Part 2

407 16 0
                                    

Imee's Pov.

"Ma'am sino pong bababa sa pharmacy?" manong asked

"Ako po, dito na po ba?" Nicky asked

"Oo nineng" sagot ni manong

Tumanyo naman si Nicky saka kinuha yung bag nya.

"Teka, sasamahan kita, di pwedeng ikaw lang mag isa ang pumunta" Saad ko at kinuha yung bag saka tumayo

Hinawakan ko yung kamay nya at sabay kaming bumaba ng bus. Pagkarating namin sa pharmacy ay nagulat ako kasi dumiretso sya sa mga pagkain.

"Huwag masyadong sa sweets Nicky" saad ko at tumingin sya saakin na may nakakalokong ngiti

"Stop looking me with those smiles ha" Saad ko kaya lumapit sya saakin at nag puppy eyes

"3 lang po, Toblerone please" saad nya kaya inirapan ko sya

"Tatlo lang ha" saad ko at tumanyo naman sya saka kumuha ng tatlong tobleron.

Kumuha rin sya ng dalawang chichirya at 12 pcs. na chuckie.

"Tama na yan" saad ko at tumango naman sya

Pumunta na kami sa bilhan ng mga gamot at kumuha na ako ng isang first aid kit, kompleto na toh Para sure

After that ay pumunta na kami sa cashier.

"Ate isang Inhaler nga po at 12 pcs na kremel-S" saad nya

Napatingin naman ako sa kanya saka sya lumingon at kinuha yung kit na dala ko.

"How much po?" she asked

"Bali 1,489 po ma'am" Saad nya

Maglalaba na sana ako ng iabot nya yung card sa babae.

"Nicky ako na" saad ko pero umiling sya

"Go na ate" saad nya kaya wala na akong nagawa, naswipe na eh

After that ay, bumalik na kami sa bus.

"Akala ko beh gamot bibilhin mo?" Hannah asked

Nilabas naman ni Nicky yung isang toblerone saka pinukpok sa noo ni Hannah at binitawan ito.

"Huy!" sigaw ni ma'am ems habang natatawa

"Naneto buti kaibigan kita" saad ni Hannah habang hinihimas yung noo nya

"Let's go na madam mapanakit" saad ko sabay hila kay Nicky papunta sa upuan nya

"ma'am ems dyan kana ha" saad ko at Tumango naman sya

"Nicky mamaya na yan, akin na muna kamay mo" Saad ko nang makitang bubuksan na sana nya yung isang toblerone

Hindi nya ito binitawan pero iniabot nya saakin yung kamay nya.

Una kong kinuha ay yung alcohol Para linisan yung side ng sugat, hindi sa mismong sugat ha.

"M-ma'am dahan dahan ha" saad nya habang nilalagyan ko ng alcohol yung bulak

Bigla namang dumaan sa lubak yung bus dahilan Para matapon yung alcohol sa sugat nya.

"Ah!" sigaw nya at nabitawan nya yung hawak nyang toblerone saka umiyak

"Hallah, sorry" saad ko at binitawan yung alcohol saka sya niyakap

"Ah! Ang hapdi" iyak nyang saad

"Shhh sorry sorry tahan na" Saad ko pero umiiyak parin sya

"Masakit" Saad nya

Ilang minuto ang lumipas hindi ko na narinig yung pag hikbi nya.

"Nakatulog ma'am, nakakatulog po Yan after umiyak" Saad ni Hannah, she knows her best friend very well

"ma'am itaas mo nalang yang anuhan ng kamay Para di kayo mahirapan" saad ni ma'am ems na agad ko namang ginawa

Dahan dahan at maingat kong ginamot yung sugat nya saka ito nilagyan ng malaking bandage, kasi malaki yung sugat nya.

After that at kinuha ko na Yung Chocolate at nilagay sa bag nya.

Napansin ko naman sa bag nya yung picture namin at napangiti naman ako kasi naka keychain ito.

After that ay kinuha ko yung neckpillow ko saka sinuot sa kanya.

Kung nag tataka kayo Bakit may neckpillow ako, gamit ko yan sa room kapag natutulog ako tuwing vacant time.

Moving on, sinandal ko yung ulo nya sa balikat ko at hinayaan syang Matulog.

LorthewWhere stories live. Discover now