahin kapag maglalakad noon. Para din masanay sa cardio at hindi agad hingalin.

Dinala ko silang dalawa sa garden resto kung saan namin nakilala noon si Calvin. Masarap ang pagkain doon kahit na sobrang vintage ng loob at parang kulungan pa noong unang panahon.

Alas-dos pasado na, wala na rin halos tao sa resto-o wala naman talaga halos tao roon basta hapon dahil nga sa ambience at puro pa halaman. Maaliwalas naman sa loob, pero mas okay nang mag-Mcdo na lang kung gusto ng mas malamig pang kakainan. Stand fan lang kasi ang meron doon sa loob.

Mahalaman mula sa labas. Para kang pumasok sa gubat pero restaurant. Ang dami pang rusty grills sa pinakabintana (na view naman talaga ng kulungan noong panahon ng mga Kastila) pero kaya namang iahon ng mga bulaklak saka Valentine's Day display ang paligid. After all, kakain naman kami, hindi magkukumpuni ng interior.

Pinaupo ko sila sa gitnang parte na malapit sa stand fan at sa counter din. Hinayaan ko si Luan na maupong mag-isa. Kahoy ang upuan na ladderback. Hinawakan ko kasi baka tumumba pagsampa niya. Wooden ang mesa na may cover na white cloth. Good luck sa pagkain ni Luan.

Kakargahin sana ni Sab si Luan pero kinuha ko ang kamay niya saka inilayo.

"Why?" tanong niya nang tingnan ako.

"Hayaan mo yung bata."

"Nahihirapan nga."

"Kaya ni Luan 'yan."

"Baka mapilayan."

"Hindi mapipilayan 'yan," depensa ko sa hindi pag-alalay kay Luan. "If he can do things independently, hayaan mo siya. Huwag mong hayaang laging umaasa ang bata sa 'yo kasi bumababa ang self-reliance niyan."

Nagsalubong ang kilay ni Sabrina sa sinabi ko. "You didn't do that when you were the one taking care of me."

"I regret not giving you that treatment," pag-amin ko at bumaling kay Luan kasi hinahatak na ang kamay ko.

"Nining Kwerk, kakain po ako guway!"

"Okay po. Hahanap si Ninong Clark ng gulay. Behave lang si Wuwan, ha?"

"Opo!"

Tinapik ko sa balikat si Sabrina saka inginuso ang upuan katabi ni Luan. Pandalawang tao lang ang mesa pero masyado nang malaki para sa dalawa. Kasya naman kaming tatlo.

Dumeretso ako sa counter para umorder. Nasa itaas ang menu nila nakasulat sa green board at yellow and white chalk.

Meron silang chop seuy pero pinakbet na lang ang binili ko para kay Luan kasi may kalabasa. Binilhan ko ng kare-kare si Sabrina at Bicol Express para sa akin. Binilhan ko na lang din silang dalawang leche flan at haluhalo kay Sab, saka pineapple juice sana sa aming tatlo.

"Ser, bili ka ng samalamig couple special namin, may free rose ka."

"Samalamig? Magkano?"

"100 pesos lang, ser! Dalawa na 'yon, para sa asawa n'yo! Bili na kayo ng dalawang order para kay baby!"

Nanlaki tuloy ang butas ng ilong ko. "Grabe naman, miss. Limampiso lang palamig sa labas."

"May rose naman kayo, ser! Saka Valentine's Day promo na 'to, ser! Large na rin!"

ABS #4: CLARK MENDOZAWhere stories live. Discover now