C H A P T E R: 10🤯

THIRD PERSON P.O.V


MALUNGKOT na napasulyap si Drape sa litrato ng kaniyang kaibigan. Matagal tagal na kasi ang panahon na hindi niya nasisilayan ang sa imapkto nitong ugali.

As a friend at isang mabuting tao. Hindi na talaga mawala ang kaniyang pag-a-alala sa kaibigan na nawawala. Hanggang ngayon. Palaisipan pa rin kay Drape kung bakit hindi na ito nagpakita sa kanila ng kaniyang jowa.

Na agaw lang ang kaniyang atensyon sa sunod sunod na katok mula sa kaniyang babasagin na pinto. Hindi pa siya nagsasalita upang mapahintulutan ito ay pumasok na ang kaniyang takas sa mental na girlfriend.

"Huy! Ano? Nahanap mo na ba si Sis?"

Laging ganito ang tinatanong ng jowa niya everytime na bumibisita ito sa kaniyang opisina. Gusto niyang mainis rito dahil imbis na kamustahin siya o sunggaban ng lang ng kiss, e lagi ito naka sigaw sa kaniya. Madalas din ang pagiging marahas nito. In short. May sa lahing boxer ang girlfriend niya--- charot.

Malungkot na lang siyang umiling. Kaya expected ng nakatanggap siya rito na OA na pagdadabog habang ipinapatugtog nito ang Pusong bato.

Napabuntong hininga siya at pasimpleng napa-sign ng dalangin.

"Letter naman, mahirap hanapin ang ayaw magpakita."

Dinuro siya ng girlfriend niyang maliit. Nasa 4'11 lang kasi ang height nito. Si Letter D. Takas ay matalik na kaibigan nilang dalawa ni Consonant. Pero siyempre, maharot din ang Drape at over naman sa kalandian si Letter kaya kalaunan ay nahulog sa isa't isa ang dalawa at nauwi sa pag-iibigan.... keneme.

"E hanapin natin 'yon Talong! Matagal na e. Miss ko na ang babaitang iyon! Peste kasi 'yang kuya mo! Dapat hinayaan mo na lang akong saksakin siya e! At gripuh*n!"

"Tahong naman, 'di makukulong ka niyan? Ha? Kahit mukha kang criminal. Hindi kita papyansa---- aray!" Nakatanggap siya ng suntok at malulutong na mura. Natawa naman ang lalaki.

Simula noong naging sila . . . Ewi man pero Talong at Tahong ang kanilang endearment. Gusto kasi nila ang unique at something naughty raw sa kanilang relationship--- kalandian. Naughty na naughty naman talaga.

Naupo sa sofa ang girlfriend niya ng mapagod sa kakahampas sa kaniya.

"Pero Drape . . . miss ko na ang babaeng iyon. Lalo na ang kalandian at kasamaan to the max niyang ugali. Nakaka-miss. Drape. Nasaaan ka na kasi!" Sinigaw nito ang huling sinabi.

Sabay silang nanahimik.

"Halika Tahong, punta tayo sa---"

Umayos ng higa si Letter sa sofa at ginulo gulo ang buhok with kinagatan pa ang daliri. Pa sexy kuno kahit nagmukha namang baliw. "O my gosh ka naman Talong! Huwag sa hotel uy! Alam kong maganda at sexy ako pero . . . ene be! Malaki ba ang iyong talon---"

Napangiwi siya. "Sa opisina tayo ni Kuya pupunta Tahong." Natawa si Drape habang masama ang tingin ng kaniyang girlfriend sa kaniya. Sa huli, magka-holding hands silang lumabas sa kaniyang opisina, habang naglalandiang tinatahak ang daan sa elevator papuntang 30th floor na opisina ng kaniyang Kuya Dalter.

Honestly speaking. Hindi naman talaga siya nagta-trabaho sa kumpaniya ng kaniyang Kuya. Mabait lang siya kaya siya nandirito. It's December 26, pero heto siya't nagtatrabaho. May sarili naman kasi siyang business. He owned a simple but famous toy factory with her own secretary, no other than he's girlfriend na tutubi. Ang kaso. May something sa Kuya niya na hindi niya malaman laman kung ano, dahil parang nawawalan ito ng gana these passed 1, 2, 3, 4, 5 years. Kaya nautusan siya ng kanilang Papa na tulungan muna ang kaniyang Kuya para matignan niya 'din kung okay pa ba ito at humihinga pa ba. Kulang na lang kasi ay ikulong na nito ang sarili sa opisina at pakasalan ang mga papeles.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now