Chapter 25: Make her Jealous(2)

8.6K 261 21
                                    

~

"Mama di ka na galit kay mommy?"

"Galit parin ako sakaniya Faye,tayo lang yung bati."i replied. Kinuha ko na si Faye sa papa niya,mukhang wala rin itong oras kay Faye eh.

"Pati po ako di ko po siya bati,kasi she cheat to you."nakapout na sabi nito. I tickle her neck causing her to laugh.

"Di natin siya bati,let's punish her." I uttered

Nasa bahay ko ngayon si Faye, malapit lang rin sa bahay ng nanay niyang selosa pero pag siya nakipaglandian parang wala lang sakanya.

Magsama sila ng ivo niya.

"Where do you want to go?"tanong ko sakanya pero umiling lang ito. "Do you want to eat ice cream outside?"

"Gusto ko pa sa mall mama,let's a buy a clothes for my babydoll."mabilis ko siyang binuhat at tumungo sa labas ng bahay.

"Tita mama!!"boses ni gian galing sa gate. Hawak ang kamay ng mama niyang si Zianne na ngayon ay laglag ang panga.

"Oh my gosh don't tell me nandito ngayon si Laurel the girl ha?"tanong nito.

"Of course wala,itong anak lang niya yung kinuha ko. Bahala siya sa buhay niya." tumawa naman ito ng malakas sa sinabi ko.

Tumingin ako Kay gian na masamang nakatingin sa buhat kong si Faye.

"Mama who's that boy?"bulong saakin ni Faye habang masama rin ang tingin kay Gian.

"Who are you?"Gian asked Faye like my baby did something wrong.

"She's my mama,and you?"mataray na tanong naman ni Faye. Gusto kong tumawa dahil para silang nagbabangayan.

"She's my tita mama and aka ninang." nagbabangayan nga.

"Mama she's not your son right?"naiiyak na tanong saakin ni Faye.

"No he's not, this is tita zianne. Siya ang mama ni Gian."paliwanag ko naman.

"Eww what a name."natawa nalang si Zianne dahil sa attitude ng dalawa.

"Mana pala sa nanay yang alaga mo Yuki."she giggled. "Bagay sila nitong Gian ko."

"In your dream mommy,im not into girls na favorite si Barbie."inayos pa ni gian ang salamin nito habang sinasabi yon.

"In your dreams too!!"sigaw ng alaga ko.

"Okay wag na kayo mag-away. Tara sa mall,let's bonding!"sigaw ko. Mukhang masaya naman silang pareho pero ang magsama sila ay para silang pinag sakluban ng langit at lupa.

"Mama,di natin siya bati."hinaplos ko lang ang likuran ni Faye para pagaanin ang loob  nito.

Iisang sasakyan nalang ang ginamit namin dahil sasama rin daw sina Zianne sa pag shopping.

Mas maganda narin yon para may kalaro SANA si Faye pero mukhang kaaway pa ang nahanap niya.

"Buti natauhan ka na"inirapan ko lang si Zianne habang nagmamaneho. Ako naman ay buhat si Faye na kasalukuyang nanonood sa iPad niya.

"Natauhan saan?"patay malisyang tanong ko sakanya.

"Na kailangan mong I consider ang nararamdaman ni Faye. Gosh Yuki,look at her kung gaano ka kamiss."tumango lang ako at hinaplos ang buhok ni Faye.

"Mama, mommy chatted me tinatanong kung nasan tayo."sabi ni Faye,tinignan ko naman ang conversation nila ng mommy niya.

"Sabihin mo nasa Mars tayo."tinulungan ko na rin siyang mag type para mas mabilis ma send sa nanay niya.

Babysitter Ft. Mother [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon