Chapter 20 : THE MYSTERY GUY

46 3 0
                                    

Athena : “ anak palagi mo pa rin babantayan si mama ah .. hinding hindi ka mawawala sa isip at puso ni mama .. pasensya kana dahil hindi mo nakilala ang tatay mo .. kung sanang hindi ko pinag kait sayo ang tatay mo sana bago ka nawala nakilala mo man lang siya .. pasensya kana anak … mahal na mahal ka ni mama “

Sabay iyak nito at halik sa noo ng kanyang anak na si Ethan.

Maya maya ay inaya na sya ng kanyang magulang na lumabas na ng emergency room dahil kukunin na ang katawan ng kanyang anak .

Ayaw pa sana umalis ni Athena dahil ito na lang ang last day na mahahawakan at mahahagkan ang kanyang anak subalit pinilit pa rin sya ng kanyang mga magulang.

Athena’s mom : “ anak wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin ang pagkawala ni ethan.”

Pag aawat ng kanyang nanay kay Athena dahil mahigpit parin nya itong niyayakap.

Pilit parin ni Athena na ginigising si ethan dahil nag babaka sakali  parin sya na magkaroon ng milagro at magising ang kanyang anak subalit kahit anong pilit nya ay di pa rin nagigising si ethan.

Pinilit syang iharap ng kanyang nanay .
Pagkaharap ni Athena ay agad naman nyang  niyakap ang kanyang nanay at agad na humagulgul.

Athena : “ wala silang awa nay, tinakbuhan man lang nila si ethan . Mga wala silang mga puso . ginawa nilang hayop ang anak ko na pagkatapos na masagasaan ay tatakbuhan na lamang nila . “ ( sambit ni Athena )

Athena : “ hindi ako makapapayag na hindi ko mabibigyan ng hustisya ang pagkawala at pagkamaty ni ethan . hahanapin ko ang taong gumawa sa kanya nyan . hindi ako makapapayag na nag sasaya kung taong nakabangga sa kanya habang tayo ngayon ay nagluluksa”

Pagkatapos magsalita ni Athena ay agad naman ulit syang tumingin sa katawan ng kanyang anak at agad na nag bitaw ng mga salitang…

Athena : “ ipinapangako ko sayo anak na hahanapin ko ang taong gumawa sayo nito  . hindi ako makapapayag na hindi nila pagbabayaran lahat ng paghihirap na dinanas mo ngayon , pinapangako ko iyan anak “

Pag katapos nun ay agad na napakalma si Athena dahil alam nyang may mga kaylangan syang gawin . nais nitong mahanap at magantihan ang taong gumawa nito sa kanyang  anak .

Kinuha na nga ang katawan ng kanyang anak .
Hindi na lumingon pa si athena dahil lalo lang syang masasaktan pag nakita nyang nilalayo na sa kanya ang katawan ni ethan .

Kahit na masakit ay pinilit ni Athena na tanggapin ang sinapit ng kanyang anak.
Nag decide si Athena na ipa cremate na lamang ang katawan ni ethan  dahil hindi nya makakya na makita ang katawan nito sa kabaong .

Nang makauwe ay wala pa rin sa posisyon si Athena dahil hindi sya sanay na walang nag gogoodnight  kiss sa kanya at nag sasabi ng “iloveyou mama”

Sa tuwing naaalala ni Athena ang mga hobbies na ginagawa sa kanya ni ethan ay naiiyak na lamang ito hanggang sa nakatulog sya dahil sa sobrang lungkot na nadarama.

Maya maya ay nagising si Athena dahil sa ingay na ginagawa ng isang bata .
Pamilyar sa kanya ang boses na iyon .
Hindi sya nag kakamali.
Boses iyon ni ethan

Ethan: “ mama.. mama gising po dahil may sorpresa po ako sa inyo “ ( masaya nitong pag gising kay Athena )

Nagulat si Athena ng idilat nya ang kanyang mata dahil nakita nya mismo sa kanyang harapan ang kanyang anak .

Ethan : “ halika na po mama bangon na po dali “

Agad naman  na hinila ni ethan ang kamay ni Athena kaya naman napasunod na lamang si Athena .

THE LEGAL WIFE AND THE MISTRESS Where stories live. Discover now