🌱Chapter 1.1

5 0 0
                                    

Chapter 1.1: Happy Birthday Eian!


3:59 ng umaga sa isang maliit na kuwatro, may isang mahaba, katamtaman ang haba at isang maliit ang mahimbing na natutulog. Ang tatlong ito ay ang magkakapatid na si Eian, Kian at Liam.

Si Eian ay ang nasa gitna ng kama. He's 1.6 cm tall. His dark curly and messy hair looks like a cotton candy cloud... So fluffy.

Sa ilalim ng sinag ng buwan na nagmumula sa bintana na nasa ulonan nila ay kitang kita ang maputi, makinis at matiwasay na natutulog na mukha ni Eian. Maninipis na kilay, mahahabang pilik mata, matangos na ilong... Ang bahagyang naka-awang na mapula at malambot na mga labi nito.

Tumingin ka sa baba at makikita mo ang payat na katawan nito, mas petite at mas feminine ang features kumpara sa mga ka-edad niyang lalaki.

Dahil naka-sleeveless ito sobrang obvious ang physics niya at dahil din dito ay kitang kita mo kung gaano kakinis at kaputi ang balat niya... You go down a little bit more and you will see his white not-so meaty thighs and slender legs under his green, messy thin basketball shorts.

Lagi siyang napagkakamalan na may ibang lahi dahil sa itsura niyang ito.

Sakanyang magkabilang gilid ay sina Kian at Liam. Nakaharap siya kay Liam, ang bunso niyang kapatid at yakap ang maliit at malambot na katawan nito.

Sa kaliwang parte ng kama ay nakapuwesto si Kian. He's 1.7 meters tall. Medyo mas mataas sakanya, pero nasa highschool palang ito. Hindi kita ang itsura nito dahil yakap nito ang mga tuhod niya habang tulog at nakatalikod kay Eian. Pero katulad ni Eian, kulot din ang buhok nito at itim. Nakasuot din siya ng sleeveless at shorts; katulad ng kaniyang kuya Eian ay maputi rin siya at payat.

Samantalang si Liam naman ay nasa kanyang kaliwa. Like boys in the age of five, he's 102 cm tall. Ang maliit at ang matabang mga paa nito ay malapit na sa mukha ni Eian, habang ang ulo nito ay nasa paahan ng foam, nakanganga itong matulog at may tumutulo pang laway mula sa maliit at mapupulang labi nito pababa sakanyang matatabang pisngi. Kulot din ang buhok ni Liam  katulad ng mga kuya niya. He's chubby, cute, and white. Parang siopao.

Nakuha nilang tatlo ang pagkakulot ng kanilang mga buhok sa kanilang nanay... ang maputing balat at matataas na height naman ay baka sa kanilang mga tatay. 

Ang kumot na dapat ay nakabalot sa magkakapatid ay ngayon ay nasa sahig.

Pagtungtong ng alas-kuwarto ng umaga, tumunog na nang mahina ang alarm sa cellphone ni Eian. Pero dahil sa madaling araw palang, tahimik ang paligid kaya kahit mahina lang ang tunog ng alarm ay para itong malakas kaya naman ay dali-dali itong pinatay ni Eian makalipas lang ang ilang segundo na para bang kanina pa gising at iniintay nalang na tumunog ito.

Nang para bang naramdaman niya na magigising na ang bunsong kapatid ay agad niya itong tinapik-tapik sa binti, pinababalik sa pagtulog. He occasionally sings an unknown song with just an "hmm" lyrics while gently patting Liam's supposedly back (but now his legs). Effective naman dahil agad na natahimik si Liam at bumalik sa pagtulog. Nanatili siya sa kuwarto ng mga ilang minuto at nang muling tumunog ang cellphone niya ng 4:05 ay bumangon na siya at lumabas ng kuwarto para magluto ng umagahan.

Wala ng sinayang pa na oras si Eian, pagkatapos niya mag hilamos sa banyo at buksan ang mga bintana sa bahay para papasukin ang sariwang hangin ay agad siyang nagtungo sa kusina para magluto ng agahan. Una, agad niyang tiningnan ang kaldero kung may laman ito at nang makita na may natira pang kanin ay napag-isipan niyang magluto ng sinangag, itlog at hotdog. Naisipan niya rin magluto ng instant noodles para may sabaw. Mabilisang umagahan lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now