Kabanata 9

2.1K 85 1
                                    

*Flashback*

Inaayos ko ang mga dadalhin ko para sa paglalakbay namin, first of course my clothes, books and the most important, food. Wait! Bago ko makalimutan, ang pinakamahalaga sa lahat, weapon.  Since wala pa akong sword, knife nalang muna ang gagamitin ko for self defense.  Kaso saan ako kukuha ng kutsilyo? Hindi naman pwede dalhin yung sa kusina.


So pumunta ako sa kwarto ni papa kung saan abala siya sa pag-aayos din ng mga gamit niya.


"Pa!" Tawag ko sakanya


"Yes anak?"


"May extra knife ka?"


Napatingin siya sa 'kin


"Para saan?"


"For self defense pa, since wala pa akong sword"


"Hindi mo naman kailangan magdala ng kutsilyo"


"E paano ko po kayo mapoprotektahan kung wala po akong weapon? E 'di wala din palang kwenta kung sasama ako" nakangusong sabi ko


"Kaya ko naman protektahan ang sarili ko at poprotektahan din kita"


"Hindi mo nga naprotektahan ang sarili niyo kahapon sa mga tulisan, sa mga mababangis pa kayang hayop?"


Hindi nakapagsalita si papa


" Dali na kasi pa! Promise hanggat walang nangyayari hindi ko ilalabas 'yon"


Bumuntong-hininga siya


" O'sha! Sige na! Sa tambakan ng mga gamit madaming kutsilyo doon"



" Thank you pa!!"  Natutuwang sabi ko at nag-teleport na papunta sa tambakan ng gamit.



It's a room kung saan nakalagay ang mga gamit na hindi na ginagamit, karamihan na nandito ay mga gamit sa pagtatanim at mga sirang karwahe. May mga armas din dito pero mga sira na, kung hindi mga bali mga kinakalawang na.

Nagpunta ako sa isang shelf kung saan mga nakahilira doon ang mga espada, mga ilang pirasong pana at mga kutsilyo.  Naghanap ako ng maayos pa na kutsilyo at yung magagamit ko pa.  Habang tinitignan ko ang mga kutsilyo na nandoon may napansin akong isang kutsilyo. It's an unusual knife, ang ganda niya. Silver yung hawakan niya. Dahil curious ako kinuha ko 'yon at tinignan.  Medyo okay pa siya, medyo matalim pa at parang bago lang. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang maliit na symbol sa hawakan.


Is this a flower? Uh-No...


Sa unang tingin aakalain mo na bulaklak 'yon but it's not...it's a three leaf clover. It looks familiar, I think I saw it somewhere.

Habang tinititigan ko ang symbol bigla kong naalala yung kutsilyong kinuha ko don sa lalaking nakahuli sa 'kin habang nagtatago ako sa may basurahan. 

Okay! I remember it! Pero paano 'to napunta dito? No, the right question is bakit pareho ng symbol ang kutsilyo na 'to at yung kutsilyong nakuha ko don sa tulisan? Iisa lang ang may-ari? Iisa lang ang may gawa o iisa lang ang pinanggalingan ng kutsilyong 'to?


Nag-teleport ulit ako papunta sa kwarto ni papa at tapos na siya mag-ayos ng gamit.


"Pa"


"Oh, nakakita ka na?"


"Uhm..pa, may tanong lang ako"


"Ano 'yon?"



"Saan galing ang kutsilyo na 'to?" Tanong ko at pinakita sakanya yung kutsilyo. Kinuha naman niya 'yon at pinagmasdan.


"Ah...ito yung kutsilyo na nakabaon sa tagiliran ni pareng Aton, naalala mo nong last week kung kailan sila biglang sinugod ng mga tulisan? Hay! Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang  wala na siya, napakabait pa naman non at masiyahin" nalulungkot na sabi ni papa


" Hm.."


" Bakit mo pala natanong? Ito ba ang gusto mo? Maganda at mukhang matalim pa, pwede mo ng pagtiyagaan 'yan"


" Opo"


" Hayaan mo, ibibili kita sa city ng clover kingdom"



" Clover kingdom?"



" Oo, doon tayo pupunta"



Clover? I see...


" Uhm... Sige po, Uhm...itutuloy ko na po ang pag-aayos ng gamit"



" Sige, dalian mo at maya-maya lang ay aalis na tayo"


Nag-teleport ulit ako pero hindi sa kwarto ko, nag-teleport ako sa lugar kung saan ko hinulog yung katawan nong leader ng tulisan at kung saan ko tinapon ang kutsilyo na ginamit ko.  Pagdating ko doon, bumungad sa 'kin ang katawan nong tulisan na nilalangaw na at pinagpipyestahan nong mga insekto. Hindi ko na sila inistorbo at hinanap nalang yung kutsilyo.

Halos abutin ako ng kalahating oras bago ko nakita yung kutsilyo. Nakita ko 'yon sa damuhan, pinulot ko 'yon at tinignan agad ang hawakan non. And I'm right, it's a three leaf clover same with the knife I saw earlier. Pinagkumpara ko pa 'yon para sigurado and it's exactly the same.

So, magkaiba ang may-ari ng kutsilyong 'to pero galing sila sa iisang grupo lang? Ang pumatay kila manong Aton at ang sumugod dito kahapon ay iisang grupo lang? Pero ang tanong, kung gusto nila kaming patayin bakit sila may kasamang bihag? What's thier purpose? And coincidence lang ba na prinsipe ng clover kingdom si prince Zyke and Prince Ryne?


"Scarlet, bakit ang tagal mo?"  Tanong ni papa


"Sorry po, may inasikaso lang ako saglit"


"Hay naku! Hali ka na at nakakahiya kay prinsipe Zyke"


"Sige po"




Habang pa-pasok kami ng gate ng kaharian napatingin ako sa taas kung saan nakalagay doon ang symbol ng clover. It's a three leaf clover.



I see...





The Gangster PrincessWhere stories live. Discover now