Chapter 6: Trabaho sa Yetito

51 8 0
                                    

Bigla kaming natahimik dalawa.

Pumapaltog ang dibdib ko. Wala akong masabi! This is not me na talaga! Ba't ba ako nawawala sa sarili ko 'pag kasama ko siya?

"Oy, Karlo," kalabit sa'kin ni Eugenio. Pasimple akong tumingin sa kanya.

Ngumiti siya sa'kin, at awtomatikong nawala ang bigat na nararamdaman ko. 'Tong lalaking 'to! Pasalamat siya pogi siya! "Nasa Saint Joseph siya."

"Sino?"

"Lolo ko." Hampas niya sa balikat ko. "Ikaw talaga."

"Ay! Oo! Haha." Tawa ko na naiilang. Sheet, Karlo! Umayos ka nga! Hinawi ko ang paepal ko na bangs at hinarap siya ulit. "Bali 'yon ba yung malapit sa tollgate?"

"Do'n nga." Bumuntong-hininga siya. "'Di naman talaga kami taga dito sa lugar n'yo, nagrekomenda lang yung kaibigan ng nanay ko na dito siya ipagamot. Mas magagaling daw kasi ang mga doktor dito. Pero wala akong pakielam, gusto ko lang na makita ulit ang lolo ko."

"Special talaga siya sa'yo 'no?" Can't relate, mamsh. Patay na mga grandparents ko e.

He gave me another one of his smiles, at nanlambot na lamang ako. "Oo."

"Dito na tayo." Eksena ni Ciel kaya parehas kaming nabalik sa ulirat. Nandito na pala kami sa food court.

"Thanks sis!" Umusod na ako pababa ng kotse, pero kinalabit ko muna si babaita. "Pa-kiss nga."

"Tse!" Taboy niya sa'kin. Bosit talaga 'to! "Gawa mo nalang ako milktea. Nagka-crave ako e. Bayaran ko." Lumingon siya kay kuya driver. "Ikaw kuya, gusto mo milktea?"

"Nako mam, 'wag na 'ho."

"Nahiya ka pa talaga kuya!" Natatawang giit ni Ciel at sa'kin namin tumingin. "Ano, bali isang red velvet sa'kin tapos wintermelon naman para kay kuya. Add pearl ha? Damihan mo sa'kin."

"Yung dapat ba puro pearl nalang yung nasa cup?"

"Bahala ka sa buhay mo." Bara niya sa'kin kaya napahalakhak ako. Bumaba na ako ng sasakyan at sumabay sa'kin si Eugenio.

"Arat na Eugenio!" Hatak ko sa kanya papunta sa stall namin. Hinubad ko agad ang bag ko pagkapunta namin sa loob at binaba 'yon sa locker. Bali shifting kasi ang nangyayari. Mayroon sa buong araw, tapos may binibigay na oras para sa aming mga part-timer na hanggang alas-niyebe. Walang night shift yung stall namin.

Sinuot ko na ang aking uniform at hinarap ang kasama ko. "Ano, Eugenio? Maganda ba- " bigla akong natameme. Tinatali pa lang ni Eugenio yung apron niya na dark green, tapos hindi pa fully-buttoned ang kanyang puting polo kaya nakasilip ako sa dibdib niya. Ang ganda ng kurba ng kanyang collarbones! Bagay na bagay pa sa kanya yung cap na suot niya sa kanyang morenong balat! Bet na bet ko talaga ang features ng hinayupak na 'to, plus ang galang niya pa!

Napalunok ako na sakto namang pagtingin niya sa'kin. "Ang ganda mo naman, Karlo."

"E, ano ba!" 'Di ko na na-kontrol ang boses ko. Halatang kinilig ako, hayop!

Natawa siya at naglabas na ng mga baso, blender at kung ano-ano pang mga kubyertos. "Gawin na natin ang order ni Ciel?"

Mabilis akong tumango sa kanya. "Sige!"

I Love You So Matcha [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon