𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 17: 𝐄𝐍𝐆𝐀𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐘

9.7K 314 112
                                    

Agad kong itinulak ang babaeng kaharap ko at napahawak agad sa aking tainga. Ano sa tingin nyang ginagawa nya?!

"Hindi mo dapat ginawa 'yon." mahinang sabi ko rito.

"Madame SUNNY!!" lumapit sina Angela sa kanya. Ngiting ngiti ang tatlong nakapalibot sa babae.

Kapatid sya ni Evelyn? Nakakagulat lang dahil parang mas maganda pa ata sya kay Evelyn, hindi ko alam basta pareho sila maganda mukhang nasa dugo na nila yun. Sobrang lakas ng sex appeal nya at mas mukha syang lalakero o pwede rin babaero.

"Babalik nalang ako sa veranda." sabi ko at tumalikod na para maglakad. Magpapalipas nalang ako ng oras doon.

"Ma'am! Saglit lang po!" humabol sa akin ang tatlo.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng maramdaman kong pati ang babaeng 'yon ay nakasunod din sa akin. Paano ba naman ay naririnig ko pa rin ang daldalan nilang apat.

"Babalik din agad ako sa condo ko. Bumisita lang ako rito para makita kayong tatlo." malanding sabi ni Sunnyat narinig ko pa ang hagikhikan ng tatlong babae.

Napatawa na lang ako ng wala sa oras dahil tama nga ako. Wala ata tong sinasanto. Pati rin talaga sa babae malakas to.Mukhang sanay ang isang 'to sa mabubulaklak na salita ah.

"Paano ko ba matitiis ang kagandahan nyo?" parang gusto kong masuka sa mga naririnig ko. Mabuti nalang talaga at hindi ko sila nakikita dahil nauuna akong maglakad sa kanila.

"Madame Sunny naman ehhh- Sino ba ang gusto nyo sa aming tatlo?" kinikilig na tanong ni Emma.

Napatawa naman ako ng wala sa oras sabay awang ng labi dahil hindi makapaniwala na ganun sila tatlo. I mean, type nila tong si Sunny kahit na babae. Oh, talagang una palang ay mga acla na talaga ang trio ko. Gusto ko silang lingunin ngunit pinipigilan ko lang ang sarili kong gawin 'yon dahil baka sabihin nila na interesado rin ako kay Sunny.

"Hmmm, sino nga ba?" nagkaroon ng saglit na katahimikan. Naramdaman ko ang pagtigil nila kaya nagtatakang nilingon ko ang apat. "It'll be unfair if I choose one. The other two would get hurt at ayokong nakakakita ng babaeng nasasaktan ng dahil sakin kaya, can I keep the three of you?" hinawakan ni Sunny mukha ni Emma.Inilapit nito ang kanyang labi sa kaharap.

Pulang pula na ang mukha ni Emma at titig na titig naman sina Angela at Jessa sa tabi nito. Mabigat ang bawat hininga ni Sunny. Bumaba ang mukha nito sa leeg ni Emma ay marahan nya itong dinilaan sa parteng iyon. Napalaki ang mata ko sa ginawa niya. Tili naman ng tili sina Jessa at Angela. Sa ganoong posisyon ay nakita ko ang nakakakilabot na pagtingin sa akin ni Sunny. Napaiwas naman ako ng tingin dito.

"Omg-Madame Sunny! Akin ka nalang!" parang mahihimatay na sabi ni Jessa.

Binitawan naman ni Sunny ang hindi makagalaw na si Emma. Lumapit si Sunny sa isang malaking puting vase na naka-display sa gilid at kumuha ng isang pulang rosas don. Matapos amuyin ay lumapit na ito sa akin. Ano bang pinaggagagawa ng taong ito? Isinabit nya ang rosas sa aking tenga at hinaplos ang aking mukha. Naramdaman ko na namang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan.

"But if Lady Thalia is in choices, I would never think twice on choosing her. After all, I didn't mind women who are older than me cause that actually adds the excitement."

Agad akong tumalikod at mabilis na naglakad palayo sa babaeng iyon. Parang isang beast si Sunny. Hindi ko kakayaning makasama ang ganong klaseng babae.

Nakabalik ako sa veranda. Ipinikit ko ang mata ko. Si Evelyn  na naman ang laman ng isip ko. Naaalala ko na naman yung tagpong binitawan ni Evelyn  ang kamay ko. Akala ko talaga ay natututunan na nya akong mahalin. Mali pa. Maling mali. Bakit ba kasi biglang nagpakita si Selena sa amin? Anong ginagawa nya sa Vegas?

My Dirty Little Whore (UNEDITED)Where stories live. Discover now