part 26

2.8K 68 5
                                    

ANIA (POV)

"Why you look so sad mom."? Seryusong tanong ni Gray ng madatnan ko ito sa sala na nagbabasa.

Ngumiti ako dito ng pilit, at ginulo ang buhok nito.

"Pagod lang si mommy baby.! At magpapahinga lang ako hmm." Saad ko sa anak ko at hinalikan ito, at agad tumayo para umakyat. Gray is so observant, kaya iniiwasan kung mahalata nito na galing ako sa pag-iyak.

Pagpasok ko sa aking kwarto ay agad akong sumampa sa kama at padapang humiga. Gustong-gusto kong saktan si Dark dahil sa ginawa nya. Hinayaan nyang lumaki ang mga anak nyang hindi sya nasisilayan. Sinabi ko na sa kanya dati pa na pinatawad ko na s'ya sa nagawa nyang kasalanan sa akin. Ngunit pinilit parin nito ang kagustohanang makapag bayad sa akin. Ayaw ko mang gawin 'to ngunit gusto kong maisip nya hindi madali ang mga pinag daanan ko.

Sinabi sa akin ni master singko, na kahit naka kulong daw si Dark ay hindi kami nito pinapababayaan. Kaya pala hindi tinanggap ang mga anak ko sa public school dahil kagagawan pala ito ng ama nila. At kaya pala nakapasok agad ako sa pagiging guro na walang sabit dahil kagagawan din nya 'yon.

Napaka unfair lang sa part ko,! na sya alam ang nangyayari sa amin. Samantalang kami ng mga anak n'ya ay wala man lang ka alam-alam. Kaya Oras na rin para pag taguan s'ya. Para maramdaman din nya kung ano ang nararamdaman ko ng wala sya habang lumalaki ang mga anak Namin.

Bumangon ako sa kama at lumabas sa aking kwarto para hanapin ang mga anak ko.

Nadatnan ko ang mga ito sa labas ng bahay sa maliit na garden namin.

"Hey mom,"! Bati sa akin ni blue. Samantalang nakatitig naman sa akin ng masinsinan si Gray.

"Babies,! May sasabihin sana si mommy sa inyo.! Okay lang ba na maistorbo ko kayo." Nakangiting saad ko sa dalawa.

"Of course mom." Blue said.

"Kung ano man ang plano at desisyon mo mom,! Ay sang ayon kami ni blue."

Nagulat ako sa biglaang wika ni Gray, kaya hindi ko mapigilang mangilid ang luha.

Kinabig ko silang dalawa at parihong niyakap. "I need to breathe babies." Malungkot na saad ko sa dalawa.

"May problima po ba mom.? Hindi na Po ba uuwi si daddy sa atin.? Malungkot din na tanong ni blue sa akin. Sinabi ko kase sa kanila na nasa abroad ang daddy nila nag tatrabaho.

"No of course not baby. Uuwi pa si daddy para sa inyo. May kunting problima lang si mommy hmm." Saad ko.

"Stop asking nonsense question blue. Mga bata pa tayo para makialam sa problima ng mga matatanda." Seryusong wika ni Gray. Kaya natawa ako ng ikotan lang ito ng mga mata ng kapatid nya.

"Nag tatanong lang ako bro."! Saad ni blue sa kapatid nya sabay irap.

"Okay lang ba sa inyo na lilipat kayo ng school sa probensya."? Kinakabahang tanong ko sa dalawa.

"Yes,! I love it mom. Because so many bitches sa pinapasukan naming school dito." Nakasimangot na saad ni Gray.

"Of course,! We agreed mom, kung ano ang plano mo ay sang-ayon kami. Blue said.

Matamis akong ngumiti sa kanila at pinugpog sila ng halik.

"Dito lang kayo okay, kakausapin ko lang ang tita Annie n'yo." Saad ko sa dalawa. Sabay na tumango ang mga ito. kaya agad akong tumayo para puntahan si Annie.

Nakita ko ito sa kusina na nag hahanda ng lulutuin kaya inigaw ko ang atensyon nito.

"Annie,! Tawag ko dito at agad naman itong tumingin sa akin.

"Ano,?

"Diba, balak mong umuwi sa probensya n'yo.! Gusto sana naming sumama sayo ng dalawang bata. At Plano ko ring ilipat sila sa pag-aaral Doon." Seryusong saad ko kay Annie.

Napabuntong hininga ito. At tumigil sa ginagawa.

"Alam mong nandito lang ako Diba.! Kaya kung ano ang plano mo ay susuportahan kita." Annie said kaya tumayo ako at yumakap dito.

"Maraming salamat Annie. Humihikbik saad ko dito. "Alam mo bang mas lalo lang akong nasaktan sa nalaman ko kung saan ang magaling na ama ng mga anak ko. Gusto kong ipa mukha sa kanya Annie na mali ang ginawa nya sa pagpapakulong sa sarili n'ya. Kung hindi lang sya kalahating abnoy ay sana kasama na Namin s'ya ngayon ng mga bata."! Pagtatangis ko habang nakayakap kay Annie.

"Kaya Oras na para itakbo ang mga anak n'ya at ng malaman nya kung paano takbuhan ng obligasyon." Seryusong saad ko kay Annie.




_____&




Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰












The Devil's Own Me.(TVDM #2) Complete Where stories live. Discover now