" MAGKANO "

4 0 0
                                    

Ni minsan hindi ako naging desperada na kunin ang atensiyon ng lahat ng tao
Ni ang maging desperada na makuha ang atensiyon mo.
Ang tanging hinihingi ko lang ay ang respeto mo
Nais ko lang na irespeto mo kung ano at kung sino ako

Alam kong mahirap intindihin ang isang tulad ko.
Pero mahirap bang respetuhin ang isang tulad ko na walang ibang ginawa kundi manatili sa tabi mo?
Mahirap bang tratuhin ako bilang ako at hindi bilang isang aso.

Maaari ngang naging sunod-sunuran ako
Iyon ay dahil hawak mo ako sa leeg ko
Ngayong nakakalas na ako
Maaari bang ibigay na sa akin ang hinihiling ko?

Ibigay sa akin ang bagay na ni minsan hindi ko nadama sa loob ng ilang taong pananatili sa tabi mo.
Kahit ika'y magsawa sa mga naririnig mo
Hindi parin ako titigil na isigaw ang kalayaan na dapat sa loob ilang taon ay matagal nang nakamtan ng nag-iisang ako

Kung nabibili lang ang respeto
Magkano?
Sabihin mo kung magkano.
Handa akong magbayad kapalit ng pagtratong nararapat para sa isang tulad ko.

-Binibining Benits
(JULY 27, 2022( WED))

PIYESAWhere stories live. Discover now