CHAPTER 13 : CONGRATS ?

44 4 4
                                    

Sobrang gulo ng pag iisip ni Athena sa mga oras na iyon.

Hindi nya alam kung ano ang mga nangyayare.
Iniisip nya na hindi totoo ang mga iniiisip nya mula pa kanina .

Athena:" hindi ... hindi ito magagawa ni tristan lalo na si Mica "

Pagkatapos nya sabihin ang mga katagang ito ay agad na napaluha si Athena .

Napansin naman ito ng driver .

Driver:" Okey ka lang po ba ma'am? "

Napatingin ito bigla sa driver kaya naman agad nyang pinunasan ang kanyang luha .

Athena:" Okey lang ako kuya " ( sabay ngiti)

Driver:" Mukhang hindi po kayo okey ma'am . May nangyare po ba ? "

Athena:" Wala kuya , magkano nga pala yung babayaran ko ? "

Biglang nilabas ni Athena ang kanyang wallet .

Driver:" hmm wag na po ma'am . Ramdam ko pong hindi kayo okey , Libre na po yung rides nyo "

Sabay naman na inabot ng driver ang isang panyo .

Driver:" Eto mo ma'am , wag ka mag alala malinis po iyan " ( sabay tawa )

Athena:" Naku kuya wag na , bababa na din naman ako " ( pag tanggi nito)

Driver:" Wag na po kayong makulit maam"

Kinuha ng driver ang kamay ni Athena at inabot ang panyo .

Driver:" Kunin nyo na po iyan ma'am "

Di na napigilan ni athena ang driver kaya naman kinuha nalang nya ito .

Athena:" Buti pa kayo kuya marunong kayong mag alala sa mga pasahero nyo "

Biglang nalungkot ang mukha ni athena kaya naman napansin ito agad ng driver.

Driver:". Oh maam wag na po kayong malungkot , papanget kayo nyan eh " ( biro nito )

Driver:" Teka ,tungkol po ba ito sa kotse na lumabas kanina ? "

Athena:" ahmm wag mo nang alamin kuya "

Driver:" Naku maam makakaasa kayo saken , syaka mahirap na dinidibdib mag isa ang problema . Sabe nga nila mas ok na mag open up ka ng problem sa hindi mo kilala kase hindi ka nila i ja-judge . After mong makapag labas ng problema wala na , ayos ka na at syaka yung pinag sabihan mo ng problema hindi na kayo mag kikita nun . kaya makakaasa kayo ba Hindi ko kayo i ja-judge maam " ( sabay ngiti kay Athena )

Huminga si Athena ng malalim at syaka na nag salita .

Athena:" Kase  yung asawa ko niloloko ako ... actually ilang beses ko na syang nahuli pero never ko syang kinompronta ... natatakot kase ako ... natatakot ako na mawala sya saken . Alam mo ngayon ginagawa ko yung best ko mahigitan ko lang yung babae na ipinalit nya saken "( sabay tingin sa labas )

Athena:" Ganun siguro no ? pag sobrang mahal mo yung tao lahat gagawin mo para lang mag stay sya sayo ... kahit na alam mong masakit gagawin mo pa rin ... kahit hindi mo alam kung mananalo ka ba...wala eh, minsan iniisip ko nalang na magpakatanga .. magkunwaring wala akong alam , na hindi ko alam .. pero kahit anong pag titiis mo darating parin yung araw na masasabe mo na Tama na .. pero tanga ako eh .. mahal ko kaya sobrang hirap sa part ko lalo na kung marami kaming promises sa isat isa . pakiramdam ko ako nalang yung lumalaban .. hinahayaan ko nalang .. hinahayaan ko nalang na ako yung mismong bumitaw .. tipong isang araw pag gising ko wala na . wala nakong maramdamang sakit .. "

Pagkatapos ay tumulo ang luha ni athena kaya naman nilapit nito ang panyo na ibinigay ng driver para mapunasan ang luha na pumapatak sa kanyang mata .

Driver:" Alam mo ma'am , tama ka naman eh . Hindi kita i ja-judge kase mahal mo yan eh . Kahit sino gagawin yung mga ginagawa mo ngayon . Ang tapang mo nga biruin mo kinaya mo ng mag isa yung problema na yan . Kahit na nasasaktan ka mas pinili mong ipanalo yung laban na yan .Pero ma'am if tingin mo na ikaw nalang ang lumalaban siguro dapat na bumitaw ka nalang kase sa huli ikaw lang din ang kawawa . Know your worth. Maganda ka ma'am . wag mong sayangin sarili mo sa lalakeng hindi marunong makontento at magpahalaga sayo . Cheer lang po ma'am .. gawin mo yung mga bagay na makakapag pasaya sayo " ( Ngiti naman nito )

Pagkatapos ng mga narinig ni Athena ay napangiti na lamang ito sa driver at nagpasalamat .

Athena:" Salamat kuyang driver , oo nga pala dito na ako bababa . "

Pagkatapos niyon ay nagpaalam na nga sya .

Nang medyo palayo na ang driver ay agad na may nakalimutan si Athena .

Athena:" Teka , nakalimutan ko itanong yung pangalan nya " ( mahina nitong tugon sa sarili )

Saglit na tumayo si Athena sa labas ng apartment ni Mica sabay na huminga ng malalim .

Athena: ( huminga ng malalim ) "Okey kaya ko to "

Pipindutin  na sana si Athena ang doorbell sa apartment ni Mica ng napansin nyang nakabukas pala ang gate nito .

Tumuloy si Athena sa loob ng apartment nito subalit walang tao sa sala .

Magsasalita na sana si athena ng biglang may umagaw ng pansin ni Athena sa isang bagay na nakapatong sa lamesa.

Nilapitan nya ito at nakita nya ang isang pregnancy test na positive .

Ang daming pumasok sa isip neto . Nag dutong dugtong ang mga sinaryo sa kanya .

Napahawak si Athena sa kanyang bibig at agad na tumulo ang kanyang luha ..

Natigilan si Athena ng biglang may  narinig syang papasok sa apartment ni Mica .

Kaya naman dali dali itong pumasok sa loob ng cr ni Mica at doon na nag tago .

May narinig itong isang boses ng lalake na pamilyar sa kanya.

Athena:" Teka boses ni tristan yun ah "

Maya maya narinig nya na bumaba si Mica .

Mica ": Baby akala ko ba may importante kang gagawin ? "

Tristan:" Oonga , eto bumili ako ng mga vitamins mo para sa baby natin "

Narinig iyon ni Athena .

Athena:" Baby? naaa...naten ?" (bulong nito sa kanyang sarili )

nagpipigil naman si Athena dahil gusto nitong marinig lahat ng pag uusapan ng asawa nya at ng kabet nitong si Mica .

Mica:" Akala ko hindi mo na ako kakausapin pa ulit "

Tristan:" Pwede ba yun ? alam mo namang mahal kita at mag kaka baby na tayo "

Mica :" Eh paano si Athena ?"

Tristan:" Wag mo muna syang problemahin , ang mahalaga maging healthy ka "

Sabay na kiniss ni tristan si Mica at agad na inalalayan papuntang kwarto .

Labis na nasaktan si Athena sa kanyang narinig . Hindi lubos akalain ni Athena na ang dalawang taong sobrang importante sa buhay nya ay ang syang wawasak sa puso nya ng sobra .

Hindi mapigilan ni Athena ang sakit na nararamdaman nya kaya naman ng marinig nyang umakyat na sa taas sila Tristan ay agad naman itong tumakbo palabas ng apartment ni Mica .

Tumakbo sya palayo.

Hindi nito alam kung saan sya pupunta .
Tanging naiisip lamang nya ay ang sakit na nararamdaman nya sa mga nangyare .

Maya maya ay biglang umulan ng malakas at kasabay ng pag patak ng ulan ay ang sabay na pag patak ng mga luha ni Athena .

Athena:" bakit ? bakit ko nararanasan lahat ng ito ? masama ba ako ? anong maling nagawa ko .. nag kulang ba ako ? bakit ? bakit sa dinami daming babae Tristan .. bakit best friend ko pa ... Bakit kaylangang si micaa paaa .... bakit nyoko niloko ? "

Athena:" Hindi naman ako naging masamang asawa at lalong hindi ako naging masamang kaibigan para gawin nyo saken to "

Habang binabanggit ni Athena ang mga katagang ito ay para syang wala sa katinuan , hindi nya maramdaman lahat tila ba nanigas ang buong katawan nito .

Di na namalayan ni Athena na may paparating na palang sasakyan mula sa harap nya
Bago pa man mabangga si Athena ay agad naman itong nahimatay .

----------
Someone' s pov

Sa hospital

Someone :" Doc kamusta na po sya ? " ( mababakas sa boses nito ang pag aalala )

Doc: she's fine , stress lang sya sobra "

Someone:" Thanks god." ( Sabay hinga ng malalim)

Doc :" And also congrats, She's pregnant "

To be continue ....

THE LEGAL WIFE AND THE MISTRESS Where stories live. Discover now