Chapter 2

0 0 0
                                    


Aurelia Frost

Mabilis na natapos ang training period namin. I was able to socialize with the people here, mayroon na nga agad akong kaibigan.

I met Ligaya nung 3rd day ng training ko. She's also a kindergarten teacher, kaya naman talagang mabilis kaming naging mag kaibigan.

Isang buwan na rin ang nakalipas at ngayon na din ang simula ng school year dito sa Evercrest University. Syempre, inagahan ko ang pagpunta dito.

9 pa talaga ang umpisa ng klase ng mga Kindergarten, pero 6AM pa lang nasa school na ako.

Gusto ko kasi maki-chismis sa mga ganap sa ibang klase na nagsimula kaninang 7AM. Nasa gate din ako kanina para batiin ang mga estudyante na papasok.

Grabe, lahat ata doon puro mga kasama nila sa bahay ang nag hatid- wala akonh nakitang magulang na naghatid sa mga anak nila.

"Ligaya, bakit wala mga magulang nung mga grade 1 kanina? Puro yaya ata nila naghatid sa kanila," nagtataka kong tanong sa kanya pag pasok sa classroom nagagamitin namin mamaya.

Nag aayos siya ng mga upuan para mamaya kaya tinigil niya muna 'yon at umupo para sagutin ako. "Ganyan talaga sila, may mga mas importante kasing bagay para sa kanila kaysa sa paghatid sa mga bata. Alam mo naman, mga trabaho, business, meetings, at kung ano ano pa," napabungong hininga siya "pati nga pag kuha ng card hindi nila magawa."

Tumango lang ako at tinulungan na siya mag ayos. Onti lang kasi ang kindergarten students dito kaya iisang klase lang sila.

Nang matapos kami ay saktong 8:30 na rin kaya lumabas na kami at nag antay sa mga bata sa may gate.

Pinapila namin ang mga bata habang inaantay dumating ang kanilang classmates. Hindi nagtagal, nakumpleto na rin kami at sabay sabay nang pumasok- malapit lang naman sa gate ang building ng mga kindergarten na nasa 1st floor din.

"Ligaya," tawag ko sa kanya habang binabantayan ang mga bata na pumipili na ng kanilang uupuan. "Alam mo, ngayon lang ako nakakita ng mga kindergarten students na hindi umiiyak kahit first day sa school," bulong ko

"'Teh, ganyan talaga nasanay na siguro sila dahil lagi naman wala ang mga magulang nila sa bahay" kibit balikat niyang sagot.

"Okay class let's introduce ourselves so we can become friends, okay?" Panimula ni Ligaya. May mga sumagot, may mga tumango lang.

"I am Teacher Aurelia, but you can call me Teacher Lia. I loveee math, I hope that you'll also enjoy our math subject!" Maligalig na pakilala ko sa kanila. Nag palakpakan naman sila at ang iba ay nag "yey!" Pa

"I am Teacher Ligaya, you can also call me teacher Happy!" Ngiti niya sa mga bata na halatang natuwa sa ginawa niya "Me and Teacher Lia will be taking care of you, okay?" Nag okay sign naman siya sa kamay at tumangi ang mga sila.

Pagkatapos ay nagsimula na kami sa mga student namin.

"How about you pretty girl with a beautiful blue dress," turo ko sa student namin na nasa pinakagitnang lamesa "tell us your name and nickname, sweetheart" paghikayat ko sa kanya.

"Hi Teacher Lia and Teacher Ligaya! I am Zephyra Blakewook,"

Ah, anak siguro siya ni Mrs, Blakewood

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teach You How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon