Warning #3: This may bring tears to your eyes... Maghanda ng lampin este tissue
I hope you'll like this another Chapter! Kung ayaw niyo itong story at kung para sainyo pangit. Then, you all free to leave and stop reading this story.
__________
I miss the Allanien Pedragoso that always there when I always need him.
I miss this Boy Best Friend of mine.
Nang kumalas na sa pagkakayakap saakin si Allen ay kaagad kong pinahid ang luha. Kita ko ang ngiti niya sa labi. Yung ngiti niyang matagal ko ng hindi nakikita.
"Hindi ka pa ba hinahanap ng bf mo". Biglang tanong niya
Oo nga pala nakalimutan ko tuloy si Hash! Baka nandito na siya, at baka nakita niya kami ni Allen. Malalagot talaga ako..napakaseloso pa naman nun.
"Baka nga hinahanap na ako". Nakangiting sabi ko
Napatango naman siya at ngumiti pero may lungkot sa mga mata niya.
"Sige na umalis kana at sundan ang lalaking iyon"
"Huh?". Nagtatakang usal ko
"Sabi ko sundan mo na ang bf mo. Nakita ko siya kanina na nakasilip sa may pinto. Nakita niya tayo". Sabi niya
Nakita niya kami?
"Suyuin mo na iyon habang hindi pa nakakalayo". Natatawang sabi niya
Iyang tawa niya..yan ang makikita mo kapag totoong masaya talaga siya.
"Nakita niya tayo?". Tanong ko
"Oo haha". Tawa niya pa
Sh!t napakaseloso pa naman nun!
Napangiwi ako. "Lagot ako!". Hindi gaanong kalakas na sabi ko habang nakatingin sakanya
Hindi na ako magtatagal dito at baka makasira o makapanakit iyon. "Sige na mauna na ako! Bye my friend!". Kaagad na paalam ko at nagmamadaling nagtungo sa pinto
"Bye... My Love". Dinig kong sabi naman ni Allen pero hindi ko narinig ang huli niyang sinabi
Nagmamadali ako dahil sa gusto kong magpaliwanag sakanya. Ayaw kong mahantong na naman sa matinding away ang pag-uusapan namin.
Binilasan ko ang pagbaba sa hagdan dahil sa nakita pala kami ni Hash. Baka kung ano na ang iniisip nito dahil sa nakita niya kami ni Allen.
Seloso pa naman ito at overthinker din. Sana naman makinig siya saakin. Hindi pa nga kami nagkakausap tungkol doon sa misunderstanding namin tapos dadagdag pa ito.
Nang nasa ikalawang palapag na ako ng building ay napahinto ako dahil sa nakita ko sina Eunice na nakatayo at kausap ang lalaking nagsabi na pinapapunta ako sa rooftop.
"Oh Athena-
"Nakita niyo ba si Hash? I mean si Dark?". Biglang tanong
"Oo kani-kanina lang. Nagmamadali parang may problema nga eh". Sabi niya
Natahimik ako bigla
"Ano bang nangyari?". Tanong ni Angelo
"Basta sige pupuntahan ko muna siya". Paalam ko
"Sige". Tango ni Eunice kaya umalis na kaagad ako sa harapan nila
Nang nasa hagdan na ako ay binilasan ko pa lalo ang pagbaba dito. Nang makababa na ako sa ikalawang palapag kaagad akong tumakbo papuntang parking lot.
YOU ARE READING
My Possessive Boyfriend Pretend As My Gay Friend
Teen FictionAng kwento na ito ay tungkol sa dalawang nagmamahalan,na iba ang estado sa buhay. Hindi naman sila mahirap kung hindi sila ay parehong mayaman ngunit magkaiba ang pamilyang kanilang linakihan. Si Dark Hashneil Darby o kilala bilang Dark o Hash isa s...