Prologue

3.7K 86 12
                                    

THIS IS ONLY A PREVIEW

YOU CAN READ THE FULL STORY ON DREAME / YUGTO

JUST SEARCH THE TITLE OR MY USERNAME ADICQUEEN09

THANK YOU!

Suot ko ang pinakamaganda, makinang, fit at backless na black dress ko. Ito din ang huling regalo sa akin ng ex-boyfriend ko bago kami maghiwalay dahil sa panloloko niya sa akin.

Habang naglalakad ako papasok sa malaking hotel kung saan gaganapin ang Night Ball Party ng mga sikat na business man, napapansin ko ang mga taong napapalingon sa akin, lalo na ang mga kalalakihan. Alam ko kaagad kung saan sila nakatingin, alam kong sa aking dibdib iyon. Ramdam ko ang pag-alog ng malaki kong dibdib sa aking bawat paghakbang. Sinadya kong hindi takpan ang aking cleavage para sa aking plano. Binalik ko sa aking hand bag ang invitation ng Night Ball Party.

Tumayo ako sa harapan ng elevator at may iilan akong nakasabay na mukhang sa Ball Party din ang punta. Nakita ko ang reflection ko sa pinto ng elevator, kumikinang ang eyelids ko sa aking make-up. Hinawi ko ang kinulot kong buhok at huminga ng malalim nang bumukas ang elevator.

"Kaya ko 'to," bulong ko at naglakad papasok ng elevator.

Nang sumara ang pinto ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung anong mangyayari, kung ano ang magiging reaksyon ni Solomon kung makikita niya ako. May parte sa akin na baka magbago ang isip niya kapag nakita niya ako, baka bumalik siya. Pero sa ngayon, gusto kong gumanti sa kaniya.

"Maganda ba ako?" rinig kong sambit ng babaeng nasa gilid ko.

"Yup, slay Madam!" sabi ng kaniyang kasama.

"Kailangan ko akitin si Garrison, mapapasa-akin din siya ngayong gabi," aniya.

Napabuntong hininga ako, hindi lang pala ako ang desperado sa mundo. Gusto ko na lang i-gaslight ang sarili ko na marami naman siguro akong kapareho ng sitwasyon sa dami ng tao sa mundo. Marami din kaming tanga sa pag-ibig.

Bumukas ang elevator at naglakad ako sa red carpet patungo sa mga tables and chairs. Bigla akong napahinto sa sobrang daming tao, napuno ng ingay ang paligid. Napapikit ako sa silaw nang biglang mag-flash ang mga camera ng photographers. Umiwas ako sa liwanag at agad na lumakad papunta sa sulok.

"Wala naman kasi akong kakilala rito, nasaan kaya ang lalakeng 'yon?" bulong ko sabay libot ng aking paningin.

"Are you looking for someone, stunning lady?" tanong ng isang lalaki na nakasuot ng puting suit, moreno, matangkad at amoy mayaman.

Inabutan niya ako ng isang wine glass, kailangan ko makisama, alam kong hindi ko ito lugar pero kailangan ko umakto ng mayaman.

"Thank you, do you know the guy named Solomon---"

"Solomon? I don't know him, but I heard of him once," aniya at ininom ang hawak nitong wine.

"Uhh---do you know where's the bathroom?" tanong kong muli.

"It's there," tumuro siya, "At the corner."

Ngumiti ako sa kaniya, "Thank you, mauna na ako." Naglakad ako kaagad at iniwan siya.

Bago ako tuluyang makapunta sa banyo ay biglang nahagip ng mga mata ko si Solomon.

"Solomon..." bulong ko.

Tila ba tumalon ang puso ko sa saya kasabay noon ang pagkirot ng puso ko. Isang babae ang yumapos sa braso ni Solomon at nang lumingon sila kung saan ako nakatayo ay napagtanto kong si Krizhel iyon, ang babaeng umagaw kay Solomon.

Mr. CEO's ObsessionWhere stories live. Discover now