Chapter 1: Yesterday once more

46 2 0
                                    

"Dana, kanina pa naghihintay sayo si Maki!"mula sa baba ay tawag sa akin ni Mama.

"Saglit lang po, Ma" sagot ko habang nagpahid ng kaunting lipstick sa labi. Hinayaan ko na lang nakalugay ang buhok ko na halos abot sa bewang ang haba at natural ang pagkakakulot sa dulo. Madali akong nag-spray ng pabango sa leeg at pulsuhan saka nagmamadaling bumaba. It's our Seniors night and Maki volunteered to be my escort to my hearts delight.

Napatulala si Maki ng masilayan ako. I'm wearing a fitted bodice light pink ballgown. Napapalamutian ito ng Swarovski mula sa bra cups hanggang bewang at panaka naka hanggang sa laylayan.

Mark Adrian Montecillo or Maki sa aming magka-kaibigan, ang aking bestfriend at lihim kong minamahal. Matangkad ito sa edad na 17. Makakapal ang mga kilay at pangahan at mukha na nagbibigay ng supladong aura nito. And he looks so damn sexy in his Giorgio Armani black tuxedo.

"Naks, ang ganda natin ah", nakangising sabi ni Maki ng makalapit ako.

"Matagal na", paingos kong sagot rito.

"Mahangin", natatawang wika niya.

"If I know, nabighani ka na sa akin" ganting panunukso ko. Silently wishing that he really did finds me attractive. Ngunit nalaglag ang balikat ko sa sagot nito.

"In your dreams Dana. You're not my type. Umalis na tayo at baka mahuli pa tayo sa ball." wika nito sabay hila sa kamay ko pasakay sa midnight blue Audi R8 nakaparada sa harap ng bahay.

Nakakaantok ang katahimikan. Ayoko naman abalahin si Maki sa pagdrive.

I rested my head and closed my eyes. Naalimpungatan ako when I felt something brushed my lips. It was soft and sweet. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at nilingon si Maki who looked liked a boy got caught doing something naughty. Napakunot ako ng noo. Ano na naman kaya ang ginawa nito.

"Nakatulog pala ako." wika ko sa pagitan ng paghikab.

"Kararating lang natin, kakaiba ka talaga Dana, masandal tulog. May muta ka pa oh!"

Dali-dali kong tiningnan ang sarili sa rear view mirror at hinampas ito sa braso ng marinig ang paimpit na pagtawa nito.

"Wala naman e. Ikaw Maki, hindi ka na nakakatuwa" nakasimangot kong sambit habang akmang bubuksan ang kotse.

"Sarap mo kasing asarin. Natatawa pa ito sa pagsagot. "Wait, I'll open the door for you." umikot ito sa kabilang bahagi ng kotse at inalalayan ako sa pagbaba.

"Tsss, gentleman huh?!" panunuya ko.

"Ako na lang ang bodyguard mo." mahina nitong sabi.

"Anong sabi mo?" Natigilan ako sa narinig. Did I heard him right?

"Wala po mahal na prinsesa. Maganda ka sana, bingi naman." sabi nito at humakbang palayo.

Forever in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon