1

8 0 0
                                    


"Isa pa Cali, matatamaan ka talaga sakin sinasabi ko sayo." Pagbabanta ni Zuko sa kaibigan niyang si Cali.

Inis nitong hinawi ang gamit niya at sinamaan ng tingin si Cali.

"Ang mainitin naman masyado ng ulo mo ngayon, porket nakita mo lang si Aaliyah kanina na may kasama ng iba e." Pangaasar pa nito sa kaibigan niyang kumukulo na ang dugo ngayon sa inis.

"Gusto mo suntukin na talaga kita?" Pagbabanta ulit ni Zuko.

"Hoy, tama na yan. Ikaw Cali tumigil kana rin sa pangaasar mo." Awat ni Saint sa dalawa.

Kagaya ng pangalan niya, santo na santo rin talaga ang ugali nito. Mataas ang pasensya, mapagbigay at madaling magpatawad, bihira mo lang makitaan ng ubod ng kasamaan sa katawan. Kabaliktaran ni Cali na kung mangasar akala mo ay Grandfather ni satanas sa lakas ba naman ng trip.

"Si Cali kasi sinaniban nanaman ni Lucifer, alam ng mainit ulo ko, pinapainit pa lalo." Reklamo ni Zuko at tumabi sa isa pa nilang kaibigan na si Lath. Si Lath ay mabait at kalmado rin nilang kaibigan. Lutang nga lang paminsan.

"Cali, umayos ka rin kasi, lagi ka nalang napapahamak dahil dyan sa ugali mo e."
Pagsasalita ni Knight. Ang pinaka seryoso at strikto sakanilang magkakaibigan. Walang preno ang bibig kapag nang realtalk.

Nagpout naman si Cali at nagkunwaring nagtatampo at tumalikod sakanila.
"Ganyan kayo, ganyan talaga kayo. Pinagtutulungan niyo lang ako. Kawawa naman ako nito, saan ako pupulutin. Saan ako kukuha ng lakas ng loob para ipaglaban ang sarili ko, hays kawawa ko naman." Sambit nito at may pabuntong hininga pang nalalaman.

"Ulol drama mo." Singit ni Sean, kambal ni Lath na ngayon ay kakapasok pa lang sa kwarto at nadatnan ang page-emote ni Cali.

Lumapit ito kay Cali at pabirong dinakma ang bibig nitong nakapout. "Tarantado ka Sean ang sakit nun!" Reklamo ni Cali na ngayon ay nakahawak na sakanyang bibig dahil sa sakit nang pagkadakma ni Sean dito.

Nagsitawanan ang mga kaibigan nilang nakakita sa eksenang yon. Dahil kung si Cali ay grandfather ni satanas, ito naman si Sean ay kinakatakutan na mismo ni satanas sa sobrang lakas ba naman ng trip mang asar at mang inis. Pati si Cali tiklop. Hindi mo aakalain na magkapatid sila ni Lath, dahil sa sobrang pagkaiba ng ugali nilang dalawa.

"Salamat Sean kanina kopa gustong ganyanin yan si Cali e." Sambit ni Zuko na ngayon ay maluha luha na sa tawa.

Lumapit naman si Cali kay Sean at akmang sasakalin sana ito ng pabiro ngunit tumigil nalang siya, hindi niya nga pala abot. Mas matangkad e.

Inabutan naman ng ice pack ni Sean si Cali at tawang tawang hinawakan ito sa balikat.
"Ayan pout pa, para kang bibe e. Diko tuloy napigilan dakmain ng palad ko."

Siniko naman siya ni Cali at pinakyuhan.
"Grabe tropa ko ba talaga kayo, bat niyo ko pinagtutulungan? Sabi ko na nga ba e kinaibigan niyo lang ako para may pogi sa tropahan nato."

-

Binaba ni Zuko ang kanyang pana at umupo sa bakanteng upuan. Bumuntong hininga ito at naalala muli ang nakita niya nung nakaraan araw. Si Aaliyah ang kanyang dating kasintahan, ang kaniyang iniisip ngayon.

"Ayaw mo na mag practice?" Tanong ni Saint.

"Pahinga muna." Tumango naman si Saint kay Zuko at bumalik na sa pagpra-praktis kasama ang mga kaibigan nila. Ito ang nakagilingan nilang laruin magkakaibigan tuwing sila ay may bakanteng oras.

Sa isip naman ni Zuko ay hindi pa rin siya makapaniwala na may bago na ito.
Aaliyah is his first love, and first love is difficult to forget and replace. Lalo na kung ikaw pa ang pinaka nagmahal ng sobrang sainyo.

Lumabas ito saglit at iniwan muna ang kanyang tropa para tumungo sa bilihan ng mga pagkain, gusto niyang idistract ang sarili niya mula sa pagiisip kay Aaliyah pero kahit mismo ang archery na hobby niya ay hindi makatulong sa isipin niya ngayon.

Pagdating niya sa food court ay sakto andun pa ang paborito niyang egg sandwich na lagi niyang binibili tuwing pumupunta sila dito, nagiisa nalang ito kaya dinalian niyang kunin, ngunit bago pa niya pa makuha ay may sumingit rin at nakiagaw.

"Hoy ako ang nauna." Ani niya sa babaeng naka salamin.

"Hindi porket ikaw ang nauna, magiging sayo na." Palaban nitong sambit kay Zuko.

Medyo nagulat si Zuko dahil natamaan siya sa mga sinabi nito, pero hindi siya magpapa-apekto dahil aangkinin niya talag ang egg sandwich, kahit ano pa ang mangyari. "Hindi uso sakin ladies first." Sambit ni Zuko at malakas na hinablot ang sandwich egg.

"Competitive ako kahit sa pagkain." Pahabol pa ni Zuko bago tumalikod sa babaeng nakasalamin.

Bago siya tuluyan maka alis ay narinig niya itong may binulalas
"Aish! Ano ba yan, yun na lang kaya ng budget ko. Mahal mahal ng mga pagkain dito." Bulong ng babae pero sakto lang para marinig siya ni Zuko.

Nakaramdam naman ng awa si Zuko kaya nilingon niya ito. "Akin lang tong egg sandwich, kumuha ka nalang ng ibang pagkain, libre kona." Tugon nito sa babae.

Nanlaki saglit ang mata ng babae sa pagkagulat pero agad rin itong napalitan ng tuwa.
"Kahit ano?" Paninigurado ng babae.

"Oo kahit ano."

"Sure?"

"Oo nga."

Ngumite ang babae at kumuha nang tatlong iba't ibang uri ng tinapay at hindi pa ito natapos bumili pa ng isang sprite at dalawang chichirya na may kasama pang tatlong tsokolate.

Pinagmasdan lang siya ni Zuko na may pagmamangha sa mukha, at sakanyang isip isipan ay  'Gutom na gutom nga tong babae nato.' nalang ang kanyang nasambit.

"Ito na lahat." Sambit nung babae kay Zuko at pinakita lahat ng pinamili nya.

"Tara na sa cashier." Sumunod naman ang babae at nilahad sa counter ang mga pinamili niya.

"Takaw mo naman." Pabirong sambit ni Zuko.

Inirapan siya nito bago sumagot
"Paminsan lang makaranas ng libre kaya susulitin kona tsaka sabi nga nila diba pag nasa public ka wag kang mahiya lalo na pag hindi mo kilala yung isang tao kasi 99 percent hindi mo na sila makakasalamuha muli."

"Eh paano naman yung 1 percent." Sambit ni Zuko.

"Kung ganoon, isa lang ibig sabihin nun maaaring meant to be kayo." Kumikinang kinang ang mata ng babae habang sinasambit niya ang mga katagang yun.

"Kaka-romance book mo yan." Pambabara ni Zuko. At hindi mapigilan hindi matawa ng sinimangutan siya ng babae.

"Problema niyo sa mga mahilig sa romance, totoo naman talagang nangyayari din yun sa totoong buhay ah."

"Ewan, para sa akin iba ang fictional sa totoong buhay. Love isn't always rainbows and sunshine." Sambit ni Zuko at inabot ang bayad sa cashier.

"Ay nagmahal ka ng hindi ka trinato ng tama no?"

Sinimangutan ni Zuko ang babae at inirapan.

"Ang talas nang dila mo, kanina kapa. Hugutan kaya kita ng hininga."

Tumawa naman ang babae at sinuntok ng mahina ang braso ni Zuko.

"Luh, makasuntok feeling close." Ani ni Zuko sakanyang utak.

"Saya mo naman, oh ito na mga pagkain mo. Lumayas kana sa harapan ko, bago ko pa totohanin yung sinabi ko." Sambit ni Zuko at inabot na sa babae ang plastic nito na naglalaman ng pagkain.

"Salamat, Zaira nga pala." Sambit nung babae bago umalis.

"Hindi ko tinanong." Sagot ni Zuko at tumalikod akmang aalis na sana pero humarap ulit siya at sumigaw para marinig siya ng babaeng nakasalamin na ngayon ay medyo nasa kalayuan na.

"Zuko. Ako si Zuko."

SIYAM (werewolf series)Where stories live. Discover now