Seducing my brother- Fifth Chapter

6.7K 102 6
                                    

♢♢♢Lance♢♢♢
"What? Anong hindi mo alam?" Naiwasiwas ko ang penholder sa mesa ko dahil sa frustration. Nagmamadali namang pumasok ang assistant ko at nilinis ang kalat.

[Sir I'm sorry, wala po talaga siyang sinabi kung saan siya pupunta.]

"Okay, just call me if she comes back." Tinapos ko ang tawag at binalingan ang assistant ko.

"May appointments pa ba ako?" Umiling ito.

"Wala na sir, you're free until tommorow." Tumayo ako at kinuha ang coat ko.

"Call me if anything happens." Umalis ako sa opisina at pinuntahan lahat ng pwede niyang puntahan dito sa Manila.

"Nasaan ka na ba?" Sabi ko sa sarili ko. Naipit kasi ako sa traffic. Diniinan ko ang pagbusina. Naihampas ko pa ang manibela dahil sa inis. Dahil sa boredome, naisipan kong icheck ang social media sites na alam ko. Buti na lang ginawan ako ni megan ng facebook acount. Pagbukas ko ay lumitaw ang sangkaterbang request notifications at messages. Nakita ko din sa timeline ko ang mga nakangiting mukha ni Megan. Mukhang siya ang gumagamit nito. Tinignan ko ang profile niya at tinignan ang timeline.

Sabi dito: Off to Batanes. See yah! So sa Batanes pala siya ngayon. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago umusad ang traffic. Kinontak ko siya pero pinapatay niya ang tawag.

"Why are you so stubborn."

♢♢♢Megan♢♢♢
"I really love seafoods." Sabi ko. We are currently having dinner in a fancy restaurant. Nagsuot ako ng longsleeved dress na hanggang tuhod ang haba at inilugay ko lang ang buhok ko.

"Yes, pero mas love kita." Tumaas ang kilay ko.

"Kanina ka pa sa mga banat mo ah? Are you hitting on me Mr. Salvador?" Tumawa ito.

"Pansin mo rin pala? So, may I court you?" Parang batang nahihiya sa teacher na tanong nito.

"Pag-iisipan ko." Pabirong sagot ko.

"Ow, first time kong mabusted." He faked a cry.

"There's always a first time to everything." Biglang sumeryoso ang mukha nito.

"Serious talking Meg, pwede ba?"

"Yes." Nabigla ako nang may tumikhim sa likod ko.

"Lance?"

"Nakalimutan mo yatang may mga magulang kang nag-aalala sa'yo." Panunuya nito.

"Anong ginagawa mo dito? Kahit kailan talaga napakapakealamero mo." Inis na sabi ko.

"Am I missing something here?" Kunot noong tanong ni Vince.

"Oh, Vince. Si Lance kuya ko, Lance si Vince." Tumango lang si Vince at binalingan si Lance.

"Nice meeting you pare, join us." Umupo naman siya sa tabi ko.

"So what brought you here dear brother?" Tiningnan niya ako bago tinuon ang paningin sa menu.

"Susunduin ka, mom's kind of worried. Hindi ka kasi nagpapaalam." Sagot nito bago sinabi sa waiter ang order niya.

"Pano mo nalaman kung nasaan ako?" Oo nga no?

"Fb." Walang ganang sagot nito.

"Ow? Nagfb ka pala? Hahaha not so you bro." I teased.

"Shut up and eat ng makauwi na tayo." 

"Mukhang OP ako ah?" Nakangiting singit ni Vince.

"Oh sorry. So about sa sinabi ko kanina." Nananantiyang sabi ko.

Seducing My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon