Chapter 127

13 1 41
                                    

6:30 AM

Nagising ako nang maramdaman kong may taong yumuyugyog sa akin. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko upang luminaw ang aking paningin at makita kung sino itong kanina pang gumigising sa akin.

Si Ysabel. 

Nakangiti ito habang hawak-hawak ang mga braso ko at nakatingin sa mga mata ko. Kaagad naman niya akong binati ngayong umaga. 

"Good morning! Bangon na, nag-handa ako ng breakfast. Sabay na tayo." nakangiting bati niya habang nakapatong sa akin.

"Good morning! Eto na, babangon na nga ako oh. Tumayo ka na diyan, magtu-tooth brush lang ako." nakangiting bati ko sakaniya at tumayo na ako sa kama upang magpunta ng CR. 

Kinuha ko na ang toothbrush at toothpaste para magsepilyo ng ngipin pagkatapos ay ginawa ko na rin ang morning skin care routine ko.

"Ay wow! Fresh na fresh ka girl ha? Akala ko ba mamaya pa ang audition sa UP Pep Squad, mukhang ready ka na ah." natatawang puna niya sa akin.

"Sira! Akala mo naman hindi mo ako kilala. Matagal na tayong magkasama at talagang ganito ang routine ko tuwing umaga. Ikaw nga, makikita mo si Matthew mamaya. Hindi ka ba magpapaganda?" panunukso ko naman sakaniya.

"Bakit naman ako magpapaganda para sakaniya? Ano siya, diamond? Audition ng PEP Squad ang aattendan nating dalawa, hindi date." kita ko ang pagtanggi sa ekpresyon ng kaniyang mukha.

"Sus! Baka mamaya umaalingasaw yung pabango mo mamaya ha? Huwag ka na mag-blush on mamaya, sapat na si Matthew ang magpakilig sayo mamaya." panunukso ko pa lalo sakaniya.

"Kung ako sayo, aatupagin ko na lang ang pagpre-prepare ko sa audition mamaya. Magkikita kayo ni CJ mamaya, hindi ba dapat ikaw ang magpaganda?" pag-iiba niya ng usapan.

"Kahit hindi ako magpaganda, mahal ako noon." nakangising sabi ko sakaniya.

"Edi kayo na! Maging part ang UP Pep Squad ang agenda ko mamaya, hindi lumandi! Tse!" natatawa niyang biro sa akin.

"Ang sabihin mo, takot ka lang talaga sa commitment! Huwag bumoses kapag in-denial inlove sa taong gusto niya." natatawang biro ko naman sakaniya.

"Kumain na nga tayo ng breakfast, kung ano-ano na pinagsasabi mo. Gutom lang yan!" natatawang anyaya niya sa akin.

8:34 AM

Pinagsandukan niya ako ng sinangag at nilagyan ng hotdog, itlog saka bacon sa plato. 

"Ang sarap ng luto mo ngayon ah, pwede na mag-asawa!" natawa naman ako nang bigla itong mabulunan sa mga salitang binitawan ko.

"A-asawa a-agad? Hindi pa nga ako nagkakaboyfriend, uy!" sabay inom ng tubig dire-diretso upang mabilis niyang maabsorb ang pagkain.

"Si Matthew, future boyfriend! Huwag ka kasing negavility ng taon kaya hindi ka magkaroon ng kasintahan eh!" payo ko naman sakaniya.

"Hindi pa nga natin alam kung mutual feelings ang mayroon kami para sa isa't isa. We never know, only time will tell." biglang sumeryoso naman ang kaniyang mukha. 

"Love takes time, Ysabel. Sa totoo lang, walang mangyayari kung maghihintay ka lang. Hindi palaging si tadhana o ang panahon ang magsasabi kung sino ba talaga ang para sayo. Hindi palaging si kupido ang hahanap ng match sayo. You have to make a move, Ysabel. Love should be fought for, makes it worth a while and this is the part that no one can take away from you. Minsan ka lang ma-inlove, lubusin mo na. Walang masama sa pagiging masaya sa taong mahal mo na minamahal ka." nakatitig ako sa mga mata niya habang binibitiwan ko ang mga salitang iyon.

"Pero sa tingin mo? God made us two, I and Matthew to be together. Nasaksihan ko kung paano kayo nagkakilala, naging magkaibigan, nagligawan at naging dating ni CJ kaya masasabi ko talaga, it is God's will. You prayed for each other and both of you are each other's heart desire and it came." nakangiting sabi niya sa akin.

I'M INTO YOU SEASON 2Where stories live. Discover now