Ilusyon

8 0 0
                                    

"Happy birthdayyy Daddyyy!!" Pag bati sa akin ng asawa't anak ko

"Nako, maraming salamat, mahal na mahal n'yo talaga ako" nakangiting saad ko habang niyayakap sila isa isa.

"Happy Birthday to You
Happy Birthday to You
Happy Birthday Dear Dos
Happy Birthday to You..."

Pagkanta ng mga anak ko kasabay ng pag abot sa akin ng hugis bilog na cake at mayroong tatlong kandila sa ibabaw.

"Daddy blow your candle na, then make a wish po!" Saad ng panganay kong anak habang binibigay sa akin ang puting papel na may liham ng kaniyang pagbati.

Napatingin naman ako sa pintuan ng aking kwarto at bumingad dito ang nurse ko.

"Oh Iyah? anong kailangan mo? Tanong ko.

"E-ehh, Sir. Pumunta po ako rito kase narinig ko kayong nagsasalita mag isa at mukhang may kinakausap." Saad ni Iyah na may pagtataka sa kaniyang mukha.

Biglang kumunit ang noo ko.

"Anong mag isa, Iyah? hindi mo ba narinig kumanta ang mga anak ko? Hindi mo ba narinig pati ang pagbati nila sa akin ng paulit ulit?"

Muling napailing si Iyah dahil sa mga sinabi ko at ka agad lumapit sa akin.



"Sir Dos. Tanggapin nyo na po na matagal na silang wala. Alam kong mahirap ito ngunit kailangan." Saad nito


"Inom na po kayo ng gamot, Sir" sabay abot sa akin ng puting tabletas kasabay ang tubig sa kabila niyang kamay.



Kaagad kong ininom ang ibinigay niya sa akin, lumingon ako sa pwesto ng lamesa na puro handa at tama nga si Iyah. Walang tao rito kung hindi ako lamang.



"Happy Birthday, Sir Dos!"....

KaarawanWhere stories live. Discover now