MUSE and ESCORT.
BUMALIK naman kaming lahat sa kaniya-kaniya naming room, maririnig mo sa room namin na pinag-uusapan nila ang owner ng University na ito..
Pinag-uusapan nila kung lalaki ba ito o babae?kasi kung lalaki sana daw ba gwapo
Kahit gwapo yun kontento na ako kay hubby,wala akong paki kung sino man iyong owner na iyon
" May instinct kaba hubby? ". mahinang bulong ko kay Hash
" I don't have instinct ". english niya
Grabe talaga toh,nasa Pilipinas tayo tapos nag-ienglish, nakaka-nosebleed
" Akala ko meron,baka kasi may instinct ka..mind reader haha ". mahinang tawa ko
" Psh.. ". tanging anas niya
" Good Morning class! ". bati ni Ma'am saamin lahat
" Good Morning Ma'am Rebecca! ". bati namin pabalik
" Malapit ng matapos ang oras ng subject ko,kaya kaysa magturo ako ngayon bukas ko nalang ituturo lahat are we clear class? ". sabi ni Ma'am
Madali na kasi ang second subject namin
" Yes Ma'am! ". saad naman ng kaklase namin
" Ngayon pipili nalang tayo ng Muse and Escort for our class ". nakangiting sabi ni Ma'am
" Sino ang gustong maging Muse and Escort? ". tanong ni Ma'am saamin
Pero ni isa sa kaklase namin walang nagtaas ng kamay,ayaw ata nila
" Haha bakit ayaw niyo? ". natatawang tanong ni Ma'am
Tumayo ako, " Ma'am siguro para makakuha tayo ng Muse and Escort..magboboto nalang po kami sa inonominate ". sabi ko
" That's a good idea Ms. Buenaventura ". nakangiting sabi ni Ma'am
Umupo na ako at nagsimula naman si Ma'am magsalita, " Okay let's start..kung magnonominate kayo please raise your hand okay? isa-isa lang ". sabi ni Ma'am
" Ma'am! ". taas kamay ni Euni
" Yes Ms. Fernandez? ".
" I nominate Angelo Magabasmas for Escort ". nakangising sabi ni Euni habang nakatingin kay Angelo
Gulat namang tiningnan ni Angelo si Euni, nakikipag-usap kasi si Angelo kay Gia,Ahhahahah bagay silang dalawa i mean bagay si Angelo at si Euni
" Hala bakit ako? ". nagtatakang tanong ni Angelo kay Euni
" Bakit hindi ikaw? ". patanong na sabi ni Euni
Kinilig ako slight?
" Ayieee!!! ". sigaw ng mga kaklase namin
Sinong hindi kikiligin?bakit hindi ikaw?ewan ba basta kinikilig kami
" Ano ba! kinikilig kami sainyong dalawa ". kinikilig na sigaw ni bakla
Hindi ko pa alam ang pangalan niya pero mabait siya, nakaupo lang siya sa unahan namin ni Hash
" Bakit hindi ikaw?HAHAHHA ". pag-uulit ni Jason sa boses ni Euni kanina
Mapang-asar din itong si Jason eh
" Haha class tama na yan baka hindi tayo makakuha ng escort dahil dyan sa pang-aasar niyo ". natatawang awat ni Ma'am
YOU ARE READING
My Possessive Boyfriend Pretend As My Gay Friend
Teen FictionAng kwento na ito ay tungkol sa dalawang nagmamahalan,na iba ang estado sa buhay. Hindi naman sila mahirap kung hindi sila ay parehong mayaman ngunit magkaiba ang pamilyang kanilang linakihan. Si Dark Hashneil Darby o kilala bilang Dark o Hash isa s...