Kabanata 6

2.5K 93 2
                                    

Kinabukasan maaga ako gumising para sa mga gawain na gagawin ko. Usually maaga talaga ako nagigising at ganun din ang iba dahil maaga palang naghahanda na kami para sa mga kanya-kanya naming trabaho.  Some of them is maagang pumupunta sa gubat para manghuli ng mga baboy ramo at mamingwit, habang ang iba ay sa farm pumupunta para magtanin ng mga bagong gulay at prutas o kaya nag-aani ng mga tanim. Meron din na pumupunta sa malalaking bayan para ibenta ang mga naaning gulay at prutas.

Yung mga natitira naman dito sa village ay bayanihang naglilinis ng kapaligiran at ginagawa ang kanilang obligasyon bilang asawa at ina o ama.  Kadalasan mga kababaehan ang natitira dito sa village namin, pero may mga ilang lalaki pa rin ang nananatili dito para kung ano man ang mangyari ay may mga lalaking magtatanggol sa kanila.

Habang ako, ang gawain ko lang dito ay ang magluto ng almusal, tanghalian at hapunan namin. Minsan naglilinis din ako ng bahay pero si mama minsan hindi ako hinahayaan na maglinis dahil gusto niya siya ang gumawa non para may magawa daw siya. Gusto niya kasi may ginagawa siya lagi para daw nakakapag-exercise siya.

Pagbaba ko ng hagdan dumeretso na agad ako sa kusina para makapagsimula ng magluto ng almusal.  Habang abala ako sa pagluluto biglang pumasok si mama.

"Good morning ma" bati ko sakanya


"Good morning anak" bati niya pabalik at mukhang inaantok pa siya   "Anak, dagdagan mo ang lulutuin mong almusal ha at saka sarapan mo"


"Bakit po?" Takang tanong ko


"Para hindi nakakahiya sa dalawang prinsipe at sa General"

Natigil ako sa paghahalo sa sinangag na niluluto ko at napatingin kay mama.


"Andito pa sila?"


"Oo, dito sila natulog kagabi. Hindi naman kasi pwedeng maglakbay sila sa kalagitnaan ng gabi, delekado. Kaya dito ko na sila pinatulog"


"Saan po sila natulog?"  Tanong ko at tinuloy na ang pagluluto


"Ang dalawang prinsipe sa kwarto mo, habang ang General at ang iba pa nilang kasama ay sa guest house natulog. Mabuti nga at nagkasya sila doon"


"E kayo po? Saan kayo natulog?"



"Sa bahay nila aleng Mara"


Ibig sabihin iniwan nila ako kasama ang dalawang prinsipe? Seryoso? 


"Bakit hindi niyo sinabi?"



"Pagod ka na at ayaw ka namin istorbohin"



Tumango nalang ako at hinayaan nalang sila sa gusto nilang desesyon. Pagkatapos ko magluto ng almusal ay agad ko hinain 'yon sa lamesa. Nagtimpla din ako ng kape at nilagay sa isang pitsel if ever gusto nila. Nagluto ako ng sinangag, fried egg, and fried fish, perfect for breakfast.



"Ma, Pa breakfast is ready!!"  Sigaw ko kila mama na nasa sala habang inaayos ang mga pinggan at kubyertos.



"Mukhang masarap 'yan anak ha" sabi ni papa na unang pumasok



"Naku pa, wag mo na ako bolahin" 




"Ito naman, nagsasabi lang naman ako ng totoo"



"Pa, araw-araw ako ang nagluluto ng breakfast, lunch and dinner natin at lagi mo nalang 'yan sinasabi"



" Ikaw talaga" natatawang sabi ni papa habang ginugulo ang buhok ko



" Pa naman, hindi pa nga ako nakakapagsuklay mas ginulo mo pa ang buhok ko" reklamo ko kay papa habang inaayos ang buhok ko pero tinawanan niya lang ako



The Gangster PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora