KABANATA 04: PAGSASANAY

51 11 0
                                    

Nagising si bob sa kanyang pagkakahimatay walang lumabas sa mga bibig nito agaran naman syang inabutan ni Al nang isang malamig na baso nang tubig

Pagtapos nyang uminom ay bigla itong natawa at sinabing

"Ano ba ang nangyare"

"Diko din alam tayo nang matulog at antok lang yata tayong dalawa"
Sagot ni Al sa kanya

"Siguro nga haha"

Sabay akyat ni Al sa higaan nya at natulog silang dalawa na parang walang nangyare nang gabing iyon

Kinaumagahan
Maagang gumising si Al uminom ito nang kape at kumain nang tinapay bilang kanyang almusal

Nagmamadali ito hindi dahil gusto nitong pumasok sa paaralan kundi para puntahan si mang pedro

Agaran nyan pinuntahan ang shop nito
Pagpasok palang nya bumungad na agad sa kanya ang matanda na abalang nagpupunas punas nang kanyang mga ibenebentang mga antigong kagamitan

"Gusto ko pong maging mas malakas pa turuan nyo po ako"
Malakas na sigaw ni Al

"Alam kong matanda nako pero nakakarinig pa naman ako"
Nabingi ang matanda sa sigaw ni Al

"Halika at sumunod ka sakin"
Aya nito paakyat sa hagdaan papunta sa itaas na bahagi nang tindahan

Sa itaas na bahagi matatanaw ang isang malaking espasyo mga bote nang softdrinks na nakaipon sa gilid mga stante na gawa sa kahoy at mga halamang gamot na nakatanim sa magagarang paso

"Umpisahan na natin ang pag aaral mo maging isang Albularyo"
Ngiti nitong sabi kay Al

"Bago ang lahat sana sa susunod na punta mo dito ay di ka na sana lumiban sa iyong pag aaral sa eskwela maari kang magpunta pagtapos nang iyong aralin o kaya naman sa araw na wala kang pasok wag mo pababayaan ang pag aaral mo"
Wika ni mang pedro

Napayuko si Al
"Pasensya napo"

"Okay simulan na natin sa mga halamang gamot"

Sa maghapong iyon ay pinag aralan ni Al ang ibat ibang klase nang halamang gamot mga halamang nakakagaling mga halamang nakakalason at nakakaparalisa

Mas sabik pa sya matuto nang mga ganitong bagay kaysa sa paaralan na kanyang pinapasukan

Pahapon na nang matapos silang mag aral ni mang pedro bago sya umuwi ay sinabitan sya nito nang isang medalya na may ukit nang isang mata sa gitna

"Ang mata sa agimat na yan ang magsasabi sayo para di ka malinlang makikita mo ang mga tao sa paligid mo kung isa ba syang lamang lupa aswang o kahit ano pa syang nilalang magandang panglaban lalo na sa mga kalaban mo na kayang mag bago nang anyo"

"Salamat po"
Sabi ni Al na masayang minamasdan at hinahawakan ang agimat

"Di pa tapos"

Sabay abot kay Al nang isang mahabang latigo na kulay itim

"Buntot pagi yan kung tawagin pag dating sa mga aswang at tiktik mainam na yang gamitin dahil mahaba at mabilis bukod pa don pag nakabisado mo ang pag gamit nyan siguro kaya mong putulin sa gitna sa isang wasiwas lamang ang iyong kalaban"

Masayang inabot ni Al ang latigo

Sa mga nagdaang mga araw sa itaas na bahagi nang tindahan ni mang pedro maririnig ang bawat wasiwas nang latigo ni Al na sa lakas ay kayang dumurog at humiwa nang mga boteng itinayo nito na syang kanyang ginawang target sa kanyang pag sasanay

Animong handa na sya sa pagtatapat nila nang nilalang na may mapulang at nanlilisik na mga mata.

ALBULARYO 2Where stories live. Discover now