Chapter 43

12 2 0
                                    

Kleah's POV

Halos mag 5 months na din since Jiwoong asked me out.Syempre di muna ako pumayag nun, pa hard to get muna dapat.Eme

"Manliligaw mo nanjan na"Tinatamad na sabi ni Yujin habang nanonood ng kdrama.

"Pasabi kela Mama baka mga 5pm na ko makauwi"Susulitin ko na tong araw na 'to, 1 week ko din 'di nakita si Jiwoong.

"Kahit wag ka na umuwi, Ate"Napaka pasmado ng bibig neto.

Nilayasan ko na lang sya at lumabas na ng bahay.Sumalubong naman sakin si Jiwoong na nakasandal sa pintuan ng kotse nya habang naka cross arm.

"Good Morning, Beautiful"Nakangiting bati nya sakin kaya napangiti nanaman yung bibig ko ng wala sa oras.

"Gwapo naman ng manliligaw ko"Sabi ko ng makapunta ako sa harapan nya.He smiled at me kaya ngumiti din ako.5 months na kaming ganto and it amaze me kasi walang nag babago.Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

"Let's go?"Aya nya at pinag buksan ako ng pintuan.

Balak ko syang sagutin ngayon, sakto kasi eto din yung same day na binigay ko sa kanya yung matching ring namin.Yes, the day when he asked me out.

Nandito na kami ngayon sa place kung saan mag dadate kami.Ang ganda, simple lang sya but it looks elegant.

"How's your 1 week without me?"Tanong nya na ikina nguso ko.After 1 week na naging busy sya eh sobrang na lungkot ako.Hindi kasi namin nakita yung isa't isa sa loob ng 1 week na yun due to his schedule.

"Not okay, 7 days na hindi buo yung araw ko" Sabi ko na ikinatawa nya.

"I miss you"Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.I smiled at him.Mukhang eto na yung perfect timing ah.

"I miss you too, My Love"Kita ko naman syang napa taas yung kilay ng sabihin ko yun kaya napatawa ako.

"Why?"Natatawa ko paring sabi.Di ko ma explain mukha nya pero halata naman na nagulat sya.

"Bakit ganun tawag mo sakin?"Nakangiti nyang sabi habang nag tataka parin.

"Why?Bawal ko bang tawagin ng ganun yung Bf ko?"Napatawa ako lalo ng bumuka yung bunganga nya.ANG CUTE WAHHH

"Sinasagot mo na ko?"Mahina nyang tanong sakin na ikina tango ko.

"I love you"Nakangiti kong bigkas habang nakatingin sa mata nya.

"I love you too, My Love"Nakatitig nyang sabi sakin.

Ang Cringe pero mahal na mahal ko talaga tong baklang 'to.Effective pala yung poser idea ko hihi.

𝐏𝐨𝐬𝐞𝐫| ᴋɪᴍ ᴊɪᴡᴏᴏɴɢWhere stories live. Discover now