Chapter 1

4 0 0
                                    

Aurelia Frost

"7 years... It was a good run Miss Aurelia Frost" The
school's head, which is also my boss, said as he handed me an envelope with the school's logo.

"You're right, sir. I had a lot of fun teaching here." I showed a bittersweet smile.

It's been 7 years since I joined this school- Enchanted Haven Academy. Nag tuturo ako sa mga Kindergarten students. I wanted to grow more, thus I decided to resign and apply at a new school. Matagal ko nang ginusto 'to, pero siguro dahil sa tagal ko na rin dito, mabigat sa pakiramdam ang umalis dito.

"Because of your loyalty, we decided to give you a gift, it's inside of that envelope." Napangiti naman ako sa thoughtfulness nila kaya naman akma kong bubuksan ang envelope nang pigilan niya ako "No! Can you open it paglabas mo? Baka mamaya mag-iyakan pa tayo dito," kaya naman ay nag tawanan kami.

" Ay sir, hindi ko na po kayo boss, magagawa ko na lahat ng gusto ko"

Tinawanan niya lang ako

Nag-usap pa kami saglit at naisip ko na umalis na dahil baka makaabala ako sa mga gagawin niya.

Pag-labas ko ay saktong labasan din ng mga estudyante

"Teacher Lia!" Sigaw ng isa sa mga estudyande ko. Nagtinignan naman ang mga kaklase niya at nagtakbuhan sila papunta sa akin.

"Careful, mga anak. Next time, don't run like that baka mapaano kayo, ha?" Tumango naman sila.

"Teacher Lia, where were you?" One of them asked

"Oo nga po, Teacher Lia"

"I was looking for you, Teacher"

"You don't love us na po?"

Ito talagang mga batang ito. Paano ko sila sasagutin kung sabay sabay sila? Buti na lang talaga cute sila.

"I missed you teacher" Sabi ng isa at sabay yakap sa akin. Edi sunod sunod naman silang yumakap sa akin.

"Kids, wait wait! Hindi ako makahinga" tap out na ako! Ang liliit pero grabe makayakap. May galit ba 'tong mga 'to? Nag tawanan lang sila pag bitaw sa akin.

"Teacher Lia, Teacher AA said that you'll be leaving us that's why they asked us to draw for you. Is it true po?" Naka puppy eye na tingin sa akin nung isa. Ito talagang si Ariel Ace inunahan pa akong magsabi!

"Yes, Luke," 'yon ang pangalan nung bata. "Unfortunately, I won't be teaching you na." Sabi ko at sinuklay ang buhok niya.

"I was right, you don't love us anymore!" Mangiyak ngiyak na sabi nung isa.

"Waaaa teacher Lia doesn't love us!"

"Teacher Lia is leaving us because she doesn't love us anymore!"

Nag simula na silang maiyak isa isa. Napakamot na lang ako sa ulo kasi ang dami na nilang umiiyak.

"Aurelia, anong ginawa mo sa mga bata bakit sila umiiyak!?" Ito na ang magaling na si AA

"Ikaw kasi! Bakit mo agad sinabi sa kanila na aalis na ako? Akala tuloy nila hindi ko sila mahal!" Muntikan ko na siyang batukan kaso naalala ko na nasa harap pala kami ng mga bata.

"Hindi ba ganoon 'yon? Kapag hindi mo mahal, iiwan mo," Parang tanga talaga 'to. Hindi ko tuloy napigilan at na hampas ko na ang braso niya.

"Gaga!" Pasigaw na bulong ko sa kanya "wag mo itulad sa jowa mo 'yong mga bata!" Hinampas ko ulit nang marahan ang braso niya.

"Kids, I love you all sooo much! Mas mahal ko pa kayo kaysa kay teacher AA," nakangiti kong sabi. Natigil naman sila sa pagiyak sa sinabi ko. "I'll be leaving, pero I won't forget each and every one of you! Babalik pa rin naman ako dito lalo na pag birthday niyo. Kaya dapat may food ha?" Pabiro ko at wow tumango nga sila, yaman talaga ng pamilya ng mga 'to.

Teach You How To LoveWhere stories live. Discover now