Chapter 44: Conspiracy

1.4K 25 4
                                    

Natahimik ang lahat ng mga nasa Watch Tower habang pinapanood ang nagyayari sa isang screen na nakafocus sa kalahok na si Shia Sheridan. Hindi mapigilan na magtinginan ng iba. Some of them are impassive, walang pakialam. Tila sanay na nakikita ang pagpapaalam sa loob ng arena. Pero may iba na umiwas ng tingin at tahimik na bumuntong hininga.

Madami silang hindi inasahang nangyari sa larong ito. This year's Linus Cup has the most interesting set of finalist and turn of events for the last ten years. Subalit maliban doon ay may isa pang dahilan kung bakit biglang natahimik ang mga pinaka importanteng pamilya at opisyal ng mga bayan. Isang hindi inaasahang impormasyon ang nalaman.

"Anong ibig sabihin nito?"

Napatayo sa kinauupuan si Mrs. Stanford. Nananatili ang tingin niya sa screen ng kanyang anak, kalmado ang kanyang bawat galaw. Subalit nag iba na ang tono ng kanyang boses. Hindi makapaniwala. Pagkalito. Galit. Sa loob ng mga nakalipas na araw, halos hindi na niya kayang panoorin ang nangyayaring labanan. Sa loob ng dalawang araw ay nagkasakit siya at nanatili sa kanyang kwarto sa loob ng Linus Building.

Hindi niya kayang panoorin ang kanyang anak, na matagal niyang hinanap, na nakikipaglaban para mabuhay. Lalo na noong nalaman niya ang kanyang plano. Hindi niya matangap.

Alam niya na may pagkukulang siya bilang Ina. Wala siya sa tabi ni Shia ng halos buong buhay niya. Estranghero sila sa bawat isa. Hindi siya magtataka na hindi sila ang piliin ng kanyang sariling anak. Pamilya sila sa dugo. Pero nagkaroon siya ng ibang pamilya na nakasama niya sa paglaki, na naging sandalan niya, at bumuo sa pagkatao niya.

Hindi niya ito gustong tangapin pero alam niyang wala siyang magagawa. Ang anak niya ay may itinuturing na pamilya at hindi sila. Ito na siguro

ang isa sa pinakamasakit na pwedeng maramdaman niya bilang isang magulang. Her daughter grew up brave, selfless, beautiful, and strong. Mga bagay na hindi niya kayang ibigay sa anak, mga bagay na hindi maibibigay ng kahit anong yaman nila. Pero ngayon, sa lahat ng narinig niya mula sa loob ng arena, may isang bagay ang tumatak sa kanya. Ang nakaraan ng kanyang anak na hindi niya kailanman nalaman.

"Tell me what's happening!" she demanded.

Napatingin sa kanya ang mga tao sa Watch Tower. Sa mga sumunod na araw pinilit niyang maging kalmado habang pinapanood ang kanyang sariling anak na halos mamatay sa loob ng arena. Pero hindi ngayon. Hindi matapos ang lahat ng kanyang nalaman. Humarap siya sa direction kung saan nakaupo ang mga opisyal mula sa bayan ng Boran.

"Arturo Cornelius." mariin na sinabi nito.

Hinawakan siya ng kanyang asawa para pakalmahin. "Selene."

Humarap si Mrs. Stanford sa kanyang asawa. "Edward, thirteen years ago pumunta tayo sa bayan ng Boran para ipaalam ang pagkawala ng ating anak umaasa na matutulungan nila tayo- ng kaibigan mo."

Muli siyang humarap sa Headmaster ng Boran na nakatitig lamang sa kanilang mag asawa. "We seek their help to find Jane. Sinabi nila na gagawin nila ang lahat. Pinahanap nila, pinaalam nila sa buong bayan, they distributed notice and announcements. Pero walang nangyari. Tapos maririnig ko ito ngayon pagkatapos ng madaming taon. Sa Boran natagpuan ang anak natin!"

"Calm down."

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ng kaibigan ng anak mo?" She cut her husband. "Sinubukan ng mga kumupkop sa kanya na ipagtanong siya sa buong bayan. Kung totoong gumawa ng paraan si Arturo para ipaalam ang pakiusap natin, they would have known. Malalaman ng buong bayan na may nawawalang tagapagmana mula sa Hesperia."

Natahimik ang mga tao sa loob ng Watch Tower. Nawala ang pagiging kalmado ng lahat. A few gasp of surprise and whispered conversations were heard. Tila ngayon lamang naging malinaw sa kanila kung bakit ganoon nalang tutukan ng pamilya Stanford ang kalahok na si Shia Sheridan.

Titan Academy of Special AbilitiesWhere stories live. Discover now