Chapter 19: Vow to forever

27 0 0
                                    

It was a perfect weather for a beach wedding. Tila nagkulay kahel ang langit dulot ng sunset. Payapa din ang dagat at mabini ang alon na humahampas sa dalampasigan.

Iba't ibang kulay ng tulips ang nakapalamuti sa gilid na nagsilbing aisle while the sand is covered with carpet na siyang lalakaran ng bride papuntang makeshift altar. Ang mga upuan ay nababalutan ng puting tela na may royal blue ribbon na siyang mottif ng kasal.

It was a simple wedding na dinaluhan ng pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Tumugtog ang pianist hudyat ng pagsisimula ng kasal.

Sabay na lumakad si Allyson at Lj who were both all smiles habang isinasaboy ang petals ng tulips sa carpet. They're wearing a royal blue gown na dinisenyo ng bago pa lang nakikilalang designer na si Ysabella Kei.

Sumunod na lumakad si Jacob as a ring bearer. At a young age, he looks dashing wearing a barong Tagalog made of finest Pina cloth.

Mga kilalang tao sa Baao at Legazpi ang sumunod na lumakad as principal sponsors.

Sumunod na lumakad si Phoebe as bridesmaid, ito ang bunso sa tatlong magkakapatid. She's wearing a trumpet style sleeveless chiffon royal blue dress and her hair is tied in a messy bun.

Pumailanlang ang isang kanta ng mag-umpisang lumakad ang bride. Nasa magkabilang bisig nito si Dana at Jay na siyang maghahatid sa bride patungo ng altar.

I can only give you love that lasts forever.
And a promise to be near each time you call.
And the only heart I own for you, and you alone.
That's all, that's all.

Nakangiti ang lahat habang pinapanood ang bride sa paglalakad palapit sa groom. Hindi lingid sa kaalaman ng mga ito ang pagsubok na pinagdaanan ng pagmamahalan nila Josefina at Gilbert.

Ang pagmamahalan ng mga ito ay tinutulan ng panahon. Ipinagkasundo si Josefina sa ibang lalake na siyang ama nila Dana habang si Gilbert naman ay nakapangasawa ng taga ibang bayan. Sa muling pagkikita ay nabigyan ng pagkakataon upang ituloy ang naputol na pag-ibig. Biyudo na si Gilbert habang si Josefina ay hiwalay na sa asawa. Tulad ng kasabihan, sa hinaba haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

"Take care of my mom, Dad." nakangiting wika ni Dana kay Gilbert ng makalapit. Nakatayo sa tabi nito si Adrian James bilang bestman.

"Thank you. I promise to love her and to make her happy everyday." maluha-luhang sagot ni Gilbert.

Jay gave Gilbert a firm handshake pagkatapos iabot rito ang kamay ng ina. Then the groom led the bride palapit sa altar.

The priest started the wedding ceremony.

We are all gathered here to witness the union of Gilbert and Josefina...

Maikli lang ang seremonyas. The wedding vow was the highlight of the ceremony. Josefina was teary eyed ng magpahayag ng pangako ng pag-ibig si Gilbert habang isinusuot ang singsing.

I now pronounced you, husband and wife. You may now kiss the bride.

Masigabong palakpakan ang pumuno sa paligid ng itinaas ng groom ang veil ng bride at hinalikan ito sa labi.

Lumapit si Dana sa ina at mahigpit na yinakap ito.

"I'm so happy for you Ma! Finally, you're married with the one you truly love."

"Thank you darling." maluha-luhang sagot nito.

Pagkatapos magkuhanan ng litrato ay dumiretso na ang mga ito sa reception.

Naupo ang mga bagong kasal sa lamesang nakalaan sa mga ito.

Ang paligid ay naiilawan ng mga kandila sa baso at nakapaloob sa mga kawayan. May mga munting dilaw na ilaw na tila alitaptap na nakapalibot sa mga halaman at nakalawit sa mga coconut tree.

Pagkatapos ng hapunan ay inanyayahan ang bagong kasal upang magsayaw. Their first dance as husband and wife.

Masayang pinagmamasdan ni Dana ang mga magulang. Naiwan siya sa lamesa ng magpaalam si Adie upang magpunta sa restroom. While Jacob is playing with his cousins and Allyson sa buhanginan. Sa kabilang mesa naman nakaupo si Kuya Jay with her wife Ate Leigh.

Maya maya pa'y sumunod ang iba pang bisita at sumayaw sa saliw ng malamyos na musika.

"May I have this dance?"

Forever in TimeWhere stories live. Discover now