Chapter 61: White Lady

1.1K 119 35
                                    


Sabi nila, kaibigan ko raw silang lahat. Pero kanina pa may nagmumura sa kanila. Tingin ko, hindi ko sila kaibigan kasi pagagalitan ako ni Mami kapag sila ang ang mga kaibigan ko.

Kahit nagpakilala na sila, hindi ko pa rin sila kilala. Sabi naman ni Mami, tumanda nga raw ako at nagkaroon daw ako ng selective memory loss, pero bakit hindi ko sila natatandaan?

"Okay ka na ba, dude?" tanong ni William.

"Bakit dude ang tawag n'yo?" tanong ko rin. Kasi sanay ako na bai ang tawagan namin nina Mat.

"Because you're our dude. But really, are you okay na ba?" tanong nitong si Patrick.

"Ako . . ." Tiningnan ko ang mga braso ko. "Ang dami kong pasa."

"Yeah."

"Huli kong natatandaan, naglakad ako sa—"

Sa kalsada!

Sumisigaw si Sabrina!

Pinandilatan ko si Ron.

"What?" tanong niya.

"Si Langga!"

"Sino?"

"Hala!"

Doon sa kalsada. May kumuha kay Sabrina na mga lalaki.

Sa kalsada . . .

"Who's Langga? Another missing friend?"

Itinuro ni Ron ang likuran ko. "There's Sabrina."

"Saan?" Nilingon ko ang itinuturo niya.

"Hi, Clark," sabi ng magandang babaeng laging nagpapakain sa akin araw-araw.

Nanigas ako sa wheelchair ko habang nakatitig sa kanya.

Hala.

Siya si Sabrina?

Siya talaga si Sabrina?

Nanlalaki ang mga mata ko nang tingnan si Ron.

"No."

"She is."

"Amaw jud ka!" Saglit kong itinuro ng ulo ang babaeng maganda sa likuran ko. "Langga?"

Tumango lang si Ron sa akin.

Parang gusto ko nang magtago sa puwesto ko. Hindi ko kasi alam. Saka hindi niya sinabi. Saka walang sinabi si Mami. Saka ilang araw ko na siyang kasama.

Pumaling ako paharap kay William para hindi ko makita si Sabrina sa likuran ko.

"Pag-uusapan pa ba natin si Sabrina?" tanong nitong si Calvin.

"Focus muna tayo sa drive. Clark, wala ka bang iniwang clue o baka may last will and testament kang hindi namin nalalaman? May sinabi ka ba kay Pau bago ka makipag-meet up sa mga concrete barrier sa EDSA?" tanong ni Leopold.

Wala akong alam. Pero si Sabrina . . . nasa likod ko siya . . . pero nakita ko siyang kinukuha ng mga kidnapper . . . pero nasa likod ko siya.

"Nag-text siya kay Tita Tess, di ba?" sabi ulit ni Calvin. "Meron daw siyang gagawin, sana patawarin siya ni Tita."

"I will never accept na itong accident 'yon," seryosong sabi ni Ron. "Maybe yung sa resto pa rin. How relevant ba talaga ang resto para ipilit niya, Calvin?"

"Sabi ko nga, may mga file doon na puwedeng maglayo sa atin sa issue."

"Pero hindi natuloy si Clark. So, no file was taken. Almost mid-April na, Calvin. Paano ako magbibigay ng assurance kay Mum na makikipag-coordinate ako kung ang mga dapat kong ibigay sa kanya, ni-lock naman ni Clark? Can we do something about this?"

ABS #4: CLARK MENDOZAWhere stories live. Discover now