Chapter 1

131 4 0
                                    

"Divina, can you fix this report?"

I sighed before nodding at my workmate. Minsan ay naiinis ako sa kaniya kasi halos inaasa nalang talaga niya yung trabaho niya. Wala lang talaga akong magawa kasi alam ko namang hirap din siya.

She muttered her thanks before going back to her seat. I'm already done with my work and I'm going to her work now.

It's still early so I can't go home yet. This is just a simple request and I'm willing to do it for her.

May notes nang nakalagay sa sinend niyang file kaya madali ko na iyong inayos. Wala pang 30 minutes ay naayos ko na ang file kaya pinasa ko na ulit ito sa kaniya.

Nang tingnan ko ang oras ay past 5 pm na kaya inayos ko na rin ang gamit ko para makauwi na. May nag-aantay din kasi sakin sa bahay kaya kailangan ko agad umuwi.

May iilang workmate na rin akong pauwi kaya umalis na rin ako. Nagpaalam muna ako sa iba saka ako tuluyang umalis.

Pasakay na ako sa elevator nang may kung sinong bumangga sa akin. Napadaing ako sa sakit at naiinis na bumaling sa nakabangga.

"I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya" paumanhin nito.

Nang makita ko ang nakabangga sa akin ay hindi ko siya mapigilang titigan.

He's tall, lean... and handsome. I think he's six foot and something. He also looks like the Turkish actor I always watch and I can't help but to admire his looks.

"Done checking me out, Miss?"

Natauhan ako sa sinabi nito at agad akong nag-iwas ng tingin. "I'm just looking, Mister. I want to know who bumped into me"

Instead of answering, he just looked at me for a second and I immediately got tensed. I rolled my eyes at him as I realize that I have nothing to gain from him.

Umalis na ako at narinig ko ang pagtawag nito pero hindi ko na siya pinansin pa. Wala siyang kwentang kausap kaya umalis nalang ako. Buti at hindi naman na siya sumunod pa pagpasok ko ng elevator.

Pagkarating ko sa basement ay dumiretso na ako sa kotse ko saka umalis. Dumaan muna ako sa isang restaurant para bumili ng dinner namin saka ako umuwi.

Hindi na rin naman ako nagtagal sa byahe at nakauwi rin ako agad. Pagbukas ko ng pinto ay agad na sumalubong sa akin ang tumatakbong si Nikko. Sa likod nito ay ang nagbabantay sa kaniya habang wala ako.

"Mommy you're here" he exclaimed.

Agad nitong niyakap ang binti ko at bahagyang tumalon-talon pa. My heart melt when I saw his cute smile.

"How's your day, Nikko?" I asked him.

"It's good, Mommy. Are you going to play with me?" he asked as he look at me with his puppy eyes.

"Mommy will just change first then we'll play, okay?" tumango ito saka muling tumakbo papunta sa sofa. Binigay ko muna ang binili kong pagkain kay Abbi saka nagtungo sa kwarto.

Nagbihis agad ako saka inayos ang mga gamit ko. Hindi naman na ako nagtagal pa kaya pumunta na ako sa sala kung saan naglalaro ang anak ko. Dinaluhan ko siya at pinakita niya agad sa akin ang nilalaro niya.

"Look, Mommy. This is my superhero oh" anito at pinakita sa akin ang laruan niyang si superman.

"Really? Why?"

"Because he helps people and he's good"

Nagpatuloy siya sa pagke-kwento at ako'y tahimik lang na nakikinig sa kaniya. Kalaunan ay umalis na rin ang nagbabantay sa kaniya kaya naiwan na kaming dalawa.

Her Astonish WishOù les histoires vivent. Découvrez maintenant