Chapter 7

1.3K 132 21
                                    

Elise

"This place is..." Napatigil sa pagsasalita si Kaylee nang titigan ko ito ng masama. She gave an apologetic smile before adding, "cozy."

Tch. Damn her wide selection of vocabulary that still describes how small my apartment is. Pero totoo naman kasi.

Gustuhin ko man na kumuha ng mas malaki at mas maayos na apartment, I can't afford it yet. Limitado lang ang supply ng perang kinikita ko. Bukod pa sa halos nauubos iyon sa donasyon at charity works.

And no. As much as I want to grab my mother's help, I won't do that for my own personal interest. Dahil kung gagawin ko iyon, lalo ko lang papatunayan sa gagong Montiel na yon na tama yung mga paratang nito na hypocrite nga ako na kunwari ay nakikipaglaban para sa mga mahihirap gayung isa din naman ako sa binubuhay ng mga kinakalaban kong kapitalista.

Yes, the money that I am using are coming from them. But I am using it for those who really need it. Hindi ko naman iyon ibinubulsa.

"Where's your living room?" Tanong pa ni Kaylee na iniikot yung paningin sa loob ng apartment ko na walang kalaman laman.

Itinuro ko dito yung nag-iisang monobloc chair sa harap ng maliit na wooden table. "That's my living room. Dining area na din yan pag meal time na." pabirong dugtong ko pa para pagtakpan yung pagkapahiya. I know that Kaylee is used into luxury and comfortable places.

"That's s-"

Bago pa ito makapagreklamo ay itinuro ko na din yung dalawang appliances sa kitchen ko na tanging sementadong countertop lang na pinapatungan ng rice cooker at electric kettle. "Doon naman yung kitchen ko."

Ngumiwi si Kaylee. Halatang hindi natutuwa sa estado ko ngayon. "Are you sure about this, Lis? Pwede ka naman makishare sa unit ko kung talagang gusto mong bumukod sainyo. Maluwag naman doon saka wala naman akong problema kung makikisha-"

"I want to live on my own, Lee. I just want to assure you that I'm safe so you can vouch to my parents that I really am." I cut her off.

"Pwede ka naman makishare ng expenses sakin, Lis. Doon ka na lang sa unit ko. That way I won't even feel guilty to vouch with your parents about your safety."

Marahan akong umiling. Gustuhin ko man na sumama dito, masyadong mataas yung pride ko para lunukin.

"Limitado lang ang pera ko. Wala akong maipambabayad sayo."

"Then don't pay it yet kung ayon lang yung pinoproblema mo. We can make an arrangement na ikaw lahat ang gagawa ng household chores while I pay for all of the incurring bills."

"I'm fine here, Lee." I gently tapped her shoulder to reassure her. "I appreciate your offer but I really want to do it this way. Isa pa, ang tanda ko na pero hanggang ngayon nakatira pa din ako sa poder ng mga magulang ko. I don't have any decent high-paying job to support my living. Saka na ako mag iinarte pag kaya ko ng buhayin yung sarili ko. Pero sa ngayon, I'm fine with this."

Umiling-iling lang ito bago walang pahintulot na lumakad papunta sa pinto ng nag-iisang kwarto. Pinihit nito iyon pabukas para icheck na din yung loob.

Mas lalong nag-isang linya yung bibig nito ng tumambad dito yung nag-iisang kutson na nakalatag lang sa lapag. Sa gilid niyon ay may electric fan na hindi pa nga stand fan. Tanging desk fan lang iyon na nakapatong sa mesa kung saan nandoon lahat ng mga gamit ko. Laptop, printer, stack of files and papers, markers and pens, at lahat ng gamit ko sa pagsusulat.

Medyo kinapos kasi ako dahil mas inuna ko yung working table at chair ko kesa sa ibang gamit sa bahay. Mas mapagtitiisan ko naman na iyon ang wala kesa naman yung kailangan ko sa pagsusulat.

YuanFenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon