KABANATA 07: ANG HATOL

38 8 2
                                    

Pagpapatuloy nang kwento ni sarco

Dahan dahang minulat ni sarco ang mata nya nakagapos sya sa magkabilang kamay ganon din ang mga paa nya di sya makakilos kahit anong gawin nyang pagpupumiglas ay di sya makawala

Wala syang maintindihan sa mga nangyare kagabi lamang kasama nya si lily ngayon pagkagising nya nasa gantong sitwasyon na sya

Isang kiskis nang liwanag mula sa posporo palipat sa mga kandilang nakalagay sa paligid

Sapat na ang liwanag na yun para makita nya ang mga nagtatagong larawan sa dilim

Nakakakilabot na larawan ang natanaw nya ang kanyang ama at ina nakagapos ang parehong kamay sa likuran at nakaluhod

Nakapiring din ang mga mata nito nang itim na tela

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata nang makita ang kalunos lunos na sinapit nang kanyang magulang may mga sugat ang mga ito mula ulo hanggang paanan na tila hinampas nang matalim at matigas na bagay

Maririnig ang mga tunog nang mga paang naglalakad papalapit sa kanila

Isang pamilyar na mukha ang nakita ni sarco

"Pinuno!"
Gulat na sabi ni sarco

"Ako nga"
Mabilis nitong sagot

"Pinuno tulungan nyo kami"
Nagmamaka awa nitong wika

Umiling lamang ito at yumuko na tila wala itong magagawa sa sitwasyon namin

Isang lalaki pa ang nagpakita nakasuot ito nang polo at itim na pantalon may kakaiba din itong kwintas at may nakakabit na panyo sa kanyang ulo

"Ngayon umpisahan na natin ang hatol"
wika nang misteryosong lalaki

"Mahigpit na pinagbabawalan ang sinumang kumain nang tao sinumang gumawa ay paparusahan nang kamatayan ganon din sa kanyang mga magulang kung mayroon man"
Mahinahon na sabi nang pinuno

"Pero wala po ako ginawang masama di po ako kumain nang laman nang tao"
Nagwawalang sabi ni sarco habang pilit na inaalis ang nakagapos na tali sa kanyang mga kamay at paa

"Hayaan mong ikwento ko sayo ang lahat sarco mahabang panahon na ang lumipas mahabang buhay ang tangi kong hinahangad para satin lahi iilang natitirang lahi nang tiktik karamihan satin ay inuubos at pinapatay di natin sila masisi dahil ganon din naman ang gawain natin pumatay at kainin sila pero sa paglipas nang panahon palipat lipat na tirahan nakakasawa nadin ang lahat kaya isang kasunduan ang ginawa sa pagitan nang mga sinaunang tiktik at albularyo na ipagbabawal na ang pagkain at pagpatay sa mga tao sa ganon paraan magiging mapayapa ang bawat panig isang tahimik at payapang buhay di natin kailangan nang tao para mabuhay sapat na ang dugo at karne nang hilaw na hayop"
Mahabang kwento nito

Nakatahimik lamang si sarco na nakikinig

"Naiintindihan mo naba? Malaking kasalanan ang iyong ginawa"
Galit na sabi nang lalaki

"Wala akong ginawa"
Sigaw ni sarco

Kumuha ang lalaki nang isang latigo at hinampas sa kanya lumatay iyon sa kanyang katawan sa sobrang sakit halos mawalan ito nang malay

Bumagsak ang ulo nito mahilo hilo itong  nakatitig lamang sa sahig

Isang alala ang bumalik sa kanyang isipan mga nangyare nang gabing iyon

Kasama nya si lily sa liwanag nang buwan bigla na lamang tumalas ang kanyang mga ngipin namula at nanlisik ang mga mata nito kakaibang init nang katawan ang kanyang naramdaman na tila gutom na gutom ito nang makakita nang masarap na pagkain sa takot ni lily ay tumakbo ito papalayo kay sarco

"Halimaw"
Takot na takot nitong bigkas

Di na napigilan ni sarco at mabilis nya itong hinabol kinagat nito ang ulo ni lily at halos maputol ito patuloy ang pag agos nang dugo sa ulunan nang batang babae

Halos lumuwa ang mata sa pagkakakagat at tuluyan nang bumuwal mabilis nitong kinain ang kawawang bata matapos ang ilang sandali ang natira na lamang dito ay ang isa nitong paanan wasak nadin ang laman loob nito at isang malaking uka sa ulunan

Isang malakas na hampas mula sa ulunan ni sarco ang nagpabagsak sa kanya at pag gising nya ay nasa sitwasyon na nakagapos na sya at handa nang bigyan nang sapat na hatol sa kanyang ginawa

Author's note:
Sorry sa matagal na update busy po sa work buntis po kase si misis kaya kailangan magsipag haha
Salamat :)



ALBULARYO 2Where stories live. Discover now