Chapter 25

24 4 0
                                    

para akong napako sa kinatatayuan ko nang mag tama ang mga tingin namin, agad akong napaiwas ng tingin nang makita kong tinititigan nya ako

nag titilian ang mga kasama ko samantalang ako ay sobrang kinakabahan, lalo na nang mapansin ang ng mga Galventrego

iha you look so familiar, nag kita naba tayo" lalo akong kinabahan ng lumapit sakin si mam Rylei, nakita ko naman ang pag ka inis sakin nila ellaine, pero diko binigyang pansin dahil kinakabahan ako at talaga namang nasakin ang atensyon ng lahat

h-hindi po" nauutal kong sabi dito, Nakita ko ang pag ngisi ng daddy ni jayrylled kaya mas lalo akong kinabahan

hon i think sa picture mo lang sya nakita" mukang naalala na ng mommy ni jayrylled kung saan nya ako Nakita anlaki ng ngiti nito at medyo nagulat din

tangina sobra akong kinakabahan sa mga nangyayari, gusto ko nalang mag palamon sa lupa ng buhay hindi ko makahinga lalo na't napaka lapit lang sakin ni jayrylled ang taong iniiwasan kong makita

ay grabe si anteh kilala ng boss natin" pang aasar ni Francine sakin

familiar lang baka may kamuka lang ako"bulong ko sakanila para hindi na mag isip ng kung ano ano

maiba ako, ang gwapo ni jayrylled sarap pag lingkuran" bulong ni ally na ikinatuwa naman ni francine, putangina talaga nang dalwang tuh e

natigilan kami sa pag uusap ng bigla akong ipatawa ng manager

valenz ipag luto modaw ng sour pork si jayrylled" napabuntong hininga nalang ako at pumasok na ng kusina

ituro monga sakin ang step nan para sa susunod ako na ang mag luluto para kay baby jayrylled" malanding saad ni ally, tumawa nalang ako ng peke kahit asar na asar nako sa putanginang toh

Habang nag luluto ako ay biglang bumalik ang mga memorya nang nakaraan tangina ansakit padin sabay sabay ang mga sakit na naranasan ko nun, diko napansin na tumulo na pala ang luha ko, pilit kong binalik ang atensyon ko sa niluluto ko pero bigla nalang akong napaso napadaing lang ako pero nagulat ang ng may humablot ng kamay ko na ikinatigil ko

hindi kaba marunong mag ingat" galit na sabi ni jayrylled, naka titig lang ako sakanya at gulat na gulat sa ginawa nya

napatingin ako sa paligid putangina lahat ng kasamahan ko ay nandito sa loob ng kusina at nakatingin sakin, kaya agad kong binawi ang kamay ko

okay lang po ako sir" sabi ko dito at pinatay na ang gas stove.

naramdaman kong lumabas na ng kusina si jayrylled kaya, nakahinga na ako ng maluwag

shock naman sana ako din mapaso" tili ni clay isa sa mga kaibigan ni ellaine

okay kalang?" Agad akong nilapitan ni zack, tumango lang ako sakanya at isinalin na ang niluto ko

Zack ikaw na mag dala dun, nakakahiya pinag gagagawa ko" pinitik nito ang noo ko pero pumayag din naman sya kalaunan

ako ang pinag uusapan ng lahat ngayon, miski sila Francine at ally ay nakisama kala Ellaine para kapag daw may sinabing kung ano sa akin ay masasabunutan nilang agad, mga baliw talaga.

napag pasyahan naming gumala ngayon dahil natapos na ang pinaka una naming work, tuwang tuwa kaming lahat pero syempre yung iba ay mag inggit sakin dahil nga sa nangyari kanina

okay kalang ba" tumango lang ako kay zack nauuna kaming dalwa sa iba naming mga kasama dahil ngayon lang daw sila nakapunta Dito sa moa kaya lahat ng madadaanan namin ay pinupuri talaga nila

gusto nyo pumunta tayo sa river side?" nag kislapan ang mga mata ng kasama ko, sumang ayon silang lahat kaya agad kaming pumunta duon, napaka daming tao ngayon dahil nga sunday

hanep laro tayo dun oh" nag si sunuran kami kay francine ng puntahan nya ang isang laruan kung saan ihahagis mo ang tatlong bola tapos pag na shoot mo yung tatlong bola ng sunod sunod ay makakakuha ka ng staff toy

halos lahat kami ay napalaro kaso ni isa samin ay walang pinalad kaya tawa kami ng tawa

paganto dapat ang shoot yung mala Stephen curry" bumwelo bwelo pa si Ian na kasamahan din namin at binato ang bola

ang galing shoot sa ulo ni ate na nag babantay" sigaw ni zack, tawa kami ng tawa, parang Hindi kami nag babackstaban dahil tropa vibes kami ngayon.

nag si isod sila ng dumating ang isang tropahan din, hindi ko napansin na nasa gitna pala ako kaya medyo natamaan ako sa braso ng kung sino na agad ko namang nilingon

putangina si boss shera" halos matumba sa gulat si kim ng makita ako napaatras din ako ng bigla itong sumigaw, nag si lingunan silang lahat sakin

nag si iwasan din naman agad ng tingnan ko sila, wala nanaman akong galit sakanila marunong naman akong mag patawad kaya nginitian ko silang lahat, na halata namang ikinagulat nila

kamusta kayo" masayang sabi ko sa mga ito, parang gulat na gulat padin, ganun din ang mga kasama ko, pero karamihan sa kababaihan ay tumitili na parang tanga

shera patawadin mona kami" lumuhod pa sa harapan ko si Kris na agad ko namang pinatayo dahil nakaka agaw na kami ng atensyon

tumayo kanga dyan para kang tanga" agad naman itong tumayo, kaya tinawanan ko sya

kelan kapa nandito" tanong ng isa nilang kasama

kahapon pa, andami nyong tanong kuhaan nyo kami nan" tinuro ko ang staff toy na nasa stall, nag tawanan sila at pina atras ako

sino ang mga yan" pabulong na tanong ni ellaine at medyo kinikilig pa gusto ko sanang itanong kung close kami e

kaibigan ko" tumango lang sila sakin, pinanuod ko sila kim na nag lalaro halos naka anim na set na ata sila ng bola at lahat iyon ay sunod sunod nilang na shoot, hangang hanga naman sila Ian dito

nang matapos mag laro ang mga kateam sa basketball ni jayrylled ay nakipag apir ako sa mga ito, inabot nila sakin ang anim na malalaking staff toy na pina hawak ko naman sa mga kasamahan ko

boss shera ingat kayo bisita ka sa campus minsan" tumango ako sa mga ito at nag paalam nadin

napag desisyonan nadin naming umuwi dahil maaga pa kami bukas, kinuha ko ang isang staff toy na bigay sakin ni kim at pinamigay kona din sakanila ang iba, tawa panga kami ng tawa ng ang piniling kulay ni Ian ay  yung pink

three years crush on you (PNI series 1)Where stories live. Discover now