KABANATA 9

97 1 0
                                    

Cream-O's Point Of View

HAPON na nang magising kami ni Aila. Bagama't maginawa, bumangon kami at lumabas ng silid. Paglabas namin, agad na bumungad sa amin yung hipag ni Kuya Junie na tila papalabas ng pintuan.

"Nasaan po sila Tita?" Tanong ko.

"Nasa kwqrto, natutulog." Tugon naman ng babae.

Napangisi na lang ako ng palihim, tulog ba talaga o baka nilasap muna nila ang isa't isa? Hindi naman ako maruming mag-isip, sadyang alam ko na mukhang iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nakarating sa destinasiyon na pupuntahan ko, dahil sabik sila sa katawan ng isa't isa.

Aba'y magalung!

Nahawakan ko ang tiyan ko nang makaramdam ako ng gutom. Tila napansin naman iyom ni Aila kaya binigay niya sa akin ang natirang french fries. Malamig na ito pero dahil gutom ako, pinagtiyagaan ko na lamang kainin dahil baka wala pa silabg nalulutobg ulam.

Habang kinakain ko ang tirang ftench fries au tinignan ko ang messenger ko at nakita ko kaagad na online si Lola Myerkules. Agad na tinawagan ko siya via video call na agad niya namang sinagot. Kaninang umaga kasi bago ako matulog, sinabi ko na sa kaniya na sinama nila ako sa lugar na ito na wala naman akong kakilala.

"Hello anak, nasaan ka?" Tanong niya.

"Nandito, isinama nila ako." Diretsong tugon ko naman.

"Ayan kasi anak, hindi ka kasi nakikinig sa akin eh. Sinabi ko na lang kasi sa 'yo na tayong dalawa na lang ang uuwi pero nagmatigas ka." Sabi niya at halata sa boses niya ang pag-aalala

"Eh La, himdi ko naman po inaasahan na mangyayari yung sinasabi mo at tsaka may tiwala po ako kasi may usapan kayo at alam kong sumang-ayon siya." Sabi ko.

"Pero anak, wala siyang isang salita. Hayst! I knew it! Alam ko na pati ikaw e makakasama diyan sa lugar na 'yan. Bueno, wala na tayong magagawa, nandiyan ka na, mag-iingat ka na lang at ang mga gamit mo, sinupin mo lalo't himsi mo lugar 'yan." Bilin niya.

"Opo La." Tugon ko naman.

Mayamaya ay nagpaalam na siya dahil may gagawin pa raw siya kaya ibinaba ko na ang tawag. Kasabay nyon ay ang paglapit sa akin ng dalagitang anak mg hipag ng hipag ni Kuya Junie.

"Nagugutom ba kayo?" Tamong niua.

"Oo." Tipid na tugon ko naman.

"Sandali, may ulam pa dito." Sabi niya.

"Ako na po ang kukuha." Sabi naman ni Aila at tumayo sa ay siya na ang naghain.

Mayamaya, binigay niya sa akin ang isang platong kanin at may ulam sa gilid, adobong babou iyon. Agad kong kinain iyon at habang kumakain, napaoatingin na lang ako sa hipag ni Kuya Junie na papalabas na naman sa pintuan.

Napapaisip ako...

Posible kayang alam nila ang nalalaman ko?

LEGAL WIFE VS KABITWhere stories live. Discover now