Sakay nang kabayo,tumungo si Katrina sa madalas niyang tambayan sa hacienda. Ang batis.

Tagong lugar iyon at siya lang ang nakakaalam.
Walang sinuman ang nagagawi room bukod sa masukal na,ay ipinagbabawal pa.

Umupo siya sa isa sa mga ugat ng punong kahoy,at saka dinama ang malamig na simoy ng hangin. Napakapresko. Napakabanayad nang  agos nang tubig.

Itinali niya muna si thunder saka kinuha ang mga gamit niya na itinago niya sa isa sa mga ugat ng punong kahoy.

Isa itong pana at sibat. Walang sinuman ang mag-iisip na ang mahinhin na si Katrina ay magaling pala sa larangan ng archery.

Ito ang isa sa mga hobby niya. Pampalipas oras kumbaga. Isa rin ito sa mga stress reliever niya.
Hindi ito alam ng mga magulang niya dahil alam niyang tututulan lang siya ng mga ito.

Muling bumalik sa isipan niya ang nangyari kanina lamang.

A week from now you'll get married.

Nakakapangilabot ang kaisipang iyon. Dahil alam niya sa sarili niya na sa oras na makasal siya. Wala na siyang kawala pa. Habam-buhay na siyang nakatali. Habang-buhay na siyang makukulong sa kalungkutang matagal na niyang kinasasadlakan.

Kung sino man ang mapangasawa niya hiling niya lang na sana ay maging gentle ito sa kanya kahit papaano.

If she'll get married,she'll try her best to worked their marriage.

DoomedWhere stories live. Discover now