Chapter 9: Ian

38 7 3
                                    

"Eugenio, natanggal mo na yung mga saksakan?" Habilin ko sa kasama ko pagkapatay ko ng ilaw. Nataposrin namin ang shift!

"Okay na," giit ni Eugenio sabay salpak sa bag niya. Tinanggal niya ang cap niya kaya naman sumabog ang kanyang buhok. Parang pugad ng ibon. Char!

"Ano ba 'yan te, yung buhok mo." Epal ko at nilapitan siya. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. While do'n ako sa buhok niya nakatingin, nararamdaman ko ang pagtingin niya sa'kin. Ang lalim naman makatitig! Kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang diin ng mata niya sa'kin.

Inayos ko ang buhok niya at ginawang slick-back, para mukha siyang siga. "Ayan! Okay na." Sambit ko at humakbang palayo. Gusto ko rin sana makipag-eye contact rin sa kanya, pero 'di ko pa kaya. Next time nalang, harhar.

Ngumiti siya at marahang hinawakan ang buhok niya. "Thank you." Ang lambot ng tono ng boses niya, kaya nangiti na rin ako.

"Ocakes! Halika na, umalis na tayo dito." Hinila ko siya sa bag niya at kinaladkad paalis do'n sa stall. Sinarado na namin yung parang pang-harang do'n sa stall, rollup 'ata tawag? Basta gawa siya sa metal, yung maingay na ewan, para walang manakaw na gamit sa loob.

"Eugenio, do'n tayo sumakay sa paradahan sa taas." Kinaladkad ko ulit siya.

"Ba't 'di nalang do'n sa toda sa harap?"

"Oh my gahd, sis!" Bulalas ko. "Mahal maningil d'yan! Bibilis pang magmaneho ng mga drayber."

"Ah, gano'n ba." Sagot niya at nagpahila nalang sa'kin. Hawakan ko kaya kamay niya? Isip isip ko.

Nakapunta na kami sa taas, at buti nalang malaki yung tricycle na naabutan namin.

"Sabay na tayo sis." Kalabit ko sa kasama ko. Wala lang, try ko lang para humaba quality time namin.

"Sa'n ka ba nakatira? Baka magkalayo pala tayo." Ay, tignan mo 'to! Gusto nang sumabay! Char.

"Sa Watershed ako nakatira. Yung subdivision. Ikaw ba?"

"Do'n pa ako sa malapit sa may ilog."

"Gaga?" Ang layo! Sayang!

Ngumisi siya at hinampas ang balikat ko, parang nang-aasar. Bosit 'to ah. "Pa'no ba 'yan, 'di pala tayo magkakasabay."

Oo na!

"Mauna ka na nga lang!" Nagtatampo kong sagot. Tiniklop ko ang braso ko at tinalikuran siya. Humalakhak siya at ginulo ang buhok ko. Aba!

"Salamat sa lahat ngayon, Karlo." Tumingin ako sa kanya para murahin sana, pero sumalubong sa'kin ang matamis niyang tingin. May something sa pagtitig niya sa'kin, pero 'di ko masabi kung ano.

Crushback mo na ba ako? Charing!

Sumakay na siya sa tricycle. Panay kaway ako sa kanya bago umandar ang sasakyan at bumiyahe paalis. Sinundan siya ng mga mata ko hanggang sa nawala na siya sa dilim.

Napatingin ako sa kalangitan. Napaka liwanag ng buwan, kitang-kita ko ang mga ulap. Pero walang bituin.

Malalim pa ang iniisip ko nang binusinahan ako ng tricycle sa harap ko. Bastos 'to ah! Napansin ko pa na maliit pa na tricycle ang na-chambahan ko. Malas naman e, dapat talaga sumabay na ako kay Eugenio!

"Sasakay ka na ba, 'nak?" Tanong ni manong, may pagka-majonda na siya. Ay hala, nevermind. Napagsalitaan ko pa ng masama si lolo.

"Opo, manong!" Giit ko at sumakay na. "Do'n po ako sa Watershed. Pero padaan lang po muna sa may likod ng ospital."

"Sa General ba?"

"Opo!" Sumandal na ako sa upuan at inipit ang ulo ko. Susunduin ko muna si Theo do'n kina tita bago umuwi.

I Love You So Matcha [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon