Kabanata 10

205 3 0
                                    

Kabanata 10

"Mag-iingat kayo,"

Mukhang labas pa sa ilong ni Kiolo ang pagkakasabi niya no'n. Blangko ang tingin niya kay Darell pero nang magtama ang mata namin ay ngumiti siya sabay ayos ng kanyang salamin. Nanalo si Darell kaya sabay kaming uuwi.

Ihinarap ni Darell ang mukha ko para mawala ang tinginan namin ni Kiolo.

Sumakay kami ni Darell sa bus. Pinauna ko siya roon sa may bintana dahil biya-hilo ako. Wala pa akong dalang plastic ngayon.

"Ayaw mo sa bintana?" Tanong niya.

Pilit akong ngumiti, "Nahihilo ako, eh,"

Tumango siya at umupo na.

Nakatingin lang siya sa bintana at tila malalim ang iniisip.

"Huwag ka na ulit magb-bar at club ha," aniya nang hindi ako tinitingnan. "The only reason why I came there is because I'm finding my sister. Noong nilabas mo ako saktong nakauwi na rin ang kapatid ko."

"Sister? Si Ate Dorothy?"

Tumango siya. "She's a stripper."

Bumuka ang aking bibig dahil doon. Hindi pala ako nagkamali, iyong babaeng nakita ko dati ay ang ate niya.

"I won't go there again," sabi ko. "Promise."

Tinanggal niya ang face mask niya, revealing his fully shaved jaw.

"Ayos na?" Aniya, humarap sa akin para ngumiti. "Ang dami mong lalaki na kaibigan, 'no?"

"Ikaw rin, 'no?" Ganti ko.

Tumawa siya. "I don't talk to them a lot though. Just for hangouts."

"Gwapo mo, ah," ngumiti ako.

He chuckled. "Hindi mo ako mabobola, Artamerez. Saan banda?"

"Lahat ng parte!"

"Paano mo nasabing lahat?"

"Kasi---" napatigil ako nang marealize ko kung ano ang sinasabi niya. Hinampas ko siya sa braso. "Ikaw ah!"

"Ano? Nagtatanong lang ako!" Painosente pa niyang sabi. "Nasusuka ka ba?" Aniya nang medyo malayo na kami.

"Oddly, hindi naman." ngumiti ako.

"Tell me if you feel like it, huh?" Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. "You can sleep too."

"October 26. Darell, happy birthday," sabi ko habang nakatingin sa harap. "Here's a gift."

Inilabas ko sa bag ko ang bracelet na kulay itim. It's his favorite color. May maroon din na kahalo iyon. Para siyang relo pero walang clock. I just noticed he wore the same color when I wore my black hair tie. 

"Accept that. I never gave anyone a gift but you. Even my friends, too. I saved my money for that." Sabi ko at isinuot iyon sa kanya.

"Thank you," I felt him kiss my forehead.

Natigilan ako roon.

Does he like me now?

Christmas party na namin. Palapit na nang palapit ang katapusan ng school year.

"Tapos ang i-partner mo, si Laurel at Ron, Renice at Gavril, kunin niyo si Lychie ng humanities para i-partner kay David tapos si Kahel at Darell."

Kuminang agad ang mga mata ko dahil sa narinig. Parang biglang lumaki ang tenga ko dahil doon. Kunwari wala akong narinig sa pinag-uusapan ng president at secretary na siyang nagp-plano ng partners para sa games!

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang