KABANATA XXIV

1.9K 85 4
                                    

AIAH'S POV

Sa dami ng nangyari nitong nakaraan taon, buwan, linggo at araw ay hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung isipin.

Sa pagkakatanda ko ay masaya lang ako nitong mga nakaraan buwan dahil kasama ko ulit si Mikha Lim pero agad din naman binawi sa akin ni Jeremy ang kaligayahan kong yon dahil sa napagkasunduan namin.

Aaminin ko, natakot ako, natakot ako para sa sarili ko, para sa pamilya ko at para kay Mikha.

Kung hindi lang sana ako nagmataaas, kung hindi lang sana ako naging mapride, kung sinabi ko na sana kila daddy at kuya ang problema sa firm edi sana okay pa ang lahat, okay pa kami ni Mikha hanggang ngayon at walang ganitong klaseng problema.

Pero mabuti na lang din at lumabas na ang totoo at ang focus na lang namin ngayon ay ang pagbayarin si Jeremy sa lahat ng ginawa niya sa akin, sa pamilya ko at kay Mikha Lim.

Nagising ako ng umagang yon ng walang Mikha Lim sa tabi ko, kaya agad agad naman akong tumayo para makapag ayos at mabilis na bumaba sa sala nila.

Bumungad naman sa akin ang napaka daming papel na nasa mesa sa sala habang seryoso silang nag uusap usap kasama sila kuya at ang mga daddy namin at ang sigurado ako na isang abogado.

Sabay-sabay naman silang napalingon sa akin kaya agad naman din akong nilapitan ni Mikha Lim.

"Pakakainin ko lang si Aiah" Seryosong usap niya sa mga ito at inalalayan na ako papasok ng kusina nila.

Pinagmasdan ko na lang namin siya at nanatili pa rin magkadikit ang makakapal niyang kilay.

"Natatakot ako sayo" Nakangusong sabi ko na sa kaniya kaya napatigil naman na siya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko at takang tumingin sa akin.

"Bakit?"

"Kanina pa salubong yang kilay mo" Pag amin ko na sa kaniya at napabuntong hininga na lang naman siyang naupo sa tabi ko.

"Sorry, hindi lang talaga maalis sa isip ko yung ginawa nung hayop na yon tas wala pa akong kiss " Pag amin niya kaya gulat at natawa na lang naman ako ng makitang nakanguso na siya.

Aww, baby Mikha Lim.

Mabilis naman na akong tumayo at mabilis na hinalikan ang nakanguso pa ring labi niya.

Agad naman siyang napangiti ng mapakalapad kaya napailing na lang naman ako.

Simula na to, simula nanaman to ng pagiging adik ni Mikha Lim sa kiss.

"Nga pala, nagsampa na ang kuya at ang daddy mo ng kaso laban kay Jeremy, sooner or later maglalabas na ng warrant of arrest ang mga awtoridad"

"Pero syempre hindi pa rin tayo pwedeng magpakampante dahil malamang sa malamang may gagawin at gagawin pa rin ang isang yon" Usap pa niya at nilapag na sa harapan ko ang gatas na itimpla niya.

"Kaya ipapalipat ko ang ilang security sa bahay niyo at magiging body guard mo ang ilan sa mga yon" Dagdag pa niya kaya napatingin na lang naman ako sa kaniya.

"Hindi ba masyado naman yata yon, hindi naman na siguro ---

"Hindi lang ako ang nagdesisyon nito, Aiah, pati na rin ang daddy at kuya mo, kaya please, para rin sayo to" Pagpipigil na niya sa akin kaya napatango na lang naman ako.

"Paano ka?" Nag aalala na ring tanong ko sa kaniya.

Kung nagawa siyang pag tangkaan ni Jeremy ang buhay niya noon, hindi imposibleng gawin niya rin sa kaniya yon ngayon.

"Huwag kang mag isip ng kung ano ano, ayos lang ako" Natatawang usap na niya ng mahalata na niyang natahimik ako.

"Sa hospital lang naman ako kapag hindi tayo magkasama, mukha rin naman tayong magkasama kasi lagi rin naman kitang nasa isip kaya ligtas ako" Nakangiting usap pa niya.

"Habang naiisip kita, ligtas ako" Dagdag pa niya ng hawakan na ang kamay ko.

Kailangan kita rito.

"Siguraduhin mo lang, Mikha Lim"

"Yes, misis ko" Sagot niya kaya napangiti na lang naman ako.

Nang matapos kumain ay agad na rin kaming pumunta ulit sa sala at muling nakipag usap patungkol sa mga nangyari.

"Ms. Arceta" Aniya na ng abogado nila Mikha Lim kaya napaayos na lang naman ako ng upo.

"Unang taon ko sa firm, nung una ayos pa ang lahat kaya pinagkatiwala ng pamilya ko ang firm namin sa akin, akala ko tuloy tuloy na pero nagulat na lang ako ng biglang magkulang ang mga shares at budget namin, nagulat na lang din ako ng nawalan na kami ng mga client"

"Nung una, nagawan ko pa ng paraan, nabawi namin ang ilang budget, bumalik ang ibang mga client pero sa huli ay unti-unti na rin bumabagsak ang lahat"

"At doon na nag offer ng tulong si Jeremy, ang sabi niya wala lang daw yon, tulong na lang daw niya yon bilang kaibigan ko at nang lumaki na nang lumaki na ang problema ko, lumaki na rin ang mga tulong niya sa akin"

"At unting-unti na rin lumalabas ang totoo niyang ugali, gusto niya hiwalayan ko si Mikha kapalit ng mga naitulong niya sa akin, sa takot ko ay ginawa ko na ang gusto niyang gawin"

"At hanggang ngayon pinagsisisihan ko na sa kaniya ako lumapit" Kwento ko na at tumingin na kay Mikha na ngayon nakatingin na rin sa akin.

I'm sorry, hon

"Paano naman napunta sayo lahat ng ebidensiyang ito Dra. Lim?" Tanong na ng abogado kay Mikha.

"Kay Jasmine, kapatid ni Jeremy" Diretsong sagot niya na siyang pinagtaka ng lahat.

"Paanong nangyaring sa kapatid ni Jeremy galing ang mga ito?" Takang taning na ng abogado.

"Matagal na kaming magkakilala ni Jasmine, may namagitan sa amin noon pero agad ko rin pinutol yon dahil hindi ko kayang ibalik kung ano man yung nararamdaman niya" Kwento na niya habang nakatingin na sa akin pero napaiwas na lang naman ako ng tingin.

So? Meron ngang namagitan sa kanila? Bakit hindi niya sinubukan?

"Hanggang sa nagkaroon na lang kami ng meeting sa hospital para sa isang pasyente, nagulat na lang kami ni Gwen na si Jasmine nga ang pasyente namin at kami pa ang naassign na doktor para ron"

"Nitong nakaraan ko lang nalaman na magkapatid sila ni Jeremy, nung imbatahan niya lang akong maging date sa birthday party ng kuya niya"

"Nung una ayoko pero napilit niya ako dahil kailangan ko raw siyang pagkatiwaalan hanggang sa nangyari na nga ang nangyari kagabi, nilabas niya ang video at inabot na niya sa akin ang lahat ng yan bago kami umalis" Kwento niya habang na kila Attorney na ang tingin.

"Ang lakas pala ng tama ng kapatid ni Jeremy sayo e, biruin mo nagawa niyang ilaglag ang sarili niyang kapatid para sayo" Biglang usap ni kuya kaya agad ko naman tinarayan ito ng sumulyap pa ito sa akin.

"Bakit hindi mo jowain, Lim?" Todo ngiting tanong pa ni kuya kaya natawa na lang din naman si Mikha.

Talagang masaya pa siyang pinagpipilitan siya sa babaeng yon ah.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant