C H A P T E R: 51

CONSONANT
P.O.V


NARIRITO kaming lahat sa maliit naming mesa para maghapunan. Sa dami namin nagsisiksikan na kami rito. Dumagdag pa ang limang palamunin na mga anak nina Ate Sugar at Kuya Sharp na nangunguna ng kumain.

Pinagsasapok ko sila dahil mga buwisit na bata. "Marunong kayo makiramdam! Huwag kayong mga patay gutom!"

Feeling ko tinatrabaho na naman ni Kuya Sharp ang asawa niya. Grabe, plano talaga yata nito magparami ng lahi!

Nagsingisihan lang sa'kin ang mga pasawat at liningon ang madramang couple. Tahimik lang ang dalawa habang nagtitigan. Ang mga anak ko naman ay nag u-unggoy unggoyan para patawanin ang dalawa. Saka may halo pa na pustahan kung sino raw ang kukurap.

Hinanap ng mga muta ko kung nasaan si Dalter. Nakita ko siya na busy na naman sa kaniyang laptop at base sa mukha niya ngayon . . .

Stress na stress na siya. Kanina after niya ihanda ang kaniyang mga iniluto, nagpaalam siya na liligpitin muna ang mga gamit niyang naiwan sa sala. Kaso sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi nito maiwan-iwan ang trabaho. Narinig ko pa ang ringtone niyang manok na pula. Sign na may tumatawag. Binalingan ko na lang ulit ng tingin ang mga nakakairita sa matang magjowang ito. Umirap ako at kulang na lang pag umpugin ko sila.

"Hindi pa ba kayo kukurap. Grabehan lang, ha? Ang pupula na ng mga mata niyo," totoo ang sinasabi ko. Lumuluha na sila dahil kanina pa walang gustong kumurap.

Dahil sa pag epal ko sa momentum nila, sabay sila na binigyan ako ng masamang tingin. Napa atras ako at napahawak sa'kin heart.

"Ba't parang . . . kasalanan ko pa?"

Mga attitude talaga ang mga buwisit dahil sabay ulit nila ako kung murahin. Mabuti na lang at busy ang mga anak ko sa kanilang monkey business- ang awayin ang kanilang kapitapitagang mga kuya-kuyahan. Ang mga palamunin ng bayan.

"Pakitawag si Kuya Dalter," utos ni Drape. Hindi ko naman sinunod dahil ewan ko kung sino ba ang inuutusan niya. Busy na ako mangulangot ng maudlot, liningon ko ang nagsalita na si Drape. "Consonant . . . huwag kang bingi, pakitawag si Kuya."

Sumingahap ako hindi nakaiwas sa'kin ang pagngiwi nila sa pagiging OA ko. Kumurap kurap na sila at sabay pumunas ng kanilang mga luha---wow, dapat talaga may ka-couple goals ka.

"Huwag ka ding shunga saka batugan. Ba't hindi ikaw---"

"Twenty thousand pesos, ibibigay ko sayo bukas na bukas. Tatawagin mo ba o hindi? Deal or no---"

Napapalakpak ako at napasuntok sa hangin. Yes! "Deal agad my friend. Wait lang, ha? Tatawagin ko lang Kuya mong hilaw."

Umalis na ako sa kanilang tabi nila at linapitan ang nakatayong si Dalter na busy pa rin sa ka-call niya. Mukhang okupad na okupado talaga siya sa kausap ndahil hindi niya naririnig ang yapak ko papalapit na kaniyang kinatatayuan.

Nakangiti akong lumapit kaso nabura ng marinig ng tuluyan ang sinasabi niya sa kaniyang kausap habang hawak ang telopono nito.

"Are you really serious? How does Grandma know about that? Did you just waste the money I paid you-idiot! Just what?-even Mom and Dad?"

Napasinghap ako ng tuluyan. Hindi na ito pa-girl na singhap kasi nanlalaki na talaga ang mga mata ko sa shocking na chismis na nalaman ko for this day chapter!

"Damn it!!"

Grabe ang hot pa rin talaga ng boses niya . . . Kaso ayaw ko i-focus diyan ang pronoproblema ko kaya nakurot ko tuloy ang singit ko. Next time na lang ako magpapantasya. Basta huwag lang sa kaniya!

Hiding Vowels Where stories live. Discover now