Chapter 34

16 2 0
                                    

       

            “ANDIYAN ka pala.” Sabi ni Nanami at  sinamahan si Mela sa garden. Tumingala si Mela sa kanya at ngumiti.

“Kababalik mo  lang ba mula sa paghatid kay Miss Amalie sa paaralan?” tanong naman ni Mela kay Nanami.

“Oo. Anong ginagawa mo?”

“Nagbubungkal ako ng lupa mga bulaklak. Kailangan silang bungkalin bago diligan para lalong maa-absorved nila ang tubig.”

“Maganda nga 'yan,” nakangiting saad ni Nanami.

“Kailangan mo ba ng tulong?”

Nagkibit-balikat naman si Mela.

“Hindi naman kailangan, kaya ko naman,  kung gusto mo panoorin mo na lang ako.”

“Okay sige, ahm Mela. Gaano ka na ba katagal nagtatrabaho rito?” tanong niya para may pag-usapan sila habang nandoon siya.

“Uhm mag-aapat na taon na mula ng umuwi  sila si Sir dito galing Cebu sa kanilang bahay bakasyonan.”

“Hulaan ko, may lahing italyano si boss, tama ba?”

“Obvious naman 'di ba? Malalaman mo naman sa mukha niya,  kahit may dugong pinoy si Sir mas malakas parin ang pagiging italyano niya.” Saad naman ni Mela.

“Maiba ako kumusta ang istatus niyo ni Boa?”

Nahinto si Mela sa pagbubungkal ng maitanong iyon sa kanya ni Nanami.

“Ah okay naman kami,  bakit mo naman na itanong?”

“Wala lang mukha kasing may something kayo.”

“W-Wala ah,  magkaibigan lang kami.” Nauutal na sabi ni Mela kay Nanami.

“Sus,  babae rin ako Mela, alam ko sa kapwa ko babae kong may gusto siya sa isang lalaki,  aminin mo na ako lang ito.”

Nahihiyang tumango si Mela na may maliit na ngiti sa labi hindi na niya itinago kay Nanami.

“So tama nga ako gusto mo siya, kaya 'wag mo ng itangi. Halatang halata ko na.”
Natatawang sabi ni Nanami.

“Honestly,” Tumigil ito,  “Sana hindi ko na lang siya nagustuhan.” Dugtong pa nito.

“Ah,  bakit naman?”

“Isang buwan ka pa lang at tingnan mo, napansin mo ang nararamdaman ko para sa kanya,  pero siya kahit ilang beses ko ng ipinaramdam sa kanya ay hindi man lang niya napapansin. Hindi ko alam kung sinasadya niyang magpakatanga or talagang manhid lang siya.” Nalulungkot na sabi nito.

“Sigurado akong darating din na malalaman niyang mahal mo siya. Kaya 'wag kang mawawalan ng pag-asa.” Paninigurado ni Nanami,  nalungkot siya para kay Mela.

“Sana,  pero ayoko ng umasa.” Bulong ni Mela.

“Oh sige, tigilan mo na ang pagsimangot mo diyan,  hindi bagay sayo.”

“Bakit, dahil pumapangit ako?”

“Oo.” Biro na pag-sang-ayon niya dito.

“Haha, nakakatawa.” Kunyari ay nagtatampo siya.

Pero mayamaya lang ay nagtawanan naman silang dalawa. “Masarap sa pakiramdam na sa wakas may makakausap ako rito sa bahay na kasing edad ko. Si manang Eve kasi tagapakinig ko lang at tanging kaibigan ko rito. Pero kahit na matanda na siya ay nagpapasalamat parin ako sa kanya bagaman, may pagkakaiba sa pagitan namin  ay  madali parin itong maka-relate sa akin kahit minsan puro sermon ang nakukuha ko rito kapag nagkakamali ako,  pero kahit na ganoon ito mahal ko iyon na parang tunay ko na ring ina.” Pagkukuwento niyo sa kanya. Natahimik naman si Nanami at ngumiti dito.

LET ME LOVE YOUWhere stories live. Discover now