KABANATA 1

517 5 0
                                    

Third Person's Point Of View

"HELLO Honey, baka hindi ako diyan makakapag-Pasko, huh?" Ani Junie sa kaniyang asawajg Marigold.

"Huh? Pero nangako ka sa mga bata na dito ka sa Pasko." Sabi naman ng babae mula sa kabilang linya at gayon din naman ang pa

"Pasensiya na, nagka-emergency kasi dito sa trabaho eh. Maiimtindihan naman 'yan ng mga bata." Sabi naman ni Junie.

"O sige, eh ano pa bang magagawa ko? Basta ingat ka diyan sa trabaho." Sabi naman ni Marigold at marieinig sa boses nito ang paggiging concerm sa kaniya.

"Sige na. Nandito na yumg amo ko." Sabi namam ni Junie.

Agad na ibinaba niya ang tawag at inilibot ang kaniyang mga mata sa airport.

"Mabuti nakalusot ako!" Sabi niya sa kaniyang sarili habang nakatingin sa isang napakagandang babae na paparating dala-dala ang maleta nito.

Agad na sinalubong niya ang babaeng iyon na ngangangalang Jade at agad na niyakap at hinagkan ang mga labi nito.

"Mahal, na-niss kita." Malambing na sabi niya.

"Ikaw talaga. Ako talaga ang inuna mo kaysa asawa mo 'no?" Sabi naman ni Jade.

"Dahil ikaw ang nais kong makasama ngayong Pasko. Hindi mo ba ako na-miss?" Malambing na tanong niya.

"Na-miss din naman kita pero-"

"Ops! Huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano okay? Halika na at dadaanan pa natin ang mga bata mina Tita Myerkules." Sabi naman ni Junie sabay hinawakan ang kamay ni Jade habang hila-hila naman ng isang kamay ang maleta nito

Sina Jade at Junie ay highschool classmates. First year sila nagkakilala. Sa una ay naging magkaibigan sila pero nauwi sa ligawan ang lahat hanggang sa maging sila. Nakapunta pa si Jade sa lugar nina Junie dahil ipinakilala ito sa pamilya nito. Boto naman sila sa relationship ng dalawa subalit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana.

Hindi rin kasi nagtagal ay nagkahiwalay sina Junie at Jade at hindi na sila nagkaroon pa ng komunikasiyon.

Sa paglipas ng mga taon ay may naging nobyo si Jade at umibig muli. Gaya ng sa kanila ni Junie, pinakilala siya ng lalaking iyon sa pamilya nito.

Naging okay naman ang kanilang relasiyon hanggang sa mauwi ang lahat sa kapusukan at nabuntis si Jade. Ngunit nang sabihin niya iyon sa kaniyang nobyo na nakabuntis sa kaniya ay napag-alaman niyang hindi pa ito handa at inatasan pa siya na ipalaglag ang bata.

Galit naman ang naramdaman ng babae dahil sariling dugo't laman nito, hindi nito magawang panagutan. Kaya ang ginawa ni Jade ay siya na lang ang lumayo dahil alam niyang wala naman siyang mapapala sa lalaking ayaw talaga siyang panagutan.

Siyam na buwan ang nakalipas, naipanganak ni Jade ang isang batang babae at noon din napag-alaman ng kanyang tiyahin na si Myerkules ang nangyari dito.

Sa pagkakataon ding iyon, nagkaroon din sila ng komunikasiyon ni Junie na noon ay single pa lamang. Doon ay nalaman nito na nabuntis nga si Jade at hindi pinanagutan. Kinumbinsi naman ng lalaki si Jade na siya ang sasalo ng responsibilidad sa bata, na siya ang tatayong ama nito at magkakabalikan sila subalit tumanggi ang babae. Aniya, ayaw niya itong bibyan ng responsibilidad. Makailang ulit pa ang pagkukumbinsing iyon ni Junie subalit matigas talaga ang desisyon ni Jade.

Hanggang sa nagdaan ang mga taon, dumating si Marigold sa bunay ni Junie, naging sila hanggang sa maikasal sila. Si.Jade naman ay nakatagpong muli ng lalaki at di naglaon ay nagsama sila at nabiyayaan ng dalawa pang anak bukod sa una niyang anak na babae. Isang babae at isang lalaki.

Subalit sa paglipas ng mga taon, ang sweet nilang samahan ay napalitan na ng away at nasaksihan pa iyon ng pamangkin niya na si Cream-O nang minsang magbakasiyon ito sa lugar kung saan sila nagsama.

Mas lumala pa iyon nang mag-abroad si Jade at kadalasan, dahil iyon sa bisiyo ng lalaki at dinagdagan pa ito ng paggiging seloso nito.

Kaya sa pagkakataong jyon, naumay na si Jade at tinotoo na lang ang hinala ng lalaking iyon na may lalaki siya dahil sa pagkakataong iyon ay nagkabalikan sila ni Junie.

Simula noon, hindi na siya pinakawalan pa ni Junie dahil naoagtanto nito na si Jade talaga ang mahal nitong tunay kaysa kay Marigold na tunay niyang asawa at ina ng kaniyang mga kasalukuyang anak.

Sa pagkakataong ito, hindi na niya ito pakakawalan at puso na niya ang kaniyang susundin kahit na alam niyang ito'y maling-mali. Gayon din ang nararamdaman ni Jade kaya kahit mali, hindi nila lalayuan ang isa't isa.

LEGAL WIFE VS KABITWhere stories live. Discover now