Chapter 31

18 2 0
                                    

Kleah's POV

Kasalukuyan akong nag aayos ng mga gamit namin dito sa beach kasama si Hao at Matthew.Tulog pa kasi yung iba kaya kami na lang muna since wala din naman kaming ginagawa.

"Tulog pa kaya si Jiwoong?"Bulong na tanong ko sa sarili habang busy na nag aayos ng gamit. "Aga nyo naman magising.Nag breakfast na ba kayo?" Tanong ni Hanbin na kakarating pa lang.

"Yes, nag almusal muna kami bago pumunta dito" Sagot ko na ikina tango nya naman.Bigla naman akong napatingin sa likuran ni Hanbin at chineck kung sya ba yun o namamalik mata lang ako. "Oh, si Jiwoong Hyung oh"
Okay sya nga yun.

"Bat nag mamadali yung kupal na yun?"Tanong ni Hao habang nakatingin kay Jiwoong na ngayon ay natakbo na papalapit samin. "Good mornin--" Di ko na natuloy yung sinabi ko kasi bigla nya kong niyakap ng mahigpit.Nanlaki naman yung mata ko nang marealize ko na nandito pala sila Matthew.

"Okay ka lang?" Bulong ko kay Jiwoong pero imbis na sagutin ako ay mas lalo nya pa akong niyakap ng mahigpit.What's up with him?

"Iwan muna natin sila" Rinig kong bulong ni Hao kela Hanbin at feel ko umalis na agad sila.Okay lang ba si Jiwoong?Ang weird nya right now.

"Bakit di ka nag sabi na pupunta ka dito?" Tanong nya habang nakayakap parin sakin.Naninibago ako sa kanya, PERO KINIKILIG AKO.

"Required ba yun?" Tanong ko pabalik kaya napahiwalay sya sa pag yakap sakin. "Hindi, pero sana naman sinagot mo yung chat at tawag ko"Seryosong sabi nya kaya napangiti ako bigla.Nag aalala ba sya sakin?WAIT NGA KINIKILIG AKO<3

"Anong nakakatuwa?Bat ka nangiti?Seryoso ako dito tas pangiti-ngiti ka lang?" Sunod sunod nyang tanong kaya napatawa na ako. "Ang cute mo" Sabi ko sabay hampas sa kanya habang natawa.

"Stop laughing.Nag aalala yung tao sayo tapos tatawanan mo?"Napatigil naman ako sa pag tawa nung narinig ko syang bumulong.Ibang level ka talaga mag pakilig noh?

"Bat ka nag aalala sakin?Crush mo ba 'ko?" Pabiro kong tanong habang nakangiti sa kanya.

"What if sabihin ko sayong oo?"Sagot nya na nag patigil sakin ngumiti at gumalaw. "Wag ka naman mag joke ng ganan" Pinapaasa mo lang ako eh tsk.

"I'm not kidding, lil miss."Sabi nya sabay titig sa mata ko.PUTANGINA.

ɴᴇxᴛ ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ. . .


𝐏𝐨𝐬𝐞𝐫| ᴋɪᴍ ᴊɪᴡᴏᴏɴɢDove le storie prendono vita. Scoprilo ora